Liwayway

Pag-Usapan Natin!

- Kuya Sam

DEAR KUYA SAM: Ako nga pala si Troy, 34 years old, kawani ng isang bangko rito sa Maynila. Sana ay mabigyan ninyo ng panahon itong aking sulat. Nakilala ko si Analyn sa isang event. Mabait naman siya at magkasundo kami sa halos lahat ng bagay. Pareho kasi kaming film buff at mahilig sa musika. Kaya ayun... nagkasundo kaagad at nauwi sa pag-iibigan.

Nag-aaral pa ng kolehiyo si Analyn noon, Kuya Sam. Siyempre bilang boypren, hindi ko naman matiis na nahirapan siya sa pag-aaral. Noong time na iyon, medyo nahihirapa­n financiall­y ang kanyang mga magulang dahil tatlo silang sabay-sabay nagkolehiy­o. So sabi ko, ako na lang muna ang sasagot sa matrikula niya tutal maluwag naman ako dahil medyo maalwan naman ang sahod ko sa bangko.

So ganu’n ang k’wento. Ako ang nagbabayad sa school fees niya at paminsan-minsang allowance. Sa madaling salita, nairaos niya ang kolehiyo nang matiwasay.

Ngunit ang hindi ko alam, meron din pala siyang boypren sa school nila. Sabay pa silang gumradweyt (ibang kurso nga lang ang boypren niya). Kaya pala noong graduation day, medyo aligaga si Analyn. Pero noong time na iyon, hindi ko lang muna pinansin dahil hindi naman ako madudahing tao talaga. Eto na... a week after her graduation, nakatangga­p na lang ako ng pm sa messenger: “Sorry talaga, Troy, may iba akong bf at mas mahal ko siya. Super tenkyu sa lahat ng naitulong mo.”

Natulala ako, Kuya Sam. Hindi dahil sa nanghihina­yang ako sa ginastos kay Analyn ngunit kay Analyn mismo. Mahal ko siya, Kuya Sam, and she’s gone in a second.

Kuya Sam, depressed ako ngayon. – TROY

DEAR TROY: Ang sakit naman ng k’wento mo, Troy. Napakawala­nghiya naman nitong si Analyn. Pinagastos ka pa niya, tapos hihiwalaya­n lang naman pala. Para siyang isang taong napadpad sa laot tapos nakakita ng driftwood at ito ang nagligtas sa kanya at nang makaahon na sa dalampasig­an, itinapon na lang ang kahoy na iyon na parang walang silbi. Well, may mga tao talagang ganyan, walang utang na loob. Grabe, hindi man lang siya nakipagkit­a sa iyo at sabihin ng harap-harapan na nagfall-off na siya sa iyo. Bakit idinaan sa messenger na parang isa lang spammer?

Wala ka na kasing pakinabang sa kanyang buhay kaya itsapuwera ka na ni Analyn.

Ayokong magsayang ng espasyo para kay Analyn, Troy. Sa kalagayan mo ngayon ang focus natin. Kahit luluha ka pa ng dugo, wala ka nang magagawa pa sa panlilinla­ng na iyon. Pulutin mo na lang ang basag mong sarili at buuin itong muli. Alam ko naman na marunong kang umahon mula sa kabiguang ito. Oo, masakit. Oo, mahirap. Pero ang magpakatat­ag pa rin ang mabisang panlaban mula sa depresyon ng kabiguan sa pag-ibig. Hindi mo dapat bigyan ng atensiyon ang walang k’wentang mga tao. Kung padadaig ka sa pangunguli­la, lalo ka lang matatalo.

Magsimula ka, Troy. Gumising ka tuwing umaga na walang bagahe sa dibdib. Magaan lang naman ang buhay kung tutuusin. Tingnan mo ang paligid, makulay naman ang mundo. Mas maraming rason para maging masaya at may isang rason lang para maging malungkot. Kaya bakit mo pipiliin ang kalungkuta­n gayong mas maraming dahilan naman para maging masaya? Naniniwala pa rin ako, Troy, na happiness is a choice. Ito ang piliin mo, buddy. – KUYA SAM

(MAAARI ninyong isangguni kay Kuya Sam ang inyong mga problema sa pag-ibig at buhay sa pamamagita­n ng e-mail address: kuyasam29@ yahoo.com o kaya’y ipadala sa: PAG-USAPAN NATIN c/o Liwayway Magazine, Manila Bulletin Publishing Corporatio­n, Muralla cor. Recoletos Sts., Intramuros, Manila.)

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines