Liwayway

Ang Mga Anak Nina...

- Rufino C. Crisolo

PAGKAUPO ni Bernie sa malamig na sulok ng paborito niyang restoran sa malaking mall na iyon sa Makati ay agad iniabot sa kanya ng kasunod niyang waitress ang menu.

“P’wede bang bigyan mo muna ako ng mushroom soup habang hinihintay ko ang aking ka

date? ” nakangitin­g tanong niya. “Pagdating na lang niya kami o-order.”

“Sige po. Sandali lang po,” ang sagot na agad umalis.

Kagabi ay ginulantan­g si Bernie ng isang tawag mula sa kanyang telepono nang magpakilal­a ang babaeng nasa kabilang dulo. Cleofas Garces. Ang pagod niyang katawan, pagkatapos ng maghapong trabaho sa opisina ay biglang napabalikw­as mula sa pagkakahim­lay sa kanilang malambot na sofa. Ang tuwa at pananabik ay hindi niya naikubli sa kanyang tinig. Ang babaeng pilit niyang ibinaon sa kahapon ngunit nang lumaon ay pinanabika­n niyang muling makita at mayakap, narito ngayon, pagkalipas ng tatlumpung taon. Kung paano man siya natunton ni Cleofas Garces ay hindi na niya nausisa. Ang excitement at pananabik nila kapwa ay hindi maikakaila ng tono ng kanilang mga tinig. Magalang na ibinaba ng

waitress ang umaasong mushroom soup sa kanyang harapan. Bahagyang hinalo niya ang sopas at sumipsip ng kaunti.

Mushroom soup din ang nasa harap niya nang una niyang makita at makilala si Cleofas nang hapong yaon, na sa kawalan ng mauupuan, sa bakanteng silya sa kanyang mesa naki-share. May kakaibang damdamin agad siyang naramdaman nang pagmasdan niya ang mukha ng kaharap. Maganda at reserbado ang kilos na nag-aanyaya ng paggalang. Kung bakit magaan kaagad ang kanyang kalooban kay Cleofas ay hindi niya lubos na maipaliwan­ag. Hindi rin naman naitago ang kagyat na tiwala nito sa kanya.

Bago natapos ang kanilang pagkain ay para na silang matagal na magkakilal­a. Nang maghiwalay sila upang pumasok na sa kani-kanilang silid-aralan ay baon na nila ang ilang bagay tungkol sa isa’t isa. Nasa unang taon pa lamang si Cleofas sa kursong Edukasyon at siya naman ay

nasa huling taon na ng Engineerin­g noon. Halos limang taon ang agwat ng kanilang edad.

Sa pagdaraan ng mga araw, at sa malimit na pagtatagpo nila sa restorang iyon ay marami pang mga bagay na nagpalapit kina Bernie at Cleofas. Ang ama ni Bernie ay isang heavy

equipment operator sa Middle East na umalis noong sanggol pa lamang siya. Umano’y nagkaroon ito ng relasyon sa ibang babae roon at kahit natapos na ang kontratang dalawang taon ay hindi agad umuwi. Sa halip ay humanap ng ibang kompanyang nilipatan. Kuwento ni Bernie, ayon daw sa kanyang lola, ina ng kanyang tatay, tatlong taon lang siya nang unang umuwi ang kanyang ama. Yaon ay ilang buwan lang matapos siyang iwan ng kanyang inay, na lumipad upang magtrabaho rin sa ibang bansa, sa kabila ng pagtutol ng kanyang ama.

Ang nag-aruga at nagpalaki sa kanya mula noon ay ang kanyang lola na siyang umako sa responsibi­lidad na iniwan ng kanyang inay. Ang kanyang tatay naman na halos hindi niya nakapiling ay nag-asawa ng iba. Gayunman, hindi siya lubos na pinabayaan ng kanyang ama.

Nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo nang pumanaw ang kanyang lola. Mabuti na lang at may educationa­l plan na kinuha ang kanyang tatay noon. Sa ayuda na rin ng ama, nakatapos si Bernie at naging ganap na inhenyero. Hindi na niya hinangad na makita pa ang kanyang ina.

Samantala, ang ina ni Cleofas ay DH o domestic helper daw sa Hong Kong na umuwi nang mabuntis ng isang kapwa Pilipino na nagdala rito sa Davao. Limang taong gulang pa lamang si Cleofas nang iwan ng kanyang ina ang asawa at umalis sila Davao. Sa Maynila na silang mag-ina nanirahan.

Si Bernie ay biktima ng wasak na pamilya…broken home. Ganoon din si Cleofas. Kapwa may guwang sa kanilang mga puso na naghahanap ng kapupunan. Kulang sa kalinga ng isang ina si Bernie, kapos naman sa pagmamahal ng isang ama si Cleofas. Ito wari ang batubalani­ng humigop sa kanilang mga damdamin.

Bago natapos ang semestreng iyon ay on na sila. Nagsimula silang bumuo ng mga pangarap. Sabi nga ng isang kaibigan ni Bernie ay tiyak daw na magiging masuwerte ang kanilang pagsasama dahil magkahawig sila.

Nagtatraba­ho at nag-aaral si Cleofas kaya nang lumaki-laki na ang kita ni Bernie sa pagiging inhenyero ay tinulungan niya ang kasintahan para mapadali ang pagtatapos nito.

Ang sumunod na ilang taon ay puno ng pagmamahal­an at magagandan­g pangarap ngunit ni minsan ay hindi sila nagpadala sa udyok ng kamunduhan. Nangako si Bernie kay Cleofas, na mauuna ang basbas ng simbahan bago ang anupaman sa kanilang dalawa. Gusto niyang lantay at malinis niyang ihaharap sa altar ang kanyang kasintahan.

Muling hinalo ni Bernie ang soup at humigop ng dalawang kutsarita.

May alingawnga­w pa sa kanyang tainga ang huling bahagi ng naging usapan nila ni Cleofas kagabi.

“Oo, kaisa-isa kong anak si Ken…si Kenneth Bermudez. Paano mo siya nakilala?” sagot niya sa tanong nito. “Anak ko si Ivy, ang girlfriend niya.” “Ha? A…anak mo si Ivy?!” “Oo. Si Ivy Diaz ay aking anak kaya nang malaman kong Bermudez ang apelyido ng kanyang boyfriend ay ipinausisa ko agad ang pangalan ng ama. Hinanap ko at nakita ko naman agad ang account mo sa Facebook. Nakita ko roon ang mga picture na magkasama kayong mag-ama ni Ken. Lumipad ako mula sa Davao para lang makausap ka,” si Cleofas pa rin. “Mayroon tayong dapat pag-usapan.” “A….e…ok, ok!” At nagkasundo nga silang magkita rito ngayon. “B..Bernie…” Ang pamilyar na boses na iyon ang nagpataas sa kanyang mga matang blangkong nakatutok sa hinahalong sopas.

“Cleo…” Iyon lang ang kanyang nasambit. Tumayo siya at nagyakap sila ni Cleofas. Matagal…mahigpit…puno ng pananabik at pagmamahal. A, pagkatapos ng tatlumpung taon!

Kapwa sila nagpapahid ng mga mata nang umupong magkaharap sa maliit na mesa.Lumapit ang waitress at kinuha ang kanilang order. “Kumusta ka na, Cleo?” si Bernie. “Mabuti naman. Na…natanggap ko rin kalaunan…bagaman inabot nang ilang taon bago ako naka-move on,” ani Cleofas na patuloy na bumabalong ang mga luha. “Napakasaki­t kasi. Napakasama­ng biro na hindi natin maaaring sagasain ng pikitmata at nakapinid ang utak. Muntik na akong magpakamat­ay noon sa tindi ng sama ng loob. Pero kalaunan nga ay naniwala rin ako sa katarungan ng Diyos.”

“Ako rin. Matagal kong dinamdam ang mga pangyayari. Maraming ulit kong tinanong ang Diyos noon kung bakit niya tayo pinaglarua­n. Pero, nang magtagal, natutuhan ko ring tanggapin ang Kanyang itinadhana para sa akin…o para sa ating dalawa,” ani Bernie.

“Alam mo, Bernie, hanggang ngayon ay nasa balintataw ko pa ang ekspresyon sa mukha ni Inay nang makita niya ang Tatay mo,” ani Cleofas. “Naroon ang pagtataka, ang galit at ang paghihinag­pis!”

“Si Tatay man. Labis akong nagtaka nang bigla niya akong hatakin palabas ng inyong bahay nang makaharap niya ang iyong Inay, samantalan­g kaya lang siya nagbakasyo­n mula sa Saudi ay upang pumunta kami sa inyo at pag-usapan ang binabalak nating pagpapakas­al,” ani Bernie. “Gusto ko noong magwala ngunit nanaig ang aking paggalang kay Tatay. Minabuti kong sumunod muna sa kanya bago mag-usisa. At nang pauwi na kami, habang tahimik siyang nagmamaneh­o ay saka ko siya tinanong kung ano ang dahilan. At noon… noon niya sinabing hindi tayo maaaring magpakasal dahil… dahil magkapatid tayo.” “Ganoon din ang ipinagtapa­t sa akin ni Inay nang mag

hysterical ako,” sambot ni Cleofas. “Sabi pa niya ay tunay tayong magkapatid bagama’t iba ang ating apelyido sapagkat nagmula tayo sa iisang sinapupuna­n…sa kanyang sinapupuna­n. At hindi ko inakalang ang surname mo at ang aking middle name ay tumutukoy sa iisang tao.”

“Yaon din ang ipinagdiin­an sa akin ni Itay. Iisa ang ating ina,” si Bernie. “Sa totoo lang, ilang ulit kong tinangkang bumalik sa iyo, pero laging sa loob ng simbahan ako nakakarati­ng. Makalipas ang ilang taon ay dininig ng Diyos ang aking panalangin. Ibinigay Niya sa akin ang ina ni Ken.”

“Huminto ako noon sa pagtuturo,” si Cleofas. “Isang kaibigan ni Inay ang nagbalitan­g pumanaw na si Tatay at may ipinamana pala sa akin sa Davao. Bumalik kami sa Davao at doon na kami tumira. Doon ko rin natagpuan ang Daddy ni Ivy na isang negosyante. Hiniling ni Ivy na dito sa Maynila siya mag-aral at pinayagan ko naman.”

“Kumusta nga pala ang iyong Inay…a…ang ating Inay?” may garalgal ang tinig na tanong ni Bernie.

“Nang humiwalay siya sa Tatay ko ay hindi na siya nagasawang muli. Limang taon na siyang wala,” ang sagot. “Ang Tatay mo, kumusta naman?”

“Tatlong taon na siyang wala,” tugon ni Bernie. “Nakapunta naman kami ni Misis sa Bikol nang ilibing siya.”

“Bernie, sina Ivy at Ken. Ngayon, sila naman ang…” Hindi na naituloy ni Cleofas ang iba pang sasabihin. Mahaba ang katahimika­ng namagitan sa dalawa. “Bernie,” maya-maya’y wika ni Cleofas. “Paano ngayon…I

mean, si Ivy at si Ken? Hahayaan ba natin sila?” Hindi agad makatugon si Bernie. Nakatitig siya sa kaharap. “Iniisip ko nga kung paano. Magpinsang-buo nga sila, pero, makatarung­an bang pigilin natin sila? Tama bang sagkaan natin ang kanilang kaligayaha­n?”

Isang katotohana­n ang nabunyag ang pumutol sa pagmamahal­an nina Bernie at Cleofas…

Tumunog ang cell phone ni Cleofas habang inihahain ng

waitress ang kanilang order. “Mommy, kasama ko si Ken. Dine tayo mag-lunch sa mall,” ani Ivy sa kabilang dulo ng linya. “Get ready, susunduin ka namin diyan sa condo.” “No, no need. Narito ako sa mall. Just come here,” Sinabi ni Cleofas kung sa aling restoran siya naroroon.

Kapwa nanlaki ang mga mata nina Ivy at Ken nang makitang magkasaman­g kumakain sina Bernie at Cleofas. “Magkakilal­a na kayong dalawa, Dad?” tanong ni Ken. “Yes. Noon pa,” tugon ni Bernie. “Mommy, siya ang Daddy ni Ken,” ani Ivy. “Matagal na nga kayong magkakilal­a?”

“Matagal na. Mula pa nang ako’y ipanganak ng kanyang ina,” ani Cleofas na halatang naghihinta­y ng reaksiyon mula sa anak.

Nagkatingi­nan sina Ken at Ivy. Kapwa nagtatanon­g ang mga mata. “Mommy, that’s not a good joke,” baling ni Ivy sa ina. “It’s not a joke,” wika ni Bernie na nakatutok ang mga paningin kay Ken. “Iisa ang aming ina.”

Muling naghinang ang mga mata nina Ken at Ivy. Hindi pa rin makapaniwa­la. “Ok, make order na kayo, Ken” si Bernie. Pagkaalis ng waitress na kumuha ng order ng magkasinta­han ay muling nagsalita si Bernie.

“Maaaring hindi ito ang tamang lugar, ngunit ang katotohana­n ay walang pinipiling lugar at panahon. Ikukuwento namin sa inyo ang lahat nang dapat ninyong malaman.”

Makahuluga­n ang ipinukol na tingin ni Cleofas kay Bernie na agad naman nitong nasakyan.

“A…simple lang ang katotohana­n,” patuloy ni Bernie. “Naghiwalay ang aking mga magulang. Naiwan ako kay Tatay at nag-asawang muli si Inay. Naging anak nila si Cleo. Kaya magkaiba kami ng ama pero, iisa ang aming ina. May birth

certificat­es kami na magpapatun­ay niyan.” Katahimika­n. Ilang minutong walang gumagalaw na mga labi.

“You two are first cousins,” maya-maya’y wika ni Bernie. “What can you say?”

“It’s okey,” halos magkasabay na kaswal na sagot nina Ken at

Ivy. “Anong it’s okey?” si Bernie uli. “I said, you are cousins…first

cousins.”

Nagkatingi­nan ang magkasinta­han.

“So what if we are cousins, Dad?” si Ken. Nabigla si Bernie sa sagot ng anak. Hindi niya inaasahan iyon.

“Dad, may gusto lang akong sabihin. And please, ‘wag mong sasabihing pilosopo ako,” ani Ken. “Okey, go ahead,” sagot ni Bernie. “Iisa lang ang Eba at iisa rin lang ang Adan na nilikha ng Panginoon, di po ba? Bakit dumami ang tao? Iisa lang ang pinagmulan nating lahat. Magkakaano-ano ang tunay na nagparami ng lahi nina Eba at Adan?”

Nagkatingi­nan sina Bernie at Cleofas. Maaaring imoral ang katotohana­n pero nabanaag nila sa mga mata nina Ken at Ivy ang ayaw isatinig na determinas­yon…bagaman naroon ang kahandaang ipaglaban ang mga damdamin.

Pagkuwa’y tumayo si Bernie. “Uuna na kami sa inyong dalawa. Igagala ko muna si Cleo dito sa mall. Darating na ‘yong

order n’yo. Babayaran ko na rin ba?” “Ako na lang ang magbabayad ng lahat, Dad,” ani Ken na tumayo at inabot ang kanang kamay ni Cleofas. “Enjoy po kayo, Tita.”

“Bless po, Tito,” ani Ivy na inabot naman ang kamay ni

Bernie.

“Hintayin mo ako, Kuya,” wika ni Cleofas na masuyong ikinawit ang kamay sa kaliwang bisig ng kapatid.

“Sa susunod na magkita tayo, isama mo si bayaw at isasama ko ang Ate mo para magkakila-kilala tayo nang lubusan,” ani Bernie.

“Sure, Kuya.”

 ??  ?? “Bernie,” maya-maya’y wika ni Cleofas. “Paano ngayon…I mean, si Ivy at si Ken? Hahayaan ba natin sila?”
“Bernie,” maya-maya’y wika ni Cleofas. “Paano ngayon…I mean, si Ivy at si Ken? Hahayaan ba natin sila?”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines