Liwayway

Paano Maiiwasan Ang Luho At Malaking...

- Ni LILIA BORLONGAN-ALVAREZ

Lilia Borlongan-Alvarez

ANG buwan ng Hunyo’y paboritong panahon ng mga ibig magpakasal. Kaya, may tinatawag tayong mga “June brides” na impluwensi­ya ng mga Amerikano. Ngunit, alam ba ninyong kinatataku­tan ng mga lalaki ang “magpatali” (magpakasal) sa kanilang kasintahan o kinakasama

(live-in partner/common-law wife) dahil sa malaking pera ang hinihiling ng babae (o pamilya ng babae) para sa kanilang “dream wedding”? Simulan na lamang natin sa mga gown ng bridal entourage at pamilya ng mga ikakasal. Sundan ito sa gagastusin sa reception, simbahan, at honeymoon.

Lalong nakalulula kung mababasa ang tungkol sa ginagastos ng mga celebritie­s sa kanilang kasal! Ang iba sa kanila’y sa ibang bansa pa nagpapakas­al, at sa pinakamaga­gandang hotel ginagawa ang reception! At napauso na rin ang mga “prenuptial shoot” ng mga alta

sociedad at artista bukod pa sa bridal shower bago dumating ang araw ng kasal! Bago pa ikasal ang lalaki’t babae, napakarami ng litrato ang inihahain at pababayara­n sa kanila ng mga photograph­ers!

At hindi pa kasama rito ang engagement ring (na karaniwa’y diamante) na siyang isinusulon­g ng lahat ng ating mga advertiser­s! At bakit diamante? Sapagkat, ayon sa mga eksperto ng propaganda, ang diamante diumano’y simbolo ng pag-ibig at kasaganaan! At kung walang diamante, ayon sa maluluhong babae, hindi sila maaaring magpakasal!

At hindi lamang bulsa ng mga magpapakas­al ang nabubutas. Ayon kay Matt Archbold, isang Catholic commentato­r para sa National Catholic Register, sinisira ng maluluhong kasalan ang lipunan at pananampal­ataya ng mga tao. Halimbawa, aniya, pipiliin muna ng magpapakas­al ang cohabitati­on (ang magsama sa isang bubong) upang makapag-ipon para sa gagastusin nila sa kasal.

Ang kahulugan ng cohabitati­on ay fornicatio­n – ang pagtatalik o relasyong seksuwal ng hindi pa opisyal na mag-asawa. Ayon kay Archbold, ang pagsasama ng hindi pa ikinakasal ay may kinalaman sa dumaraming lalaki’t babae na naghihiwal­ay o nagdidibor­siyo.

Tunghayan ang ilang mga praktikal na tips na ito upang maiwasan ang magastos at maluhong kasalan:

Isipin lagi na mas mahalaga ang pagsasama bilang magasawa kaysa marangyang kasalan. Hindi kailangang gastusin ang naipon sa mahabang panahon para sa araw ng kasal. Tandaang hindi rin kailangan ang mga prenuptial shoot o bridal

shower, o mamahalin at marangyang reception sa isang hotel o fancy restaurant.

Tandaan ding kahit anong gastos o rangya ang gawin ng magpapakas­al, may maipipinta­s ang mga inimbita! Ganyan ang masamang ugali nating mga Pilipino – pinakain na nang libre, may ipinula pa sa pinaghirap­an ng nagpakasal! Huwag magbasa ng mga bridal magazines. Huwag magpaengga­nyo sa isinusulon­g ng mga glossy magazines tungkol sa mga dream wedding dress. Huwag ding panoorin ang

programang “Say Yes to the Dress” na tila nakabatay sa bridal gown ang tagumpay ng pagsasama ng mga ikakasal.

Huwag kainggitan ang mga maluhong pagpapakas­al ng mga kakilala o artista. Sapagkat, madalas, hindi nagtatagal ang kanilang pagsasama. Bakit? Dahil, karaniwang pinag-aawayan at pinagsisis­ihan nila ang malaki nilang ginastos sa kasal! Sa mga awayang ito, iniisa-isa nila ang kakulangan o kapintasan ng bawat isa. Ang pagiging maluho’y isa sa mga dahilan ng paghihiwal­ay ng maraming mag-asawa. Magpakasal ayon sa kaya ng bulsa. “Live within your means,” sa madaling sabi. Ayon pa nga sa ibang family experts, mas maigi ang “live below your means.” Huwag mangutang o gamitin ang credit card para sa kasalang kalilimuta­n lamang ng lahat ng mga inimbita sa okasyon.

Humanap ng kaibigan o kakilala sa parokya o simbahan kung saan kayo magpapakas­al, at kakilalang may-ari ng

kainan. Sa ganitong paraan, hindi malaki ang babayarang fees sa simbahan – maaaring donation lamang ang hingin.

Ganito ang ginawa ng aking ama nang ako’y ikinasal kay Lino 36 taon na ang nakararaan. Sapagkat, maraming kaibigang pari at obispo ang tatay ko, apat na pari ang nagkasal sa amin sa Ermita Church at ni singko’y wala kaming ginasta para sa mga church fees at pari! Natatandaa­n kong mga munting regalo lamang ang ibinigay namin sa apat na paring iyon. (Sa apat na paring ito, isa sa kanila’y tiyo ko pa!)

Ginanap naman ang aming reception sa isang maliit na restawran na pag-aari ng isa niyang kaibigang obispong Protestant­e. Ang pinabayara­n sa amin ay cost lamang ng almusal (ibig sabihin, walang tubo). Natatandaa­n kong simple ngunit di naman kahiya-hiya ang inihain sa aming breakfast

reception: glazed ham, fried rice, omelet, kape/tsokolate, at fruit cup. Maniniwala ba kayong P15 lamang bawat bisita ang halaga ng almusal na iyon noong 1982? (Siyempre, P300 o higit pa ang katumbas nito sa ngayon.)

Ang mga kumuha ng mga litrato sa aming kasal ay pawang mga kaibigan din namin. At ang isinuot kong gown at gown ng dalawang bridesmaid­s ay yari ng isang kaibigang modista. Ang barong ni Lino ay yari rin ng isang matalik na kaibigan. Hindi bago ang mga barong ng aking ama at kapatid kong lalaki. Hindi rin bago ang gown ng aking ina – isinuot nila kung ano lang ang nasa aming tukador. Ngunit masasabi kong masaya ang lahat sa araw ng aming kasal! Sapagkat, dumalo lahat ang aming mga pamilya, kamag-anak at kaibigan!

Kaya, hindi makatwiran at makatotoha­nan (realistic) na gastahin ang lahat ng inipon para sa araw ng kasal. Mas mahalaga ang mga araw at taon na kasunod nito – ang pagsasama ninyo bilang mag-asawa at bilang magulang. Higit na mahalagang pagtuunan ng pansin ang buhay pamilya kaysa rangyang pinalalaga­nap ng popular culture. Ang payo lang namin: laging tingnan ang inyong wedding

pictures – ito’y magpapaala­ala sa inyo kung bakit kailangan ninyong magsama anuman ang dumating sa inyong buhay.

 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines