Liwayway

Paano Ang...

- Ni RICHARD FALLER

Chad Faller

NAGIGING trending na ngayon ang pagbibigay ng bridal shower sa babaeng ikakasal. Kung noon ay mga artista at mayayaman lang ang gumagawa nito, ngayon ay kahit ang may simpleng katayuan lang sa buhay ay ‘in’ na rin dito. Hindi naman kasi kailangang maluho ang selebrasyo­n nito. Kailangan lang ay makapagbig­ay ng regalo at konting kasiyahan sa bride-to-be. Na magiging mas mainam kung gagawin itong nakasosorp­resa, masaya at kapana-panabik. Paano nga ba makapagbib­igay ng nakasosorp­resa at exciting na bridal shower? Maaaring isa ka rin sa mga kailangang magplano para sa bridal shower ng isang kaibigang babaeng ikakasal. Kadalasang ang beshie, maid-of-honor, bridesmaid o kamaganak ng bride-to-be ang nagiging host o namumuno sa pagpaplano. Ngunit kung isa ka sa mga kaibigan o kakilalang kailangang magbigay ng regalo at dumalo sa okasyon, dapat ay kasama ka rin sa pagpaplano para maging nakasosorp­resa at thrilling ito.

Una, kailangang walang kaalam-alam ang ikakasal sa inyong pinaplano. Kaya dapat ay magkaroon ng conspiracy ang lahat ng dadalo upang ilihim ang lahat ng bagay tungkol dito. Kailangang mag-set ng petsa na available ang lahat. Dapat ay may malapit sa brideto-be na magmo-monitor ng schedule nito upang malaman kung available rin ito nang hindi direktang tinatanong iyon.

Dapat din ay walang ideya ang bride sa lugar na pagdarausa­n niyon. Maaaring isang lugar na hindi niya inaasahan: sa beach, exclusive resort, bar na nirentahan, sa tabi ng waterfalls o tabing-ilog, sa garden, spa, studio, gallery o kahit sa condo unit o bahay lang ng isang kaibigang hindi pa niya napupuntah­an – basta pribado ay okey na. Sa araw na iyon, hindi rin dapat sabihin sa bride na pupunta ito sa kanyang bridal

shower. Kunwari ay magpapasam­a lang ang isa na pumunta sa bangko, shopping mall o sa kaibigan nito. Pero ang tatahakin niyang daan ay papunta sa rendezvous.

Pagdating sa lugar, isang choral group, dance crew o acrobatic group ang magtatangh­al para sa bride-to-be. Na ikasosorpr­esa niya. Pagkatapos ay isa-isang magsusulpu­tan, bubulaga, magsasaboy ng confetti o rose petals o hahalik, yayakap at babati ang mga guest sa kanya. Ibubuyangy­ang ang streamer para sa pagbati ng isang ‘Happy Bridal Shower.’

Gawin din isang party iyon sa halip na basta shower lang. Ipailanlan­g sa ere ang sweet and rock music, modern songs o paboritong kanta ng mga guest. Puwede ring mag-alay ng kanta para sa bride-to-be. O magpa-guessing game na agad: pahulaan ng title ng ie-ereng kanta.

Mag-disco. Mag-showdown at humataw para malaman kung sino ang pinakamaga­ling sumayaw. Hindi naman kailangang sumali sa showdown ang ikakasal kundi aliwin lang siya. Magsisilbi­ng judge rin ang lahat kung sino ang ‘the best.’

Hindi siyempre mawawala ang pagkain. Depende sa budget o sa kagustuhan ng mga guest, puwedeng isang cocktail party iyon, tea party, barbecue, sweets o finger

food. Pero kung gustong maluho ang handaan, bakit hindi? Puwede ring magpa-

contest dito. Pabilisang umubos ng softdrinks, beer o footlong na cheesedog. Mas masaya kung may premyo.

Kung hindi kayang solohin ng host ang gastos, puwede namang mag-ambag-ambag ang bawat isa. O mag-pot luck na kanya-kanyang dala ng handang pagkain o inumin.

I-treat ang mga guest sa isang kakaibang learning experience na kapaki-pakinabang o nakaaaliw. Halimbawa ay kung paano mag-set ng modern hairstyle, mag-make-up o mag-bake ng cake, magaplay ng prosthetic­s upang maiba ang hitsura, at iba pa.

Bago ang pagbibigay ng regalo na main event ng okasyon, ipaabot sa ikakasal ang pagmamahal, pasasalama­t, pagbati at pag-asam ng maligayang mga araw. Bawat isa ay dapat magbahagi nito. Ikuwento ang kanyang pinakamasa­ya o di malilimuta­ng karanasan kasama ang bride-to-be. O magbahagi ng sariling anaekdota o joke. Magbigay rin ng advice,

vow o wish para sa ikakasal. At basahin ang ilan sa mga iyon sa okasyon. Puwedeng lagyan iyon ng twist: ang mga pangit nilang karanasan kasama ang bride-to-be o ang mga ugaling ayaw nila rito – na hangad nilang mabago. Gayundin, magbigay ng rekomendas­yon para sa honeymoon. O mag-abot ng kanilang favorite recipe na printed-out sa special paper. Puwede ring tipunin na iyon sa isang recipe book.

Maraming paraan upang maging kasiya-siya ang pagbibigay ng regalo. Puwedeng magkaroon ng partikular na shower theme:

bedroom o kitchen shower, lingerie o book shower. Bago buksan ang regalo, pahulaan muna ito. Magbigay ng nakakakili­ting mga clue. Maglaan ng premyo para sa makahuhula nang tama.

Magkaroon ng nakatutuwa­ng bridal shower games. Hulaan ang isusuot na trahe-de-boda ng ikakasal. Bigyan ng sketch paper at lapis ang bawat upang idrowing ang bisyon. Ang may pinakamala­pit na disenyo ang panalo. O kaya ay trivia game. Ano ang paboritong kulay, pelikula o damit ng bride-to-be? O pahulaan ng edad ng babae sa throwback photos na ipakikita sa LCD o laptop. O kaya ay sabitan ng kitchenwar­e ang apron na ipasusuot sa ikakasal at ipahubad na ito pagkatapos ng ilang segundo. Paramihan ng maisusulat na nakitang kitchenwar­e ang mga guest para malaman kung sino ang may matalas na memorya.

Puwede ring magkaroon ng trivia tungkol sa mga guest. Tulad ng kung sino ang may magkapareh­ong kotse o trabaho. O kaya ay pahulaan ng laman ng dalang purse ng bawat isa. O mag-ere ng paboritong dialogue o expression ng mga guest at hulaan kung sino ang madalas magsabi niyon. O maglagay ng mga clothespin sa damit ng bawat guest at dapat ay hindi nila sasabihin ang salitang ‘kasal.’ Kapag narinig na nabanggit iyon, isa-isang tatanggali­n ang mga clothespin. Matira ang matibay! Sa huling laro, sisipatin ng bawat isa ang kanyang upuan upang malaman kung kanino nakakabit ang sticker ng mukha ng groomto-be. At may nakalaang premyo! Sa final event, umupa ng isa o ilang mga lalaking mananayaw na kikiliti sa imahinasyo­n at pananabik ng bride-to-be. Hindi naman kailangang mga macho dancer kundi basta makisig na mga lalaking magbibigay-buhay lang sa kasiyahan. Para sorpresa, kunyari ay mga pulis sila na naka-uniporme pa at magdedekla­ra ng raid. Pero biglang bibirit ng dance music at iindayog sa pagsayaw ang mga ito habang unti-unting hinuhubad ang damit. Pagkatapos ng ilang dance music, may kakatok sa pinto na isang kapitbahay o kalapit-lugar na magrerekla­mo dahil naiistorbo raw sa ingay. Pero naka

disguise lang ito – na walang iba kundi ang groom – na unti-unti ring maghuhubad ng damit at gigiling sa pagsayaw.

Minsan lang ikasal ang isang tao. At isang panghabamb­uhay na pagsasama na ito. Kaya mahalagang maging masaya siya kahit sa paghahanda pa lamang para rito. Hindi rin naman siya pakakasal kundi siya talagang nagmamahal. Kaya ang masayang pasimula ay tanda ng masayang pagsasama hanggang wakas.

 ??  ?? Larawang mula sa Google
Larawang mula sa Google

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines