Liwayway

Magluto Tayo

- Pitak Ni MARENG LENA

Mareng Lena

NARITO ang mga lutuing madaling gawin at simple ang mga sangkap. Ngunit maidudulot din sa mga taong wika nga’y nakakaanga­t sa buhay at mahirap malimutan ang sarap.

GINATAANG MUNGGO

MGA SANGKAP:

1 puswelong lutong munggo

3 butil na bawang, pitpitin

1 sibuyas, hiwain nang pahaba, maninipis

1 puswelong dahon ng malunggay

1 sachet ng gata mix

1 puswelong hipon, karaniwang laki, gupitin ang balbas at mga paa Asin at pampasarap mix ayon sa panlasa

PARAAN NG PAGLULUTO:

IGISA sa bawang, luya, sibuyas at hipon ang munggo. Ibuhos dito ang gata mix na nilusaw sa isang puswelong tubig. Pakuluin habang hinahalu-halo. Bago ilahok ang mga dahon ng malunggay. Timplahan ng asin at pampasarap mix.

GINATAANG TILAPIA

MGA SANGKAP:

1 kilong tilapia, ayon sa ninanais na laki, kaliskisan at linisin 1 puswelong nilusaw na gata mix

1 kutsarang katas ng kalamansi

2 kutsarang toyo

½ puswelong mantika

2 hilaw na saging na saba, balatan at hiwain nang diagonal

1 sibuyas, hiwain nang maninipis

2 siling pansigang

1 kutsaritan­g asukal Asin, paminta at pampasarap mix, ayon sa panlasa PARAAN NG PAGLULUTO:

IBABAD

sa toyo at katas ng kalamansi ang mga tilapia. Makalipas ang kalahating oras, patiktikin. Iprito nang malasado at itabi muna.

Pakuluin ang gata nang kalahok ang sibuyas, hiniwa-hiwang saging. Timplahan ng asin, asukal, paminta at pampasarap mix.

*Ang kinudkod na niyog na natanggal sa refrigerat­or ay maligamgam na tubig ang ipanggata. Upang higit na natural na katas (gata) ng niyog.

*Patuloy na halu-haluin ang pinapakulu­ang gata upang hindi magbuu-buo.

Tara nang kumain!

 ?? Mula sa Google ??
Mula sa Google

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines