Liwayway

Sibuyas At Bawang (10)

- Ni NERI JEDELIZ

Neri Jedeliz

(IKA-10 NA LABAS)

NANG muling dumalaw si Lumen sa kanilang barungbaro­ng, nakita niyang masaya ang kanyang inang si Aling Elena. “Mukhang masigla po kayo, Inay,” bati ni Lumen sa ina. “Happy talaga ako. Nagsimula na akong magtrabaho sa cottage industry ni Mrs. Lopez. Ginawa pa akong supervisor sa weaving section,” tugon ni Aling Elena na nakangiti. “Kayo pala ang supervisor. Di ba, kapag supervisor, dapat alam mo ang trabaho sa pinamumunu­an mong section? May alam ka ba sa weaving?” “Aba, oo. Ang ginagawa namin, di naman mga telang pangkomers­yal gaya sa garment factory. Ang sa amin ay ang paggawa ng mga handicraft gaya ng bag, basket, banig at kung ano-ano pang gamit sa bahay at pangbabae. Gamit namin ang mga indigenous material.” “Alam po ba ninyo ang mga iyan?” “Ako pa. Di ko pala nasabi sa ‘yo na ang aking ama, si Lolo mo, eksperto sa paggawa ng banig, sawali at mga basket mula sa kawayan at rattan. Tumutulong ako noon sa kanya, kaya naging magaling din ako manghabi o maglala.” Napangiti na lang si Lumen. “Ano bang mga indigenous material ang ginagamit ninyo? Mukhang mahirap din hanapin ang kawayan rito sa Maynila,” ani Lumen.

“Aba, marami. Ang water lily na noon ay hindi mapapakiba­ngan at pinapaanod lang sa ilog at kanal, ngayon ay ginagawang basket at iba pa. Pinatutuyo ito at ang hibla ay ginagawang parang sinulid at siyang gagawing basket o kung

Lihim na kumikilos si Lumen upang mapanganga­lagaan si Rommel laban kay Brigida. Nawala na kaya ang pagkamuhi niya sa mga amo?

ano-ano pa. Ang ganda ng aming finished product at balak ni Mrs. Lopez na i-export ito sa ibang bansa. Mabili pala ito sa Amerika at sa Europa.” “Happy ako para sa ‘yo, Inay. Talagang mabait si Mrs. Lopez. Ngayong me sahod ka na, paano naman ang utang mo sa kanya?”

“Binanggit ko rin ang aking utang sa kanya. Sabi ko’y ibawas na lang sa aking sahod kahit pakunti-kunti. Ngunit sabi niya’y nakalimuta­n na daw niya ‘yon. Huwag ko na raw bayaran. Kaya buo pa rin ang tinatangga­p kong sahod.”

“Pareho lang ang mag-inang ‘yan. Sinabi ko rin kay Rommel na ibawas lang sa sahod ko ang utang natin sa kanila. Pero buo pa rin ang tinatangga­p kong sahod. Kung babanggiti­n ko ito kay Rommel, di raw niya alam ‘yon at di niya pinakikial­aman. Ang ating utang sa kanila ay tila nailista lang sa tubig at nabura na.” “O, ayaw mo pa n’yan?” “Inay, ang utang ay utang na dapat bayaran. Balang araw, kung uuwi na tayo sa probins’ya, babayaran ko muna ang ating utang sa kanila.”

“Me balak ka pa palang umuwi sa ating probins’ya,” tila nawala ang sigla ni Aling Elena.

Di nakahuma si Lumen. Tila di niya magawang ang namamayani­ng sigla ng kanyang ina sa ngayon ay biglang na lang mapawi ng dahil sa kanyang tinuran.

“Matagal na rin ako sa pook na ito ng mga iskwater. Napamahal na sa akin itong lugal at tila di ko maatim na layuan,” muling nabigkas ni Aling Elena. “Kahit na ang mga taga-rito’y napamahal na rin sa akin. Mabuti ang aming pagsasama at nagdadamay­an. Pag bumalik na tayo sa ating probins’ya’y mami-miss ko silang lahat. Isa pa…” “Ano po?” “Me babalikan pa ba tayo doon sa ating probins’ya? Maraming taon nang di ako napadalaw man lang doon. Mangyaring wala na akong kakilala doon, maliban na lang sa iilan nating mga kamag-anak na buhay pa.”

“Inay, mas nakaluluwa­g sa damdamin ang mamatay at mailibing sa lupang ating sinilangan.”

Di nakaimik si Aling Elena. May pilantik ng katotohana­n ang tinuran ni Lumen.

“Pero huwag po kayong mag-alala. Di pa naman ngayon ang balak kong bumalik sa ating probins’ya,” pampalubag-loob ni Lumen sa ina. “Kelangan ko pang tuparin ang ipinangako ko kay Mrs. Lopez.” “Anong ipinangako mo?” “Nakiusap siya sa akin. Tulungan ko raw siya na mapanganga­lagaan si Rommel laban sa mga buwitre ng lipunan. Isa na si Brigida na parang buwitre na gustong sumila kay Rommel.”

“Ganyan talaga ang buhay. Kahit saan ay me ahas, lalo na sa kagubatan ng lunsod. Lalo na rito sa pook ng mga iskwater. Ang pook ng mga iskwater ay siyang pook na tambakan ng mga taong itinatakwi­l ng lipunan. Dito mo matatagpua­n ang mga taong hinahabol ng batas, mga kriminal, mga sanggano, maton, mga taong tinataguri­ang mga masasamang elemento. Subalit meron namang nagpakasam­a dahil nagiging biktima lang ng pagkakatao­n. Di lahat ng mga nabubulok sa kulungan ay me kasalanan. Dito ko natuklasan na kahit ang isang pusakal na kriminal ay p’wede pang gumawa ng mabuti kapag mabigyan ng pagkakatao­n. Me mga naging kaibigan ako ritong naturingan­g masama, ngunit sa pakiwari ko’y may natitira pang patak ng kabutihan sa kanilang puso.” “Me kakilala ka ba rito na tigasin?” “Aba, meron. Bakit?” “Me ipagagawa lang ako. Sabi ko sa ‘yo nakapangak­o ako kay Mrs. Lopez.”

“Oy, handa ka palang makipagpat­ayan ng dahil kay Rommel,” biro ni Aling Elena sa anak. “Inay, si Mrs. Lopez ang kausap ko, hindi si Rommel.” “Pareho din ‘yon. Kahit baliktarin, para pa rin sa kapakanan ni Rommel ang inyong laban. O, sige, may mga kakilala akong halang ang bituka.” “Sino sila?” “Nariyan si Boy dilat.” “Bakit Boy dilat?” “Sapagkat dilat na dilat kapag sinusungki­t ang pitaka o ang selpon ng biktima. Isa siyang pusakal na isnatser.” “Isnatser lang. Sino pa?” “Nariyan sina Boy sputnik na ex-convict, si Boy Aso, si Boy duling na mga mandurugas.” “Bakit ba palaging Boy ang alyas ng mga tarantado?” “Sapagkat ayaw nilang tumanda, kaya Boy. Tila kumon na sa mga tarantado ang pangalang Boy, na dinudugtun­gan lang ng alyas kumporme kung saan ito dalubhasa. Pero me mga Boy ding mabubuti. Nariyan si Boy Nazareno. Si Boy Banal, na nagpapako sa krus tuwing mahal na araw.”

“Ang gusto ko’y mas matindi, sapagkat hindi naman biro itong sasagupain naming grupo. Ayaw ko ng Boy Takbuhin.” “Teka, Lumen. Bakit ba kelangan mo ang isang Boy?” “Gusto kong me mauutusan na maaasahan.” “Para saan?” “Alam mo, Inay, lately tila di maganda ang takbo ng kuwento tungkol kina Rommel at Brigida. Tila raw nagiging agresibo o masigasig si Brigida. Mukhang umandar na naman ang pagiging gold digger nito at baka huthutan lang nito si Rommel. Si Mrs. Lopez mismo ang nagsabi n’yan sa akin. Kaya naghahanap ako ng Boy ng mautos-utusan na magmamanma­n sa mga kilos ni Brigida. Nais ko ring mabusisi ang katauhan nito.” “Gano’n ba? O, nariyan si Boy Tsismis.” “Di lang tsismoso ang kelangan ko. Kelangan matapang pumasok sa mga pook na delikado. Kelangang matibay ang sikmura. Nasabi kasi ni Rommel na si Brigida’y me grupo na mga halang ang kaluluwa. Naisip ko ring baka ako ang dahilan ng gulo nina Rommel at Brigida. Kung madawit ako, dapat lang na lumaban din ako. Di ko naman aatrasan si Brigida.” “Ang tapang mo, a. Bisaya gid. O, si Boy baboy gusto mo?” “Inay, di ako naghahanap ng lilitsunin.” “Sige, si Boy Batman na lang.” “Bakit Boy Batman?” “Magaling itong magtrabaho kapag gabi. Parang paniki kasi ito na sa gabi gumagala. Lahat yata ng madidilim na sulok, alam nito.” “Mukhang siya na nga ang kelangan ko.” Nang may kumatok ng marahan. Tumayo si Aling Elena at buksan ang pintuan. “O, Boy Batman, napasyal ka?” “Magandang hapon po, Aling Elena. Magtatanon­g lang po ako sana sa inyo kung me bakante pa sa binuksan ninyong cottage industry. Dumating po kasi ang tiyahin ko mulang Samar

at naghahanap po ng trabaho.”

“Aba, meron ngang bakante. Papuntahin mo siya rito bukas at ipapasok ko.”

“Maraming salamat po, Aling Elena,” bakas sa mukha ng lalaki ang tuwa.

Tinungo rin ni Lumen ang bukas na pintuan upang tingnan ang panauhin. Nakita niya ang isang matipunong lalaki na bakas sa anyo ang pakikipagt­unggali sa hirap ng buhay.

“Boy, ito si Lumen, ang aking dalagang anak,” pakilala ni Aling Elena kay Lumen.

“Opo. Kilala na po namin siya. Madalas siyang mapadaan doon sa iniistamba­yan naming sari-sari store. Alam na ng barkada na di katalo ang anak ninyo.”

“Magandang hapon din, Boy,” ani Lumen sabay paalam kay Aling Elena. Lumabas na sa kanilang barungbaro­ng. “Paalis na rin ako. Sabay na tayo, Boy,” ani Lumen. “Sige po,” nakangitin­g tugon ni Boy Batman. Sabay silang lumakad palabas sa makipot na daan. “Kayo pala si Boy Batman. Naibida po kayo ng aking ina. Di mo yata kasama ang sidekick mong si Ruben?” biro ni Lumen. Napangiti rin si Boy Batman sa biro ni Lumen. “Wala po akong sidekick. Gusto ko’y solo sa mga lakad ko,” tugon ni Boy.

“Dapat Boy Solo ang itawag sa ‘yo. Teka, Boy, ibig kitang makausap. Halika sa pansiteria ni Tokwa. Doon tayo mag-uusap,” yaya ni Lumen ng mamataan ang isang pansiteria sa di kalayuan.

“Sige. Gutom nga ako, e. Pero wala akong ibabayad. Natalo sa tong-its ang pera ko,” tugon ni Boy. “Akong bahala. Kumain ka lang.” Pumasok sila sa pansiteria. Umupo sa isang bakanteng mesa. “Anong gusto mong kakainin, Boy?” tanong ni Lumen. “P’wedeng pansit canton at isang beer, pantulak.” Umorder si Lumen sa lumapit na weytres. Di siya umorder ng para sa kanya. Sawa na nga siya sa masasarap na pagkain sa kanilang restoran. Kumain kaagad si Boy nang dumating ang kanilang order. “O, wala kang order?” tanong ni Boy kay Lumen. “Busog ako. Kumain ka lang habang nagsasalit­a ako.” “Sige po. Makikinig ako.” Huminga muna nang malalim si Lumen upang lumuwag ang kanyang dibdib. Tinitigan niya si Boy na kumakain. May itsura naman si Boy Batman, kamukha ng yumao nang si Max Alvarado na artista. Di naman siguro lalayo ang kanilang mga edad. Napansin niya ang tattoo ni Boy sa dibdib, isang paniki. Kaya sigurong tinawag na Boy Batman. “Saan ka ba nagtatraba­ho, Boy?” usisa ni Lumen. “Walang permanente. Padeli-delihens’ya lang. Mahirap maghanap ng permanente­ng trabaho ang isang parolado.” “Parolado ka pala?” “Opo. Dalawang taon na akong nakalabas sa munti.” “P’wede kang mag-sideline sa akin?” Panandalia­ng napasulyap si Boy kay Lumen. “Anong klaseng sideline?” “Titiktikan mo lang ang isang tao. Alamin mo lang kung saan nakatira at kung ano ang kanyang ginagawa. Siyempre, kung p’wede, alamin mo rin ang kanyang background.” “Lalaki ba ‘to?” “Hindi. Babae. Dinig ko’y me grupo itong mga notorious

character. Kaya marahil madali mo siyang matatagpua­n sa mga lugal na madilim.”

“Madali ‘yan. Sa mga istambayan at mga klab dito sa metro’y marami akong kakosa. Kaya tinawag akong Boy Batman sapagkat parang paniki daw ako na sa gabi gumagala.” “Hindi ka naman natutulog nang patiwarik.” “Aba, hindi po. Pag nagawa ko ‘yan, sa peryahan mo na ako matatagpua­n. Teka, ano bang pangalan nitong babae?” “Brigida. Di ko alam ang apelyido.” “Maraming Brigida rito sa metro. Parang naghahanap

lang tayo nito ng karayom sa dayami. Pero walang problema. Gagamitin ko ang aking pagka-Batman.” “Salamat. Sana’y matulungan mo ako.” Dumukot si Lumen sa kanyang pitaka ng lilibuhin at iniabot kay Boy. “O, itong pambayad mo sa pansit canton.”

“Libuhin ito, a,” napangisi si Boy na agad na tinanggap ang pera. “Malayo na nito ang aking malilipara­n, este, ang aking marating. Salamat.” “Kelan ka magsisimul­a?” “Mamayang gabi na. Kapag me makuha akong impormasyo­n, tatawagan kita kaagad. Bigyan mo ‘ko ng selpon

number mo.” Isinulat ni Lumen sa issue paper ang numero ng kanyang selpon at iniabot kay Boy. At tumayo na siya.

“Mauna na ako. Ubusin mo muna ang iyong pansit canton bago gumala,” ani Lumen.

“Ubos na nga, e. Malinis na ang plato. Parang dinilaan ng pusa.” Muling napangisi si Boy.

NANG makarating si Lumen sa Sibuyas at Bawang Restaurant, sinabi sa kanya ng cashier na naririyan daw si Rommel sa opisina na karugtong lang ng counter. Naabutan niya si Rommel na nakaupo at may sinusulat sa isang notebook. Nakita siya kaagad ni Rommel.

“Late ka na, Senyorita!” bati ni Rommel. “Dumaan muna ako sa bahay,” pabulyaw na tugon ni Lumen na tila di nagustuhan ang bati ni Rommel. “Binibiro ka lang, galit ka kaagad.” “Tinawag mo kasi akong senyorita. Alam mo namang galit ako sa mga senyorito, sa mga amo, sa mga panginoon.”

“Teka, marahil panahon na upang malaman ko kung bakit galit ka sa mga amo. Kung malalaman ko, baka naman malutas natin ito. Bakit ba?” “Talagang gusto mong malaman?” “Oo. Nais kong mabigyan natin ng lunas ang bagay na iyan,

once and for all. Sa pakiwari ko’y ‘yan madalas ang puno’t dulo ng ating bangayan.”

“Well, galit nga talaga ako sa mga katulad mong amo. Sapagkat dahil sa isang amo, napariwara ang aming buhay na mag-ina.” “Ano ba ang ibig mong sabihin?” “Ang aking ina noon ay isang masipag at tapat na katulong sa isang mayamang angkan. Bata pa siya noon at walang masyadong kamuwang-muwang sa takbo ng buhay. Subalit ang kanyang pagkainose­nte ay sinamantal­a ng isang mapag-imbot na amo. Isang gabi, pinasok siya ng kanyang amo sa kanyang silid. At nailugso ng buhong na lalaki ang kanyang puri. Na-rape siya…” Di nakahuma si Rommel na nabigla rin sa narinig. “Nang nabuntis siya, pinalayas siya ng kanyang amo,” patuloy ni Lumen. “Itinaboy siyang parang aso. Bunsod nito’y katakot-takot na hirap ang kanyang naranasan, hanggang sa nagsilang siya. At ang naging bunga ng kabuhungan­g ‘yon ay kumimkim ng labis na galit sa mga taong umapi sa kanyang ina. Marahil kilala mo na kung sino ang naging bunga ng kabuhungan­g yaon…” “Sino?” “Naririto ngayon sa harapan mo, Rommel. Di mo mo ba ako kilala—si Lumen!” Di nakahuma si Rommel na di malaman ang sasabihin. “Ako ang nagiging bunga ng kahayupang ‘yon, Rommel,” patuloy ni Lumen na ngayon ay umaagos ang mga luha sa pisngi. “Mula nang ako’y isinilang, di ko pa nakikita ang demonyo kong ama. Subalit, kahit masama siya, pinanabika­n ko pa ring makita siya. Uhaw ako sa kanyang pagmamahal bilang ama. Subalit marahil hanggang sa panaginip na lamang ang aking pananabik. Marahil wala na itong katuparan.”

(ITUTULOY)

 ??  ?? “P’wede kang mag-sideline sa akin?”
Panandalia­ng napasulyap si Boy kay Lumen.
“P’wede kang mag-sideline sa akin?” Panandalia­ng napasulyap si Boy kay Lumen.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines