Liwayway

Ynez Veneracion, Masaya Sa Real Life Role Bilang Ina

- Nonie V. Nicasio

P

ROUD ang dating sexy star na si Ynez Veneracion kapag napapansin ang mala-dalagang hubog ng kanyang katawan kahit mayroon na siyang anak ngayon. Aminado ang 37 year old na aktres na maalaga talaga siya sa kanyang katawan ngayon, lalo’t mayroon siyang anak na binubuhay bilang single parent.

“Kailangan nating alagaan ang ating sarili. Kapag aging na, medyo mahirap-hirap na, dati kasi kahit kumain ka nang marami, ‘yung metabolism natin mabilis kasi bata pa tayo. Ngayon, medyo bumabagal ang metabolism ko, so kailangan ng kaunting suporta. Kaya, work-out tapos diet, iyan ‘yung ginagawa ko,” saad ni Ynez.

Nabanggit din ni Ynez na maraming nabago sa buhay niya mula nang siya’y naging ina. Mas naging responsabl­e raw siya sa buhay dahil noon ay parang bara-bara ang takbo ng kanyang buhay. Marami rin siyang natutuhan bilang ina, dahil kung noon na lahat ng luho sa katawan ay nararanasa­n niya, ngayon daw bago siya gumasta ay ang anak muna niya ang kanyang iniisip.

Anim na taon na ngayon ang anak na babae ni Ynez sa isang politician sa Mindanao na ayaw na niyang banggitin ang pangalan. Ayaw niyang pag-artistahin ang anak dahil bawal sa Assumption at gusto niyang manatili sa paaralang ito ang anak niya dahil maganda raw talaga ang turo rito.

“Inglesera ang anak ko, hahaha! Kahit sagutin mo siya ng Tagalog, hindi ka niya Tatagalugi­n. So siyempre, stressful ‘di ba?” nakangitin­g wika pa ng aktres.

Niyaya raw siya dating magpakasal ng ama ng kanyang anak, pero tumanggi siya. Dahil kung sakali, magiging pangapat na asawa na siya. “Ayaw ko lang talaga. Kasi mahirap, eh. ‘Yung hindi nga Muslim, ang hirap na di ba, hindi pa nagtatagal. Iyon pa kayang Muslim na marami kayong asawa?”

Sa ngayon daw ay nananatili silang magkaibiga­n ng politikong ama ng kanyang anak, mabuting ama raw ito sa kanilang anak at regular na nagbibigay ng sustento sa bata.

Idiniin din ng aktres na wala naman daw pagsisisi sa parte niya dahil masaya siya sa piling ng kanyang anak.

Bilang isang ina, maligaya si Ynez at sobrang nakatutok siya sa kanyang anak.

“Nakakatuwa, naku, mahilig sumayaw at mahilig kumanta! Pero sabi ko, huwag na, ‘wag muna, aral muna kasi sayang, matalino, eh,” pakli pa niya.

Sa ngayon, ayaw na ni Ynez magpapa-sexy sa pelikula dahil sa kanyang anak. Pero proud siya sa huling pelikulang nagawa niya, ang The Healing dahil nakatrabah­o niya rito sina Vilma Santos, Kim Chiu, Pokwang, at Direk Chito Roño. Kabilang din sa most memorable movie niya ang Dama de Noche at ang Pagnanasa na kapwa mula Viva Films. Ang

leading man kasi niya sa una ay si Mark Gil at kasama rin sa naturang pelikula si Jaclyn Jose na itinuturin­g ni Ynez bilang isang napakagali­ng na aktres.

Sa pelikulang Pagnanasa naman, dahil kasama raw dito si Gary Estrada na sobrang idol ni Ynez noon. Aminado siyang fan ni Gary at hindi malilimuta­n nang naging extra siya noon sa movie nina Gary at Donita Rose. Kaya nang naging leading man daw niya si Gary sa naturang pelikula, halos hindi siya makapaniwa­la at labis ang kanyang naging kagalakan. Ipinahayag din ni Ynez na masaya siya sa kanyang buhayshowb­iz dahil dream come true sa kanya ang maging isang artista. Mapanood lang daw niya noon ang sarili sa pelikula at gumanap ng malilit na papel ay masaya na siya. Kaya nang bigyan siya ng chance na maging bida sa more or less isang dosenang pelikula, nag-uumapaw ang kanyang pasasalama­t sa Diyos. “I’m so thankful kay Lord, kaya sabi ko, okay na ako sa pagaartist­a. Ngayon ‘yung motherhood naman ang wino-work-out ko, ;yung pagiging isa ina,” nakangitin­g pahayag niya. Dream din daw niya na sampung taon mula ngayon, na mas secure na ang buhay niya at naniniraha­n na sa ibang bansa.

“Gusto ko ten years from now, migrated na kami either sa US, Australia or sa Europe. Kasi ako, okay na ako sa showbiz eh, nagkaroon na ako ng award sa Paraiso ni Efren, Best Supporting Actress. Tapos recently nanalo rin ako sa Aliw Awards, Best Crossover Performer. I had an album din noong 2013 under Dyna, kaya okay na ako roon,” masayang saad pa ni Ynez.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines