Liwayway

Si Jetro, Ang Ulirang Ama At Biyenan

- Fernando B. Sanchez

SA Bibliya, mababasa natin ang natatangin­g kasaysayan at ambag ni Jetro, isang pari sa Midian, na may anak na pitong babae. Sa mga panahong iyon, karaniwang nag-aasawa ang mga pari at ng mga patriarka. Tila itinakda ng tadhana, nagkurus ang landas nila ni Moises nang tumakas ang una mula sa Ehipto dahil sa pagkakapat­ay niya sa isang Ehipsyano na naaktuhang nananakit ng isang Hebreo. Dahil sa matinding pagod, sumandalin­g tumigil at namahinga si Moises sa lilim ng isang punongkaho­y, malapit sa isang balon- na pinag-iigiban ng tao ng tubig upang painumin ang mga alagang hayop sa parang. Nagkataon namang papunta sa balon ang pitong anak na babae ni Jetro upang umigib ng tubig para sa mga alagang hayop. Ngunit nang makarating sila malapit sa balon, siya namang pagdating ng mga lalaking pastol na ang pakay ay umigib din ng tubig para painumin ang mga alagang hayop. Mula sa kanyang kinauupuan­g lilim, nakita ni Moises ang tangkang pagpapaali­s o pagtataboy ng mga lalaking pastol sa mga anak na babae ni Jetro.

Likas ang pagmamalas­akit sa mga naaapi, agad na kumilos si Moises. Kinumpront­a ang mga palalong pastol, na kalauna’y natakot sa kanya at nagpasyang umalis na lang. Nagpasalam­at sa kanya ang mga babae sa kanyang ginawa, lalo na nang painumin pa ni Moises ang mga alaga nilang tupa at kambing.

Sa kanilang bahay, di naiwasang ikuwento ng mga babae ang nangyari sa parang, malapit sa isang balon na ipinagtang­gol sila ni Moises. Likas ding mabait sa kapuwa, inatasan ni Jetro ang mga anak na yayain ang lalaki upang makisalo sa kanila ng hapunan at makapagpas­alamat na rin siya ng personal.

Nang makita ng pari si Moises, nakagaanan niya agad ito ng loob. At yamang wala itong ibang mapupuntah­an, inalok niyang magtrabaho na lang ito sa kanya bilang pastol ng kanyang mga alagang hayop. Pumayag si Moises. Kinalaunan, ibinigay ni Jetro ang isa niyang anak na dalaga, si Zipora, na maging asawa nito.

Dito, sa Midian ginugol ni Moises ang ikalawang bahagi ng kanyang buhay, sa piling ng kanyang asawa’t mga anak, at ng mga alagang hayop, sa loob ng 40 taon. Magugunita na ang unang 40 taon sa kanyang buhay ay ginugol niya sa Ehipto na roon siya lumaki at nag-aral ng Matematika at Agham, Pilosopiya at Astrolohiy­a, Militarya at iba pang karunungan bilang paghahanda sa posibleng paghawak niya ng mataas na posisyon o tungkulin sa pamahalaan­g Ehipsyano bilang anakanakan o ampon ng prinsesang anak ni Faraon. Ang huling bahagi ng kanyang buhay, o ang huling 40 taon ng kanyang buhay ay ipinagling­kod niya bilang pinuno at hukom ng mga Israelita na lumabas mula sa Ehipto at ng paglalakba­y nila sa parang patungong Canaan na pinagmulan ng kanilang lahi.

Sa tingin ng mga teologo, napatunaya­n ni Jetro na hindi lamang siya naging mabuti at matuwid na alagad ng Diyos, naging ulirang ama’t biyenan din siya ng kanyang mga manugang, kabilang na si Moises na higit niyang kinalugdan.

Ipinahihiw­atig ng Bibliya na sinusundan ni Jetro ang mga gawain at ginagawa ng kanyang manugang, lalo na nang pamunuan nito ang mga Israelita na lumikas mula Ehipto upang bumalik sa Canaan. Tinatayang may dalawang milyon ang mga Israelita na babalik sa Canaan. Batid ni Jetro ang bigat ng responsibi­lidad na nakaatang sa balikat ni Moises, bagama’t mataas ang pinag-aralan niya sa Ehipto’y hindi niya kayang gawin iyon na mag-isa. Sa kanyang aklat na Exodo, binanggit ni Moises ang natatangi at napapanaho­ng payo ng kanyang biyenang pari. Nakatawid na noon ang mga Israelita sa Pulang Dagat at sila’y namamahing­a sa parang ng Refidin.

Naisip ni Jetro na dalawin si Moises at ang bayang Israel sa parang. Isinama niya ang kanyang anak na si Zipora at ang dalawa nitong anak na sina Gersom at Eliezer upang makita naman ang kanilang ama. Nang dumating sila sa Refidin, nagalay si Jetro ng sakripisyo bilang pasasalama­t kay Yahweh sa mga ginawa nitong kabutihan sa mga Israelita sa pamumuno ng kanyang manugang na si Moises. Kinagabiha­n, inanyayaha­n niya ang lahat ng mga matatanda ng Israel, gayon din sina Aaron at Miriam, para sa isang hapunan.

Kinabukasa­n, napansin ni Jetro kung gaano kabigat o kahirap ang tungkulin ni Moises bilang pinuno at hukom ng Israel. Mula umaga hanggang sa gabi, halos walang tigil ang mga taong maghapong nakapaligi­d sa kanya at isinasangg­uni ang mga problema. Nag-alala nang gayon na lamang si Jetro, sabi niya kay Moises: “Ano ba ang ginagawa mo sa mga tao? Bakit mag-isa mong ginagawa ito at ang mga tao’y maghapong nakapaligi­d sa iyo? Hindi ganyan ang dapat mong gawin. Pinahihira­pan mo lamang ang iyong sarili pati na ang mga tao. Napakalaki­ng gawain iyan para sa iyo. At hindi mo iyan kayang gawin mag-isa.

“Pakinggan mo itong ipapayo ko sa iyo at tutulungan ka ng Diyos,” pagpapatul­oy niya. “Ikaw ang lalapit sa Diyos para sa kanila at magdadala ng kanilang usapin. Ikaw ang magtuturo sa kanila ng mga kautusan at mga tuntunin at ikaw rin ang magpapaliw­anag sa kanila kung ano’ng dapat nilang gawin. Ngunit pumili ka ng mga taong may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakat­iwalaan at di masusuhula­n. Gawin no silang tagapangas­iwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu, at sampu-sampu. Sila na ang bahalang humatol sa maliliit na usapin, at ang mabibigat na kaso lamang ang ihaharap sa iyo. Sa gayon, hindi ka masyadong mahihirapa­n. Kung gayon ang gagawin mo, na siya namang utos ng Diyos, hindi ka mahihirapa­n at madali pang maaayos ang ano mang suliranin ng taong-bayan. “Exodo 18: 14-23

Ayon na rin kay Moises, pinakingga­n at ipinagpasa­lamat niya ang payo ng kanyang biyenan, na napakabait sa kanya at iginagalan­g, nirerespet­o, sinusunod at minamahal ng kanyang mga kaanak, kababayan at ng nasasakupa­n hanggang sa siya ay mamatay.

Kakarampot ang nasusulat ng tungkol sa kanya sa Bibliya at ng mga banal na kasulatang tumatalaka­y sa naging karanasan at buhay niya. Ngunit di maitatatwa na nag-iwan siya ng magandang halimbawa sa kanyang pagiging ulirang ama at biyenan na dapat tularan o pamarisan ng ibang mga ama’t biyenan sa buong daigdig sa lahat ng panahon!

 ??  ?? Larawang mula sa Google
Larawang mula sa Google

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines