Paano Kita Mamahalin? (85)
Matatanggap kaya ni Lorea na si Anne ang pakakasalan ni Tristan. O, ipaglalaban niya ang kanyang pag-ibig sa binata?
Gilda Olvidado
NATIGILAN si Tristan sa sampal na iyon. Lalo na at nakita ng designer at ng mga mayayamang kliyente nito. Ang iba pa nga ay mga kakilala ni Tristan sa business and corporate world.
Nagsisi namang bigla si Anne sa nagawa niya. “Oh, my God! Oh, my God! I’m so sorry, Tristan! I did not intend to do that ... ikaw naman kasi! Sinasamahan mo ako dito para sa wedding gown ko pero ... ang napanaginipan mo diyan ay si Lorea!” Agad namang nagpakumbaba si Tristan kahit nasampal. “Yes. It was my fault. Pasens’ya ka na, Anne. I deserved that slap.” May kaibigan doon si Tristan na hindi nakatiis. “Tristan ...
pardon me, but as your friend can I react?” Alam agad ni Tristan na hostile kay Anne ang reaction ng kaibigan, ayaw niyang mapahiya si Anne. “Brix, huwag na. Please . Walang kaso sa akin ‘yon. Malapit na kaming ikasal so I
have to give all my understanding to my wife to be.” “We’re all men here, Tristan. Decent and relatively good men. I can speak for you. Sa corporate, you are much respected. As a person, walang bad impressions sa iyo na narinig ko. That is why for me you don’t deserve to be humiliated.”
“Brix, ngayon lang naman nadulas ang galit ni Anne. And that was my fault. I mentioned another woman’s name while I was half-asleep. That was very painful for her.”
Tahimik lang si Anne, walang masabi sa comment ng kaibigan ni Tristan. Pero ang asawa ng lalaki ay nag-react na pabor kay Anne. “Darling, as a woman, kahit hindi ako agree sa pagsampal na ginawa ni Anne, kaya ko naman siyang intindihin. Kung sa akin kasi mangyari ‘yon na ikakasal na tayo at halos gown fitting na pero ibang babae pa rin pala iniisip mo I’m afraid hindi lang ‘yon ang magagawa ko sa iyo.” Natahimik sandali ang lalaki. Maya-maya ay umalis na lang.
“There is a tensed situation here. Darling, I’ll just wait for you in the car tutal ay kayo lang naman talaga ng anak mo ang puwedeng mag-decide sa kanyang gown for her debut.” Nagkibit-balikat ang mataray ring misis. Natuwa naman si Anne na nakakuha siya ng kakampi pero sinuyo pa rin nang husto si Tristan. “It was really a bad reaction from me, Tristan. I’m so sorry.” “I’m sorry too, Anne.” Yumakap at humalik si Anne sa mga labi ni Tristan. Ipinakita naman ni Tristan na mahalagang-mahalaga sa kanya ang babaing pakakasalan. At ina ng kanyang anak. NASASAKTAN man ang puso, tutok pa rin si Lorea sa relasyon nila ni Anton. Kahit mahina pa, siya ang naghahanda ng pagkain nito. At sabay silang nagmemeryenda. “Sana hindi ka na aalis dito, Tita Lorea. Kasi sanay na akong nandidito ka. Mami-miss na kita.”
“May awa ang Diyos, hindi na nga tayo magkakahiwalay, Anton. Napakalaki ng pasasalamat ko sa iyong Mommy at Daddy na pinapayagan nila akong makatira dito. Para magkasama tayo.”
“Kasi mabait ka naman, e. Saka love ka pa ni Tito Tristan kaya sila pumapayag.”
Napangiti si Lorea. Naisip na kailangan maihanda rin niya ang anak tungkol sa kanila ni Tristan. Kung ano ang totoo. “Anton, love man ako ng Tito Tristan mo, ang ibig lang sabihin noon ay magkaibigan na magkaibigan lang kami.” “Ganoon po ba ‘yon?” “Oo, ganoon lang iyon.” “Hindi kayo magsweetheart?”
“Hindi, Anton.” “Hindi kayo magpapakasal?”
“Hindi rin. Pero magkaibigan na magkaibigan kami. At pareho ka naming mahal. So okay ba sa iyo ‘yon?”
Ngumiti ang batang inosente. “Opo. Okay lang ‘yon.” “Very good, Anton.” Pero sa gabi, umiiyak si Lorea. Mahal na mahal niya si Tristan. Ngunit tanggap niya na si Tristan ay para talaga kay Anne. Lalo na magkakaanak na sila. HINDI naman alam ni Tristan kung paano sasabihin ang totoo kay Lorea. Hindi nito alam na alam na ni Lorea, nauna pa kasi ang tsismis ng mga katulong.
Nasa sariling silid si Tristan sa bahay ng kapatid at hipag, hindi makatulog.
“Paano ko ba sasabihin sa iyo, Lorea ... na hindi ka masasaktan?” naitanong niya sa sarili.
“Ikaw ang mahal ko. Mahal na mahal. Pero alang-alang sa aking anak, si Anne ang pakakasalan ko. Tama ba ako o mali? Pero tama, e. Kasi naniniwala ako na tatanggalin talaga ni Anne ang bata kapag hindi siya ang pinakasalan ko.”
Gulong-gulo ang isip ni Tristan. TAPOS nang basahan ni Lorea ng storybook si Anton, tulog na ito, inayos niya ang kumot at lumabas sa silid ng anak. Nakasalubong niya sa pinto si Tristan. “Hi, Lorea. Natutulog na ba siya?”
“Yes. Tulog na.” “Ginabi ako. Hinanap ba ako.” “Oo, siyempre. Pero tingnan mo na lang kahit tulog. Sige, ha?”
Nagmamadali nang umalis si Lorea, sinundan siya ng tingin ni Tristan.
Dumiretso si Lorea sa may hardin, parang ang sikip ng dibdib niya. Alam niyang dahil kay Tristan.
Kailan ba pormal na ipapaalam man lang sa kanya ni Tristan na magpapakasal na ito kay Anne?
At least iyon man lang ... deserve naman niya ‘yon, hindi ba?” Nagulat pa si Lorea nang sinundan pala siya ni Tristan sa hardin. “Lorea ...” Hindi siya kumibo. Umupo si Tristan sa harapan niya, huminga ito nang malalim.
Nati-tensed si Lorea. “I’ve got to tell you something.”
Gayong alam na niya, nanginginig pa rin ang buong katawan ni Lorea. Para siyang naghihintay ng kamatayan.
“M-Magpapakasal na kami ni Anne. Buntis siya.”
Tumango lang si Lorea. Tumulo ang kanyang mga luha.
Napansin ni Tristan na hindi na siya nagulat. “Alam mo na ba?”
Tumango si Lorea, napahikbi na siya. “Narinig ko ang mga maids na nag-usap.”
“I’m sorry you had to hear it from them. Nahuli pala akong magtapat. Hindi ko kasi alam kung paano.”
“Para akong tanga. Aaminin ko na ... na umasa ako.” “Lorea ...” “Pero dapat naman talagang si Anne ang pakasalan mo. Mahal mo siya.”
“Lorea, nagbanta siyang ipapalaglag niya ang anak namin kapag hindi ko siya pinakasalan!”
Nabigla si Lorea. “Hindi naman siguro niya gagawin ‘yon. Ina siya, mahal niya ang anak ninyo. Alam mo, Tristan ... dapat hindi ‘yan ang dahilan para mo siya pakasalan. Pakasalan mo siya dahil iyon ang gusto ng puso mo.”
“Iba ang gusto ng puso ko at alam mo ‘yon kung sino.”
“Hindi na importante ‘yon. Pipilitin kong maging masaya para sa inyo, Tristan. Alam mo bang sinabi ko na kay Anton na magkaibigan lang tayo? Ayokong umasa ‘yung bata. Naintindihan naman niya, don’t worry.” “Salamat.” “Para saan?”
“For making it easy telling you about my wedding.” “Tristan, I really mean it ... sana magiging masayang-masaya kayo ni Anne. Hayaan mo, ano man ang mga ginawa niya sa akin, ang mga pagtatangka nila ni Andy na mapahamak ako ... kalilimutan ko na ang mga ‘yon. Because she will
be your wife kaya dapat lang makapagpatawad na rin ako nang lubos. Ang laki ng utang na loob ko sa iyo, inilapit mo ako sa aking anak ... dapat lang susuklian ko ‘yon sa abot ng makakaya ko.” “Lorea, salamat. But I told Anne that the law will take its course. Kung matatalo ang mga abugado
niya then she has to accept the verdict of the law. At kahit naman nasa kulungan siya, if she has to serve
her sentence, asawa pa rin niya ako, araw-araw ko siyang dadalawin. Hindi na natin maiuurong ang demanda dahil ang kasalanan niya ay hindi lang sa iyo kundi sa Pilipinas na rin.” “Sana hindi na lang siya maparusahan. I truly wish for that, Tristan. Manganganak siya, hindi siya dapat mapahiwalay sa anak niya. Nangyari na sa akin ‘yan dahil na rin sa kasalanan ko. At napakahirap pala. May karma. Kaya dapat talaga, hindi magkahiwalay ang mag-ina mo.”
Naluha si Tristan. Lalo lamang napapamahal sa kanya si Lorea dahil sa paninindigan nito.
(ITUTULOY)