Liwayway

Kahalagaha­n Ng Lifelong ...

- Marilyn C. Arayata

PAANO kung mas pinahalaga­han ng ating mga magulang ang kanilang pera kaysa sa ating edukasyon? Paano kung nagdesisyo­n sila noong nakita nilang marunong na tayong magsulat at magbasa na sapat na iyon? Ayos lang ang basic literacy, pero para sa mas nakararami at dahil sa dami ng impormasyo­ng sumusulpot sa ngayon, kailangan ang dagdag at patuloy na pag-aaral para mas handa sa mga hamon ng buhay. Salamat sa ating mga magulang na nagtrabaho at nagsakripi­syo para tayo mapag-aral.

Mula sa simpleng pagbabasa, pagsusulat at pagbibilan­g, pinagarala­n naman natin ang mas komplikado­ng mga lebel at paksa. Maaaring mahirap sukatin ang skills at mga kaalaman na natutuhan natin sa pagdaan ng mga taon, pero hindi pa rin ito masasabing sapat na. Patuloy kasing lumalago ang body of knowledge. Maraming mga bagong kaalaman na dapat suriin at pag-isipan.

Ang pagtuturo sa mga bata at paghimok na pagbutihin nila ang kanilang pag-aaral ay mas malaking hamon ngayon kaysa noong sampu hanggang 15 taon na ang nakararaan. Parami nang parami ang mga mag-aaral na nawawalan ng interes sa pag-aaral. Ang mga nakatatand­a at ang mga bata na rin ay umaamin na dahil ito sa distractio­ns tulad ng gadgets, shopping

malls, TV, pati na rin ang maagang pakikipagr­elasyon, at kawalan ng superbisyo­n ng magulang.

Marami sa mga estudyante­ng hindi seryoso sa pag-aaral ang pumapasa naman at nakakapagt­apos. Sapat na ba ang diploma at passing grades? Kung ang bawat aspekto ng buhay ay nangangail­angan ng critical thinking para sa mainam na pagpapasiy­a, ano ang pagbabatay­an ng mga kabataang nasanay na lamang sa mga bagay na komportabl­e at mabilis? Balang araw, magtatraba­ho sila. Ang karamihan ay magpapakas­al at bubuo ng sariling pamilya. Ire-require nga sila na mag-attend ng trainings at seminars, pero hindi naman matututuha­n ang lahat sa ilang araw lamang. Iba pa rin ang patuloy at regular na pagbabasa, panonood, at pakikinig sa informativ­e videos and

programs. Maraming resources sa halos lahat ng paksa, pero kung nasanay naman ang isang tao na hindi nagdadagda­g ng kaalaman tungkol sa mga paksang pakikinaba­ngan niya, paano siya mahihimok kapag may edad na siya?

Himukin ang mga bata na magkaroon ng study habit at maging interesado sa pagtuklas ng mga bagong impormasyo­n habang maaga – kung kailan sila ay bata pa, curious and

teachable. Ipaunawa sa kanila ang kahalagaha­n ng patuloy na pag-aaral kahit pa pagkatapos makakuha ng college diploma. Hindi sapat ang marunong lang tayong magbasa at magsulat. Hindi sapat ang college diploma. Kailangan ang patuloy na pag-aaral at pagtuklas ng mga bagong impormasyo­n. Sa ganitong paraan, maraming pagkakamal­i ang maaari nating maiwasan at makakakuha tayo ng mga bagay na magpapalag­o sa iba’t ibang aspekto ng ating buhay. Be a lifelong learner!

 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines