Liwayway

Marlo Mortel, Mas Tututukan Ngayon Ang...

- Ni MARICRIS VALDEZ-NICASIO

Maricris V. Nicasio

KALIWA’T kanan pa rin ang pinagkaaab­alahan ng masipag na singer/composer, aktor, at TV host na si Marlo Mortel. Pero sa ngayon, mas tututukan niya ang singing career sa nalalapit na paglabas ng kanyang solo album. Aminado si Marlo na excited na siya sa paglabas ng kanyang

first ever solo album mula Star Music at Mercator Incorporat­ed ng manager niyang si Jonas Gaffud. “Etong album ko na ito ang pinakamala­pit sa heart ko dahil ako ang gumawa ng mga kanta and no doubt, magaganda talaga siya, for sure. Ipa-promise ko iyon,” saad niya.

Masasabing isang collector’s item ang naturang album ni Marlo, kaya hindi ito dapat palagpasin lalo na ng mga avid

followers niya dahil bukod sa konektado ito sa kanyang buhay, siya ang sumulat sa lahat ng kantang nakapaloob sa nasabing

album. Idinagdag pa niyang, “It’s a piece of me, kasi it’s my life talaga.”

Ayon pa kay Marlo, ang album niyang ito ay parang kuwento raw ng mga totoong mga pangyayari sa kanyang buhay. Originally, limang kanta lang dapat ang magiging laman ng album niya, pero pinadagdag­an pa ng Star Music dahil nagandahan sila sa mga na-compose niyang piyesa.

Sa panayam namin sa binata, nabanggit din niyang nanghihiny­ang siya dahil hindi na maysadong in ngayon ang mga CD dahil ang uso na ay ang digital songs.

“Oo, iyong mga physical album talaga hindi na in kaya parang mas naka-foucs na ngayon sa Spotify, Itunes…

“Naghihinay­ang lang ako na hindi ako nakaabot na tulad noon na in talaga ang CD, pero okay lang kasi same pa rin naman, eh. Pero umabot naman ‘yung Harana, eh, ‘yung band namin, so nakaabot din ako sa CD kahit paano,” nakangitin­g saad pa niya.

Nang tanungin namin kung first time lang ba na maglalabas ang isang artist ng album na siya rin mismo ang nag-compose ng lahat ng kanta rito, ang sagot niya ay, “Hindi ko po alam, pero ayun nga, ako ang nag-compose ng lahat ng songs dito. Related siya sa love story ko,” nakatawang tugon niya.

Hindi pa raw niya puwedeng sabihin sa ngayon ang laman ng album niya, kaya hindi niya matukoy ang pinakapabo­rito niyang cuts dito.

“Hindi ko pa puwedeng sabihin dahil hindi pa out (iyong album), pero alam ko na ‘yung line-up. Then, siyempre pinakaespe­syal ‘yung song sa mommy ko. Dapat hindi talaga kasama ‘yun, eh, ‘yung sa mommy ko. Kasi nga parang iyon ‘yung mga time na super hirap na hirap na ako, kaya nakagawa ako ng kanta,” seryosong esplika pa ni Marlo.

Aminado rin si Marlo na naging outlet niya ang naturang kanta para sa kanyang mahal na inang si Mrs. Merle Pamintuan na kasalukuya­ng nakikipagl­aban sa sakit na stage 4 breast cancer.

“Hinabol lang ‘yun, eh, hinabol lang siya. Hindi naman (ako nahirapang i-record), hindi naman, kasi ‘yun nga ‘yung parang naging outlet ko para magkaro’n ng hope, so hindi ako medyo nahirapan.

“Natutuwa na nalulungko­t siya nang narinig ‘yung song, pero hindi siya puwedeng umiyak, bawal, eh. Basta ang pinagpe-pray ko lang everyday ay gumaling siya, iyon lang ang pinakaimpo­rtante sa amin.”

Nabanggit din ni Marlo na sa paglabas ng album niya ay mas magfo-focus siya rito. Pero kaya raw niyang pagsabay-sabayin ang anumang trabahong darating sa kanya. “Sabay-sabay, sabay-sabay… Kasi kung ano ang mayroon na break, tatanggapi­n ko. Pero feeling ko talaga, ayan talaga ‘yung

meant to be ko, ang maging singer-songwriter ako,” wika pa ni Marlo na regular na napapanood sa Umagang Kay Ganda at sa On

The Go sa Knowledge Channel. Nagpapasal­amat din si Marlo sa lahat ng mga sumusuport­a sa kanya, kabilang na ang ABS CBN, specially ang fans club niyang Marlo’s World (na nagdiwang recently ng kanilang 5th anniversar­y) sa walang sawang pagbibigay sa kanya ng unconditio­nal love and support.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines