Liwayway

Bea Alonzo, Nakaramdam Ng Kakaibang Excitement Sa Pelikulang...

- Maricris V. Nicasio

IPINAHAYAG ni Bea Alonzo na naiiba para sa mga nagawa na niyang pelikula ang Kasal na tinatampuk­an nila nina Derek Ramsay at Paulo Avelino. Nang nabasa raw kasi ni Bea ang script ng naturang pelikula, desidido siyang ipaglaban na mapunta sa kanya ang role bilang si Lia Marquez, dahil bukod sa kakaiba, extra-exciting daw sa kanya ang proyektong ito.

“Sa totoo lang noong una kong nabasa iyong unang liner na ibinigay nila sa akin of the story, sinabi ko talaga na hindi ako papayag na hindi sa akin mapupunta ito. As in ilalaban ko, kasi you don’t stumble upon a script na talagang makaka-connect ka, makikita mo ‘yung sarili mo doing that specific character. “Sabi ko talaga, ito iyong klase ng script na ilalaban ko. Ito ‘yung klase ng

project na hindi mo talaga palalagpas­in,” pahayag ni Bea. Sa pelikula, si Lia Marquez ay isang simpleng dalaga na nakatakdan­g ikasal sa most eligible bachelor ng Cebu na si Philip Cordero (Paulo), na tumatakbon­g mayor dito nang nagtapos ang termino ng kanyang ama.

Ngunit naging komplikado ang sitwasyon nang ang ex-boyfriend ni Lia na si Wado dela Costa (Derek), ay nagbalik upang magtrabaho sa isang proyekto na tutulong para manalo si Philip sa halalan.

Ang kasunod nito ay ang hindi maiiwasang muling pagkabuhay ng kanilang mga damdamin sa isa’t isa, at ang pagsulpot din ng pag-aalinlanga­n sa tunay nilang mga nararamdam­an.

Habang papalapit ang kanilang kasal, si Lia ay hindi na tiyak kung tama ang lalaking kanyang pinipiling pakasalan. Dahil siya ay nalilito sa lalaki sa kanyang nakaraan, at sa lalaking nakatakda niyang makasama nang habambuhay sa hinaharap.

Samantala, sa isang panayam ay aminado ang aktres na na-miss niyang makatrabah­o si Derek, na huling nakasama niya sa 2009 Star Cinema film na And I Love You So with Sam Milby. Kaya naman masaya ang tinagurian­g New Generation’s Movie Queen na muli silang nagsama ni Derek sa pelikulang Kasal sa ilalim ng Star Cinema at mula sa pamamahala ni Direk Ruel S. Bayani.

Saad ni Bea, “It feels good na makatrabah­o ulit si Derek. Ewan ko, may iba sigurong chemistry din, at least when we do a scene together. Parang napi-feel ko na ang dali ng lahat, nagkakaint­indihan kami. And lalo na kapag napapanood ko sa monitor ‘pag preview, natutuwa ako and sabi ko, ‘Na-miss ko talaga si Derek sa isang Star Cinema movie.’ “Lagi kong sinasabi sa mga past interviews ko na parang si Derek is born to be a

leading man. Kasi ang guwapo, he’s a good actor. So, may mga tao talagang ganoon, born to be an actor, to be a leading man.”

Ang Kasal, na siyang Star Cinema’s 25th anniversar­y first offering ay kumita agad ng P10 million sa unang araw ng showing nito last May 16. Labis naman ang kagalakan ni Bea sa pangyayari­ng ito. “Siyempre very happy. Pero siyempre lagi namang ang gusto natin i-expect ay iyong positive na outcome. Masayang-masaya kami sa first day na kinita and mas gusto ko sana na mapanood ito ng maraming tao, not only because of the box office hit, but because it’s a story that I want a lot of people to see,” anang aktres. Dagdag pa niya, “Gusto kong pag-usapan iyong issue ng pelikula. Iyon talaga iyong pinakaimpo­rtante sa akin and the mere fact that I was able to work with Direk Ruel S. Bayani, iyon reward na ‘yon itself.”

Ang Kasal ay mapapanood din sa iba’t ibang parte ng mundo via TFC at the Movies na nagsimula noong Mayo 24 sa Middle East at Papua New Guinea; May 25 sa U.S. at Canada; May 26 at 27 sa United Kingdom; May 27 sa Italy, Austria, at Madrid, Spain; May 31 sa Australia, New Zealand, at Brunei; June 3 sa Hong Kong at Singapore, plus Barcelona, Spain; at June 17, sa Taiwan.

Kasama rin sa pelikulang Kasal sina Christophe­r de Leon, Cherie Gil, Ricky Davao, Celeste Legaspi, Ces Quesada, Cris Villonco, Vin Abrenica at JC Alcantara.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines