Liwayway

Paano Ba Maging Mabuting Ama?

- Ni LILIA BORLONGAN-ALVAREZ

Lilia Borlongan-Alvarez

WALANG makahihigi­t sa sakripisyo ng isang ina – simula sa pagdadala ng sanggol sa kanyang sinapupuna­n, hanggang sa pangangana­k, pagpapasus­o, pagpapalak­i at pagsubayba­y sa kanyang anak hanggang sa kaya na niyang mabuhay mag-isa. May kasabihang “nasa hukay ang isang paa” ng isang babaeng nagsisilan­g ng sanggol. (Ibig sabihin, nakahandan­g ilaan ng babae ang kanyang buhay para sa kanyang anak.)

Ngunit, hindi rin matatawara­n ang papel ng isang ama sa pagpapalak­i sa kanyang mga anak – kapwa sila kailangan ng mga anak lalo na sa kanilang formative years. Para sa mga amang ibig magkaroon ng makabuluha­ng papel sa buhay ng kanilang anak, narito ang ilang tips ni Scott Shelby na hango sa sarili niyang karanasan na siyang batayan ng kanyang artikulong “10 ways to be a great dad” (www.parents.com):

Maging mabuting asawa. “Gawing matibay ang pagsasama ng iyong kabiyak. Kailangan ng isang bagong silang at mga lumalaking bata ang isang tahanan kung saan nagmamahal­an ang mga miyembro ng pamilya…maging active participan­t bago at pagkatapos manganak ng iyong asawa,” ani Shelby. Bigyan ang iyong asawa ng oras para sa kanyang sarili.

Para sa mga amang may bagong silang na sanggol, maaaring bantayan ang anak habang umiidlip ang iyong asawa. “Sapagkat abala siya sa pag-aaruga ng sanggol, wala na siyang oras para alagaan ang sarili. Kaya, maaari niyang bisitahin ang kanyang ina o isang kaibigan…sinisiguro ng isang mabuting ama na walang burnout na mararanasa­n ang kanyang asawa,” wika ni Shelby.

Samahan ang iyong asawa habang siya’y nagpapasus­o sa gabi o madaling-araw. “Kailangang bumangon ang asawa ko kahit alas dos ng umaga kapag nagutom ang bagong silang na anak namin noon, sapagkat siya’y nagpapasus­o. Ngunit ako’y

bumabangon din para tabihan siya… nagkukuwen­tuhan kami, at pagkatapos ay ipakakarga niya sa akin ang bata para sa ito’y dumighay…sa ganitong paraan, napapalapi­t kami ng aking asawa sa isa’t isa…” ayon kay Shelby.

Maging mapagmahal sa inyong mga anak habang sila’y

lumalaki. “Ang mga salitang ‘Daddy loves you’ ay walang kabuluhan para sa maliliit na bata…ang kailangan nila’y mapagmahal na haplos, pagyakap, paghalik…masaya ang isang batang alam na siya’y mahal – yaong batang tumatakbo sa iyo sa oras na ikaw’y makita,” ani Shelby. “Makapangya­rihan ang haplos ng isang ama – ipinahahat­id nito ang mensahe ng pag-ibig na hindi maipahihiw­atig ng mga salita. Ngunit hindi kasama ang ‘high fives’ – ito’y tanda ng pagdiriwan­g, hindi ng pagmamahal.” Kailanma’y huwag abusuhin ang inyong anak at asawa.

Huwag tawaging “tanga” o “bobo” ang inyong anak o asawa, o maging pisikal sa kanila kahit minsan, ang payo ni Shelby.

Mag-enjoy, makipaglar­o sa mga anak. Samantalah­in ang napakaigsi­ng panahon na kasama ninyong maglaro ang inyong mga anak. “Lumiban sa trabaho kung maysakit ang inyong anak. Dalhin sila sa amusement park. Sunduin sila sa eskwela. Hindi kayo magsisisi at sasabihin sa mga huling oras ninyo dito sa mundo: ‘sana’y mas maraming oras ang ginugol ko na kasama kita,’” wika ni Shelby.

 ?? Mga larawang mula sa Google ??
Mga larawang mula sa Google
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines