Liwayway

Pagtawa, Pinakamabi­sang Gamot

- Nestor Cuartero

“LAUGHTER is the best medicine.” Madalas itong sabihin ng mga tao, gayundin ng mga duktor mismo. Masayang magbahagi at tumawa, ngunit totoo bang ang pagtawa ay isang mabisang gamot o “best medicine?”

Ayon sa www.helpguide.org, ang pagtawa ay nakabubuti sa iyong kalusugan. Mayroon itong mga benefits kabilang ang pag-relax ng buong katawan, pagbuti ng immune system, paglabas ng endorphins o feel good hormones at proteksiyo­n sa puso.

Ang pagtawa ay nakakasuno­g din ng calories, nagpapagaa­n ng galit. Maaari ka pang tulungan nitong mabuhay nang mas matagal. Ang pagtawa ay may physical health benefits. Pinapababa nito ang stress

hormones at sakit, nirerelax ang iyong muscles at pinipigila­n ang heart disease.

Bukod sa physical benefits, ang pagtawa ay mayroon ding mental health benefits kabilang ang pagdagdag ng kasiyahan sa iyong buhay, pagbaba ng anxiety at tensiyon, paglabas ng

stress, pagbuti ng mood at pinabuting katatagan.

Ang pagtawa ay nagbibigay rin ng social

health benefits. Kabilang dito ang pagpapalak­as ng mga relasyon, pagtawagpa­nsin ng iba sa taong tumatawa, pagbuti ng

teamwork, pagkawala ng ‘di pagkakasun­do at pagtataguy­od ng mabuting samahan.

“Kung ang pagtawa ay may health benefits, paano ka magdadala ng mas maraming pagtawa sa iyong buhay?” Ayon sa www.

helpguide.org, hindi man Larawang mula sa Google halata ngunit ang mas madalas na pagtawa ay simple lang. Magsimula ka sa pagngiti at pagtingin sa mga biyayang mayroon ka.

Pagkatapos nito, kapag nakarinig ka ng tawa, lumapit ka roon. Ang pagsama sa mga taong masayahin ay magbibigay sa iyo ng mas maraming katatawana­n. Nakakatulo­ng din ang magpatawa habang nakikipag-usap.

“Pero paano kung hindi mo ‘mahanap ang katatawana­n’?” Posibleng tumawa kahit hindi makaranas ng mga nakakatawa­ng kaganapan. Ang

simulated laughter ay isang mabisang paraan, at ito ay singbisa ng isang totoong tawa.

Para makapagdag­dag ng simulated laughter, maghanap ka ng laugh yoga o

isang laugh therapy group. Kung wala man, ang pagtawa sa biro ng ibang tao, kahit hindi sila nakakatawa, ay kayang magsimula ng simulated laughter. “Paano mo mapapabuti ang iyong sense of humor?” Ayon sa www. helpguide.org, ang pagpapabut­i nito ay kailangan ng mga aksiyon. Kabilang dito ang pagtawa sa iyong sarili, pagsubok na tumawa sa mga sitwasyon at pagpapalig­id sa iyong sarili ng mga paalalang mag-lighten up ka.

Kasama rin dito ang pag-alala sa mga nakakatawa­ng bagay na nangyari, hindi pagpapaape­kto sa mga negatibong bagay at stress, paghahanap ng iyong inner child at hindi pagpapalam­pas ng isang araw na hindi tumatawa. Hahahahaha!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines