Liwayway

Agrikultur­a

- Ni ZAC B. SARIAN

Zac B. Sarian

KAMAKAILAN, dumalo kami sa isang Field Day sa Brgy. Montecillo, Sariaya, Quezon at nakilala namin si Carmelo Prado, 49 anyos, na gustong-gusto ngayon ang pagtatanim ng sweet corn. Pero nalugi muna siya bago bumalik ang kanyang kumpiyansa sa pagtatanim ng matamis na mais. Noong nakaraang dalawang taon, nalugi siya sa pagtatanim ng dalawang barayti ng sweet corn na minabuti na lang na huwag banggitin ang pangalan ng dalawang barayti. Bakit siya

nalugi? Sapagkat nagtanim siya sa panahon ng tag-ulan at nasalanta ng ulan ang kanyang mga tanim.

Ngayon, tuwang-tuwa siya sa bagong barayti na naranasan niyang itinanim. Ito ang Sweet Fortune na ipinaratin­g ng Ramgo Seeds dalawang taon na ang nakararaan. Napatunaya­n na ng iba pang magsasaka na ang Sweet Fortune ay puwedeng itanim anumang buwan ng taon sapagkat matibay sa sakit na madalas nararanasa­n sa panahon ng tag-ulan.

May ilang katangian ng Sweet Fortune na nagugustuh­an ni Carmelo. Una, malalaki ang bunga at matamis. Ang bunga ay punong-puno ng butil hanggang sa dulo. At ang balat ay mahigpit hanggang sa dulo ng bunga kaya mahirap pasukin ng uod at tubig. Ang mga bunga ay maaaring anihin sa loob lamang ng 70 hanggang 75 na araw mula pagkatanim.

Noong nakaraang Pebrero, nagtanim si Carmelo ng tatlong kilo ng binhi na nagkahalag­a ng P5,550 sa kalahating ektarya. Nagulat siya sa dami ng inani niyang primera klase (Class A) na umabot ng 12,130 piraso. Naibenta niya ang bawat isa sa tig-P9 kaya P109,170 ang kabuuang halaga. Umabot naman sa 3,000 ang Class B na naibenta niya sa tig-P7 ang isa o P21,000. Ang Class C ay 1,950 lamang na naibenta naman niya ng tig-P5 ang isa o P9,750. Ang kabuuan ng kanyang pinagbenta­han ay umabot sa P139,920.

At magkano naman ang kanyang ginastos? Umabot lamang daw sa P21,000 kaya mayroon siyang netong P118,920 sa loob ng 75 araw na pagaalaga sa kanyang tanim na Sweet Fortune. Kabilang ang gastos sa binhing P5,550, paghanda ng lupa, irigasyon, pataba, pambomba kontra kulisap at labor.

Dahil sa nakita niyang ganda ng tayo ng kanyang Sweet Fortune, bago pa siya magpitas ay naghanda na siyang magtanim ng 12 kilong binhi. Noong Abril 16, nagtanim siya ng limang kilo sa isang ektarya. Ito ay sinundan ng limang kilo pang binhi na itinanim niya sa isa pang ektarya. At noong Mayo 6, itinanim niya ang huling dalawang kilong binhi.

Nakahanda na rin ang 36 kilong binhi na siyang itatanim sa “staggered basis” mula Hunyo hanggang sa Disyembre sa taong ito. Malaki ang kanyang kumpiyansa sa magtatagum­pay siya sa pagtatanim sa tag-ulan kasi naniniwala siya sa mga katangian ng bagong barayti.

Ayon kay Carmelo, natitiyak niya na wala siyang problema sa pagbebenta­han ng kanyang ani. Mayroon siyang pinagkakat­iwalaan na suking biyahero. At isa pa, nasa Sariaya mismo ang bagsakan ng produktong pang-agrikultur­a.

Samantala, mahigit na 200 ang mga magsasakan­g dumalo sa Field Day sa

farm ni Carmelo Prado noong Mayo 25. Nanggaling sila sa iba’t ibang dako ng Katimugang Luzon kagaya ng iba’t ibang bayan sa Laguna, Cavite, Batangas at Quezon.

Bukod sa Sweet Corn, nasaksihan din nila ang mabungang panigang na sili na kung tawagin ay Magnum. Ito ay puwede ring itanim sa anumang buwan ng taon. Ang iba pang pananim ay ang Jacobina na kamatis, Jen Jen na pipino, Mt. Data na labanos, Obama sitao, Violeta na batik na waxy corn at iba pa.

 ??  ?? Si Carmelo Prado sa kanyang taniman ng Sweet Fortune.
Si Carmelo Prado sa kanyang taniman ng Sweet Fortune.
 ??  ?? Hawak ni Anna de Grano ng Ramgo ang nilagang Sweet Fortune.
Hawak ni Anna de Grano ng Ramgo ang nilagang Sweet Fortune.
 ??  ?? Tinatalaka­y ni Anna de Grano ng Ramgo ang magagandan­g katangian ng Sweet Fortune sa harap ng mga bisita sa Field Day. Si Carmelo Prado, ganado sa pagtatanim ng Sweet Fortune.
Tinatalaka­y ni Anna de Grano ng Ramgo ang magagandan­g katangian ng Sweet Fortune sa harap ng mga bisita sa Field Day. Si Carmelo Prado, ganado sa pagtatanim ng Sweet Fortune.
 ??  ?? Si Nestor Kalaw ng Lipa (kanan) bisita sa Field Day ay naengganyo­ng magtatanim din ng Sweet Fortune dahil sa magandang nakita niya sa farm ni Carmelo Prado sa Sariaya, Quezon. Si Apol Bagon ng Ramgo ang nasa kaliwa.
Si Nestor Kalaw ng Lipa (kanan) bisita sa Field Day ay naengganyo­ng magtatanim din ng Sweet Fortune dahil sa magandang nakita niya sa farm ni Carmelo Prado sa Sariaya, Quezon. Si Apol Bagon ng Ramgo ang nasa kaliwa.
 ??  ?? Malaki ang bunga ng Sweet Fortune.
Malaki ang bunga ng Sweet Fortune.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines