Liwayway

Magluto Tayo

- Mareng Lena

PANAKLOLO ang itlog sa sandaling walang mailuto o mabiling ulam. Mabibili sa mababang halaga at madali pang lutuin.

BOLA-BOLANG ITLOG MGA SANGKAP:

4 na nilagang itlog, tadtarin ¾ puswelong gatas evaporada 3 kutsarang mantikilya 3 kutsarang arina 1 itlog, batihin Cornstarch

PARAAN NG PAGLULUTO:

TUNAWIN sa mahinang apoy ang mantikilya. Ilagay ang arina. Haluin hanggang maging ganap na magkahalo ang arina at mantikilya. Ibuhos ang gatas. Asnan ayon sa panlasa. Saglit pang pakuluan hanggang lumapot. Hanguin bago ihalo ang tinadtad na nilagang itlog. Lamasin. Hulmahin nang animo bolang maliliit. Pagulungin ito sa cornstarch. Prituhin hanggang maging mamula-mula. Ihain nang may kasamang catsup bilang salsa.

TORTILYANG PATOLA MGA SANGKAP:

1 patola, katamtaman­g laki - balatan at hiwain nang pabilog ng maninipis 1 puswelong hipon, maliliit, balatan 1 sibuyas, hiwain nang maninipis 1 kamatis, hiwain nang maliliit 2 butil na bawang, pitpitin 3 itlog, batihin Patis, ayon sa panlasa

PARAAN NG PAGLULUTO:

IGISA sa bawang, sibuyas at kamatis ang hipon. Timplahan ng patis ayon sa panlasa. Bago ilahok ang patola. Saglit na lutuin. Hanguin at patiktikin bago ihalo sa binating itlog. Tortahin ayon sa nais na laki. Gumamit ng catsup bilang salsa.

TORTILYANG ALAMANG MGA SANGKAP:

1 puswelong sariwang alamang, hugasan at patiktikin 1 sibuyas, hiwain nang pino 2 kamatis, hiwain nang pino 2 butil na bawang, pitpitin 3 itlog, batihin

PARAAN NG PAGLULUTO:

IGISA sa bawang, sibuyas at kamatis ang alamang. Painitin ang kaunting mantika sa kawali. Padulasin ito upang hindi manikit ang ilalatag na binating itlog. “Tiklupin” ang itlog nang nakapaloob ang iginisang sangkap. Maaaring tatlong tortilya ang mailuto, naaayon sa nais na laki. Ihain nang may kasamang catsup. Enjoy!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines