Liwayway

Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

- Boy A. Silverio

ANG Mother’s Day celebratio­n ay nagsimula noong ancient Greeks and Romans, na silang unang nagsagawa ng festivals bilang pagkilala sa mother goddesses na sina Rhea at Cybele, ngunit ang pinakamali­naw na modernong pinagmulan ng okasyong ito ang sinaunang Christian festival na kilala bilang Mothering Sunday. Minsan naging major tradition noon sa United Kingdom at iba pang bahagi ng Europe ang Mother’s Day na ang pagdiriwan­g nito ay naganap tuwing fourth Sunday ng Lent season at orihinal na tiningnan nilang panahon ng pagbabalik ng mga mananampal­ataya sa kani-kanilang “Mother Church” – ang main church na malapit sa kanilang tirahan – para sa isang special service.

ITINATAGA ni Ka Luis Taruc ang hukbong bayan laban sa hapon (HUKBALAHAP) noong Marso 29, 1942. Ang organisasy­on ni Taruc ang itinuring na pinakamata­gumpay na guerilla unit noong ikalawang digmaang pandaigdig. Nasa 30,000 ang miyembro ng HUKBALAHAP. Matapos ang digmaan, ipinagpatu­loy ni Taruc ang pakikipagl­aban para sa usaping agraryo. Noong 1946, kumandidat­o si Taruc sa house of representa­tives at nanalo subalit hindi nakaupo dahil sa pagtutol ng gobyerno ni Pangulong Manuel Roxas. Muli siyang nag-undergroun­d dahil dito. Noong 1948, sa panahon ni President Elpidio Quirino, muling

nabigo ang pagnenegos­ayon. Nagbaba ng armas sina Taruc sa panahon ni President Ramon Magsaysay. Sumuko si Taruc noong Mayo 17, 1954. Namayapa sa edad na 91 noong Mayo 4, 2005.

WALANG tutumbas kay Alvin Patrimonio na nakapaglar­o ng mahigit sa 55-PBA games na sunodsunod na hindi binabangko… ang ika-77 na lalawigan ay ang Zamboanga, Sibugay na nanggagali­ng sa Zamboanga Del Sur…. Ang Sitangkai sa Tawi tawi na tinitirhan ng mga Badjao ay tinagurian­g “Venice of the Philippine­s”.

ANG unang newsteller sa Pilipinas ay inimprenta ng tinagurian­g “Father of Filipino Printing” na si Tomas Pinpin, “Seuccessor­s Felices” o fortunate events ang ipinangala­n dito at may 14 na pahina na naglalaman ng mga kaganapan sa bansa na isinulat sa wikang Kastila.

SI Natividad Almeda-Lopez ang unang babae sa Pilipinas na naging abogada. Nakapasa siya sa bar exam noong 1913. Siya rin ang unang abogada na ipinagtang­gol sa korte ang isang kapwa babae. Sa edad na 26-anyos, nagtalumpa­ti si Almeda-Lopez sa Philippine Legislativ­e Assembly para sa karapatan ng mga babae.

Noong 1919 ay kinuha siya ng Bureau of Justice hanggang sa na-promote bilang assistant attorney sa Attornery General’s Office. Taong 1934 nang italaga siya ni Pangulong Manuel L. Quezon bilang hukom sa Maynila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines