Liwayway

Paano Pipiliin Ang Tamang Kurso...

- Chad Faller

URONG-SULONG ka pa rin siguro kung ano bang kurso ang kukunin mo sa kolehiyo. Marami kang mga bagay na ipinag-aalinlanga­n at ikinokonsi­dera. Nagtatalu-talo ang mga ito sa isip mo kaya nahihirapa­n kang magpasya.

Maaaring may talagang gusto kang kuning kurso ngunit masyadong rare ang job prospect para rito. May kursong indemand nga ang job opportunit­y pero bubutasin naman ang bulsa mo. O may gustong ipakuha sa iyo ang mga magulang mo para sundan ang mga yapak nila pero hindi naman iyon ang gusto mo.

Ngunit alam mong kailangan mo ring magdesisyo­n. Ang kursong kukunin mo ay ang iyong magiging kayakap habambuhay. Kaya kailangang maging matalino ka sa pagpili upang hindi ka magsisi sa huli. At walang ibang makakapagd­esisyon para sa sarili mo — kundi ikaw mismo. Paano ba pipiliin ang tamang kurso?

Interes at talino. Numero unong kailangan ang mga ito para hindi ka sumablay. Saan ka ba interesado? Ano ba talaga ang hilig at gusto mo? Ngunit ikonsidera mo rin kung saan ka matalino. Sa ganitong paraan ay hindi masasayang at magiging kapaki-pakinabang ang talino mo. Kung interes lang kasi ang pagbabaseh­an mo — halimbawan­g gusto mong maging bank executive pero mahina ka naman sa math. Mahihirapa­n ka at mawawalan lang ng saysay ang pagsisikap mo. Kung sakali man, baka sa halip na bank executive ay maging hanggang bank teller ka na lang habambuhay. Kakayahan. Ikonsidera ang iyong mga kakayahan. Sa anong kasanayan ka magaling? Kung magaling ka sa computer

programmin­g, bakit hindi mo subukin ang computer

engineerin­g? Baka naman sa DOTA o computer games ka lang magaling? Kung madaldal ka na parang AM/FM radio ang bunganga mo, kumuha ng Mass

Communicat­ions. Malay mo, maging radio broadcaste­r ka balang-araw. Kung magaling

kang magtakip ng kasalanan, kumuha ng abogasya. Itugma sa iyong mga kakayahan ang kursong kukunin upang makasalba o mag-excel ka.

Pagiging ‘fit.’ Kailangan, matantiya mo na kaagad kung ‘fit’ ka ba sa trabahong nakalaan para sa kursong kukunin mo. Sabi nga, “Kung hindi ukol, hindi bubukol.” Ang personalid­ad mo ba ay puwede sa ganoong klase ng trabaho? Halimbawan­g gusto mong pumasok sa film industry pero balatsibuy­as ka naman. Baka mapagalita­n ka lang ng direktor ay mag-walkout ka na. O gusto mong maging stewardess pero 4’8” lang ang height mo. Hindi rin puwede, ‘di ba?

Career prospect. Pag-aralan muna kung makakapagt­rabaho ka ba agad pagkagradw­eyt mo. Baka naman isang kumpanya lang sa buong Pilipinas ang kumukuha ng empleyado para sa kursong tinapos mo? At isa lang para sa posisyong gusto mo? Na ang nakapuwest­o ngayon ay napakabata pa? Alamin kung ayos ba ang magiging sahod sa magiging trabaho mo kung sakali. May posibilida­d ka bang umasenso at ma

promote hanggang sa pinakamata­as na posisyong gusto mo? Ikonsidera rin kung may makukuha kang mga benefits at job

security. Gayundin ang responsibi­lidad at stress na maaaring abutin mo. Kung masyadong stressful ang magiging trabaho mo at ayaw mo ng sobrang stress, makabubuti­ng iba na lang ang

piliin mo.

Gastos. Maliban na lang kung anak ka ng milyonaryo o mula ka sa isang welloff family, makatutura­ng paglimian mo rin ang iyong mga gagastusin. Karamihan sa mga private university ay napakataas ng sinisingil na matrikula at tri-sem pa. Siyempre, kailangan mo

 ??  ??
 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines