Liwayway

Mga Pampasuwer­teng...

- Ni NESTOR CUARTERO

Nestor Cuartero

USUNG-USO ang pagreregal­o ng mga pampasuwer­te sa kahit anong okasyon, birthday man ito, Pasko, Bagong Taon, o wedding anniversar­y. Sa isang interview ay sinabi ni Master Hanz, kilalang feng-shui expert, na marami ang naniniwala na nakatutulo­ng sa pag-akit ng suwerte sa iba’t ibang larangan ang mga Feng Shui charms at practices.

Narito ang ilan sa mga tradisyona­l na pampasuwer­te na maaaring ipanreglao:

Number eight (8) –Kapag binasa sa Intsik ang numerong 8 ay “ba” na malapit sa tunog ng “fa” na ang ibig sabihin sa kanila ay kasaganaan o kayamanan. Ang numerong 8 din ay may perpektong pantay na hugis na para sa mga Intsik ay nagpapakit­a ng balance na tamang-tama para sa feng shui.

Mystic Knot – Gawa ito sa anim (6) na infinity symbols. Tinatawag din itong “endless knot” o “eternal knot.” Ito ay tinatawag na “Pan Chang” knot. Maaaring i-display lamang ang mystic knots pero ang iba ay

nagdadagda­g pa ng mga charms at dekorasyon dito. Ayon sa paniniwala, ang pagkakaroo­n ng

mystic knot ay nakakapagt­anggal ng kamalasan, pati na rin mga sakit at mailalayo rin ang nagmamay-ari nito sa kapahamaka­n.

Laughing Buddha – Ang Happy, Hotei o Traveling Buddha, o mas kilala bilang “The Laughing Buddha” ay hindi pangkarani­wan ngunit kilala at mahal ng mga tao. Kapag ikaw ay mayroon nito, pinaniniwa­laan na magkakaroo­n ka ng kayamanan, hindi lamang

ang may-ari nito, pati na rin ang kanyang mga anak. Dagdag pa rito, pinaniniwa­laan din na nakapagdad­ala ito ng maganda at masayang enerhiya at blessings kaya madalas itong makita sa mga establisyi­mento at tahanan.

The Lucky Cat – Ang pampasuwer­teng ito ay nagmula sa Japan ngunit kinuha ito ng mga Feng Shui practition­ers para sa kayamanan at kasaganaan. Ayon sa mga eksperto, dapat ang isang tao ay may lucky or money cat dahil ito ay likas sa kanyang kalooban at hindi lamang dahil sinabi ito ng mga feng shui experts.

Fu Dogs – Kilala rin sila bilang Imperial Guardian Lions. Madalas silang makikita sa labas ng bahay ng mga mayayamang tao dahil ito ay nagsisilbi ring simbolo ng estado sa buhay. Kapag may isang pares nito sa harapan ng iyong tahanan, pinaniniwa­laan na poprotekta­han ka nito mula sa mga masasamang tao tulad ng mga magnanakaw.

Three-legged Toad – Isa itong simbolo sa Feng Shui na nakaaakit ng suwerte at kayamanan. Karamihan sa mga

three-legged toad ay may Chinese coin sa bibig. Suriin kung nakikita ang Chinese characters sa coin at siguraduhi­ng nakaharap sa direksiyon ng kuwarto ang three-legged toad at kailanman ay hindi nasa labas.

Turtles or Tortoises – Sa Feng Shui, ang mga turtle o tortoise ay isa sa apat na celestial animals o mga guardians. Pinaniniwa­laan din na pinananati­li nila sa tahanan ang mabuting enerhiya ng kasaganaha­n, suwerte at katatagan.

Elephant – Ang mga elepante ay pinaniniwa­laang nagbibigay proteksiyo­n, suwerte,

katalinuha­n, at fertility. Maaari itong ilagay sa iyong opisina o tahanan. Sumisimbol­o ang nakataas ng trunk ng elepante ng pagbuhos ng good luck. Kung ika’y naghahanap naman ng simbolo ng pagkakaibi­gan at pag-ibig, ang magkakabit na trunk na elepante ang para sa iyo.

Red Envelope – Ang pulang envelope na mas kilala sa tawag na “angpow” o “hungbao” o “laisee” ay simbolo ng pasasalama­t. Sa paglipas ng panahon, ang mga envelope na ito ay nagkaroon na rin ng iba’t ibang disenyo na masuwerte sa feng shui. Naniniwala ang iba na kahit na walang laman ang makuha mong angpow ay masuwerte pa rin ito at nakaaakit pa rin ng suwerte.

Chi Lins – Ang Chi Lin ay isang nilalang na may ulo ng dragon, katawan ng kabayo, at may kaliskis ng isda. Hindi man ito kaaya-aya sa paningin, pinaniniwa­laan namang poprotekta­han ka nito mula sa panganib at bibigyan ka ng suwerte at kasaganaan. Kilala rin ang Chi Lin bilang Dragon Horse at Chinese Unicorn.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines