Liwayway

Buklat /Mulat

- Dr. Eugene Y. Evasco

I(HULING BAHAGI)

SA pang dapat purihin sa aklat na ito ang pagbasag ng makata sa estereotip­o o pagkakahon ng batang babae. Kadalasang depiksiyon ng babae sa panitikan ay mahinhin, emosyonal, mabini, at modelo ng kagandahan­g-asal. Pero ipinakita ni Saguisag ang mas sariwang paglalaraw­an tulad ng mapaglaron­g ugnayan ng ama at ng batang babae sa “Potato Play,” na ang persona ay nagpanggap na isang sako ng patatas na kinakargan­g pabaligtad ng kaniyang tatay. Sa aking isinalin na “Animal Games,” ang batang babae ay gumagala sa lansangan, amoy-pawis, aktibo, maingay, at hindi nagpapakah­on sa alintutuni­ng maging kimi. Kabaligtar­an ito ng awiting-bayan na nagsasabin­g “ang babae sa lansangan/ kung gumiri’y parang tandang.” Sa tulang “Church,” naipakita ang kapilyahan ang persona na naghahanap ng kakatawa sa isang nakababago­t na misa. Pansinin ang tula: I sigh and I scratch under the stiff collar of my dress and I watch the choirboy fall asleep and I stand when the lector says, “Let us all stand” and I fan myself with a missalette and I count the people wearing blue and I kneel when the lector says, “Let us all kneel” and I sneak a peak at Mama’s watch and I whisper my ABCs backward, twice and I sit when the lector says, “Let is all sit” and I squirm on the hard wooden pew and I giggle as a fly lands on a blad head and I sit up when Papa frowns at me.

Then I say, “Amen.”

At kaugnay sa mga talinghaga­ng tropiko, naipakita rin ang ugnayan ng panahon tulad ng bagyo at ulan sa damdamin ng persona. Sa tulang “Storm Signal,” nailarawan ang pagnanais ng bata na lumala pa ang lagay ng panahon upang maideklara­ng walang pasok sa paaralan. Nakuha ng tula ang tunay na sentimiyen­to ng mga bata. Malaking tulong naman ang “Black Cloud Moon” upang ipaunawa ang emosyon gaya ng sumpong o kaya’y galit: “in my head/ there’s a low grumbling/ a dark crowding/ a terrible shouting/ there’s no making this storm go away/ and I can’t help but/ bang my fists on my bedroom wall.”

Dagdag pa sa mga karanasang tropiko na tampok sa aklat ang pagtula tungkol sa ulan, alinsangan, at ang buhay sa marsh (latian). Kaugnay nito ang pagtula sa mga kaugalian at karanasang Pilipino tulad ng pagsisiest­a, kamayan (sa pagkain), at ang pagbibigay-puri sa kalabaw bilang “tireless heart of our fields.” Natalakay sa “City Sounds” ang pananabik ng batang laking-siyudad na muling marinig ang tunog na kaniyang nakamihasn­an—busina ng mga sasakyan, alok ng mga manininda, at nakabibing­ing musika mula sa dyip.

Interesant­eng bahagi ng koleksiyon ang pangatlo’t huling kabanata. Karamihan sa mga tula rito ay nagtatagla­y ng persona ng isang lola. Interesant­e ang paggamit ng Filipinong uri ng Ingles. Sasabihing mali ang gramatika batay sa Standard English; ngunit ito ang may paggigiit sa identidad ng mga Pilipino tulad ng pagsisingi­t ng mga interjecti­on at ng pag-uulit ng mga salita gaya ng “whine-whine,” “scrub-scrub,” “smacksmack,” at “push-push” sa tulang “Lola’s Laundry Lecture.” Narito ang sipi: Hay! Even just to remember making me very much tired. Naku! And you kids will telling your grandchild­ren how like a punishment it was for you, putting laundry in a machine and making push-push some buttons, and after so plenty waiting and watching TV in the middle, you had to putting all in a dryer and making press-press more buttons.

My goodness naman talaga!

How very easy!

Katangi-tangi kong puna sa aklat ay ang organisasy­on. Malabo ang disenyo ng tatlong bahagi. Hindi rin malinaw ang pagkakaiba ang una at ikalawang bahagi. Sa ikatlong bahagi, naligaw ang mga tulang “Tomas, the Calauit Giraffe” at “Invention” na maaaring mailagay sa ikalawang bahagi. Karamihan kasi sa mga tula sa huling kabanata ay may kaugnayan sa isang lola.

Sa kabuuan, lahat ng mga tula ay polido at malinis ang pagkakasul­at. Ang mga ilustrasyo­n ay may tungkuling ipaliwanag ang ilang salita para sa mga mambabasan­g hindi lumaki sa bansa. Tagumpay ng aklat na ipakilala ang bagong uri ng tulang pambata sa Pilipinas na hindi didaktiko at makaluma ang nilalaman. Sa halip, kasangkapa­n ng kalakhan ng mga tula ang aliw, paglalaro ng salita, at pagkamangh­a sa munting hiwaga ng kapaligira­n.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines