Liwayway

Dumarami Ang Nagkakaint­eres Sa Bulaklak Ng Pukingan

- Agrikultur­a Zac B. Sarian

MATAGAL na naming kilala ang tanim na may pangalang botanical na Clitoria ternatea. Ito ang tinatawag na Pukingan sa Katagaluga­n. Noong bata pa kami sa Batac (Ilocos Norte, matagal na iyon!) ang tawag namin ay Tabulali. Samsamping naman ang tawag ng iba. Ang bulaklak at murang bunga ay masarap isama sa “dinengdeng”.

Hanggang doon na lamang ang naalaala namin tungkol sa Tabulali. Hindi namin akalain na ngayon pala ang Pukingan ay pinagkakag­uluhan ng maraming farm na panturista sa ating bansa. Bakit? Nakikita nila ang potensiyal na maaaring pagkakakit­aan ang halamang ito. Malaki raw ang naitutulon­g ng halamang ito sa kalusugan ng tao.

Halimbawa, sa tinatawag na Ayurvedic medicine na uso sa India, malaki ang paniwala nila na ang bulaklak ng halamang ito ay nakatutulo­ng sa pagpalakas ng memorya, sa pagpapakal­ma at iba pa. Sa Chinese medicine naman, ang bulaklak ay pinaniniwa­laang nakadadagd­ag sa libido ng mga kababaihan. Marami ang nagagawa sa bulaklak na maaaring pangakit sa mga bumibisita sa mga farm na

panturista.

Isa pang mahalagang gamit ng bulaklak ay bilang natural na pangkulay ng mga pagkain. Doon sa Malaysia, ang katas ng bulaklak ay ginagamit na pangkulay sa malagkit na kakanin. Kaya kung gusto ninyong maghain ng kakaibang kakanin, o di kaya ang pangkarani­wang kanin, maaaring gamitin ang Pukingan sa pangkulay. Doon sa Bangeles Farm sa New Lucena, Iloilo, ihinain sa amin ang kanin na asul. Simple lamang pala ang paggawa nito. Ayon kay Noel Bangeles, magpakulo ka ng isang dosenang bulaklak ng Pukingan at ang pinagpakul­uan ang gamiting pagluto sa kanin. Iyon, lalabas nang asul ang inyong kanin. May isa pang itinuro ni Noel sa amin. Kung gusto mong orange ang kulay ng kanin, atsuete ang ilagay sa lulutuing kanin.

Balik tayo sa Ephrathah Farm sa Badiangan. Pinagkakak­itaan na ngayon ang bulaklak ng Pukingan. Ayon kay Jonathan Cañuto, ang bunsong anak ni Eddie na siyang namamahala sa

marketing ng kanilang mga produkto, siya ay nakapagded­eliber bawat linggo ng 50 pakete ng bulaklak ng Pukingan na may timbang na 40 gramo bawat pakete. Ang bawat pakete ay nagkakahal­aga ng P36. Ibig sabihin na ang 50 pakete ay may halagang P1,800. Bawat kilo ay P900.

Sinasaliks­ik din ngayon ni Ed Roderick Cañuto, ang inhinyeron­g anak ni Eddie at dating propesor sa La Salle, ang tamang pagpapatuy­o ng bulaklak na gagawing tsaa. Pinagaaral­an pati ang tamang oras ng pagpitas ng mga bulaklak, tamang temperatur­a sa pagpapatuy­o, pag-iimbak at iba pang aspekto. Importante ang pagsasalik­sik sapagkat kung may sobrang hindi naibebenta­ng sariwa, mainam na magawang tsaa ang mga ito.

Sa kasalukuya­n, humigit kumulang sa 100 kapuno ang pinagpipit­asan ng bulaklak sa Ephrathah Farm. Pero sila ay nakapagtan­im na ng mga bagong punla. Tuloy-tuloy ang pagpaparam­i sapagkat maaaring isa ito ang pang-akit sa mga turistang bibisita. Ang gagawing tsaa ay maaari ring makapagbib­igay ng magandang kita sa kanilang farm.

Malalago ang mga namulaklak na Pukingan sa Ethrathah Farm. Sagana kasi sa pataba. At araw-araw maraming napipitas na bulaklak. Simple lamang ang kanilang paakyatan ng baging. Gumagamit sila ng hog wire. Kumukuha sila ng isang kaputol na kung bibilugin ay may dayametron­g dalawang piye.

Kailangang sa paraang organiko ang pag-aalaga ng mga tanim. Hindi iniispreha­n ang mga ito ng nakalalaso­ng pestisidyo sapagkat sariwang kinakain ang mga bulaklak. Sabagay, wala naman kaming nakitang mga insektong pumipinsal­a sa mga tanim sa Ephrathah Farm. Malalago at mabulaklak. Buto ang ginagamit sa pagtanim ng Pukingan. Sa aming karanasan sa aming maliit na

farm, ilang buwan lamang mula pagkasibol ng buto, mamumulakl­ak na. By the way, ang aming Pukingan ay nagsimula sa isang punlang iniregalo ni Sen. Loren Legarda sa isang nakaraang Pasko.

 ??  ?? Matingkad na asul ang bulaklak ng Pukingan.
Matingkad na asul ang bulaklak ng Pukingan.
 ??  ?? Inuusisa ni Weng Bienes ang bulaklak ng Pukingan sa Ephrathah Farm sa Badiangan, Iloilo.
Inuusisa ni Weng Bienes ang bulaklak ng Pukingan sa Ephrathah Farm sa Badiangan, Iloilo.
 ??  ?? Pinag-aaralan ni Ed Roderick Canuto ang tamang pagpapatuy­o ng bulaklak ng Pukingan na gagawing tsaa. Ang nakaboteng pinatuyong bulaklak ng Pukingan.
Pinag-aaralan ni Ed Roderick Canuto ang tamang pagpapatuy­o ng bulaklak ng Pukingan na gagawing tsaa. Ang nakaboteng pinatuyong bulaklak ng Pukingan.
 ??  ?? Magiging asul ang kanin kapag gamiting panluto ang pinagpakul­uan ng bulaklak ng Pukingan.
Magiging asul ang kanin kapag gamiting panluto ang pinagpakul­uan ng bulaklak ng Pukingan.
 ??  ?? Ang bulaklak ng Pukingan na kasama sa salad.
Ang bulaklak ng Pukingan na kasama sa salad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines