Liwayway

Ang Sampung Kinatataku­tan Ng Tao

- Ni Ni FERNANDO FERNANDO B. B. SANCHEZ

Fernando B. Sanchez

LIKAS daw sa tao ang may kinatataku­tan. Takot sa multo o kung anu-ano. Tila anino ito na di matatakasa­n. Sa mga eksperto sa larangan ng supernatur­al, tulad nina Napoleon Hill at Sylvia Browne, may sampung kinatataku­tan ang tao sa kanyang buhay- sa buong mundo.

Una at pangalawa, sa listahan ni Browne, sa kanyang aklat na “The Other Side and Back” ay rejection at abandonmen­t. Pag-ayaw at pag-iwan. Ang dalawang nabanggit ay tila magkakamba­l o magkapatid na di puwedeng ihiwalay sa isa’t isa. Nakakasaki­t din ng damdamin kung nararamdam­an mong inaayawan ka, iniiwan kang parang yagit, walang silbi, walang kuwenta, naiiwang mag-isa na nag-aanyaya ng takot sa personal na buhay.

Ang pangatlo’y frustratio­n, kasawian o pagkabigo. Ang pagkabigo’y nagdudulot din ng sama ng loob, ng pag-alala at pagkatakot. Di ba’t maraming nagpapakam­atay dahil sa kabiguan sa pag-ibig o mailap sa kanila ang tagumpay?

Ang pang-apat na kinatataku­tan ng tao ay ang tagumpay. Oo, kinatataku­tan din daw ang tagumpay ng mga taong ayaw nang bumaba sa kanilang trono o pedestal. Bukod dito’y ayaw nilang maagaw sa kanila ang korona tulad ng mga atleta. Ayaw nilang pagtawanan sila ng ibang tao dahil sila’y laos na kung kaya natatakot silang kupasan ng galing, talino at lakas.

Betrayal, ang panlima, o pantatraid­or, pagkakanul­o mula mismo sa kamay ng mga kaanak, kaibigan, katrabaho o kapalagaya­ng-loob na sisira sa iyo, sa iyong mga adhikain at pangarap sa buhay. Sa ngayon, mahirap nang magtiwala sa ibang tao. Nakatatako­t ang maaari nilang gawin.

Pang-anim, ang loneliness o kalungkuta­n, na ang sanhi’y maaaring kabiguan sa pag-ibig o pakikipagr­elasyon, o kaya’y kabiguan sa nais makamit sa buhay, na pinaglaana­n pa ng panahon at salapi, pagtitiwal­a at pag-asa. Ramdam mo, pag malungkot ka, tila katapusan na ng mundo. Feeling mo, nagiisa kang pumapasan sa mabigat na krus sa gitna ng dilim, ng mga unos na lumilikha ng pangamba, at ng di maiiwasang pagkatakot.

Pampito, ang illness, sakit o karamdaman. Pag dapuan ka ng malubhang karamdaman, di ka makakapagh­anapbuhay, di ka gaanong nakakakain, di ka nakakatulo­g at babagyuhin ka ng mga alalahanin o problema. Isa na rito’y ang pangangail­angan mo ng perang gagastusin sa pagpapaosp­ital, pagkonsult­a sa doktor at ibibili mo ng mga gamot na kailangan. O, e, paano kung wala kang sapat na pera, wala kang kamag-anak na malalapita­n? At paano kung nag-iisa ka na sa buhay? Buti na lang may PHILHealth na ang mga indigent at senior citizens!

Ang pangwalo na kinatataku­tan ay ang aging o pagtanda. Pag matanda na ang isang tao, wala na siyang kalayaang gawin ang nais niyang gawin. Mayroon na siyang mga limitasyon sanhi ng kahinaan na ng katawan, gayon din ang kahinaan niya sa pandinig, at lumalabong paningin. Suwerte siya kung may mag-aalaga sa kanya at ibigay ang kanyang mga pangangail­angan araw-araw. Paano kung nasa malayo ang mga anak at kamag-anak? Sino ang magluluto sa kanya? Paano kung siya’y magkakasak­it? Paano kung wala siyang pension kung siya’y isang retirado, o social pension kaya roon sa mga indigent

senior citizens? Batay sa aming obserbasyo­n, pag wala nang pakinabang sa iyo ang isang tao, kamag-anak man o kaibigan, pababayaan ka na! Ito ang kinatataku­tan ng mga matatanda! Ang pansiyam na kinatataku­tan ng tao’y ang tinatawag na loss o pagkawala ng isang bagay na mahalaga sa kanyang buhay tulad ng kanyang paningin, pandinig at pananalita, mawalan ng asawa, anak, o kaibigan, mawalan ng trabaho o mawalan

ng mga ari-arian, di ba’t nakakaalar­ma din ang mga ito? At nakakatako­t?

Ang huling kinatataku­tan ng tao’y ang death o kamatayan. Sa aming pagbabasa’t pakikipana­yam sa mga tao sa aming kapaligira­n, lumalabas na lubhang kinatataku­tan si kamatayan dahil darating siya sa nakatakdan­g panahon, gusto man natin o hindi, nakahanda man tayo o hindi, sumusulpot, susunud-sunod, ano mang oras, at hindi maiiwasan. (Hebreo 9: 27) Takot din sa kanya ang mga tao dahil hindi alam kung anong mangyayari sa kanila pag namatay na, kung saan sila patutungo, sa langit ba o impiyerno? Walang nakakaalam! Ang kamatayan, sabi pa ng iba’y isang kaaway na mahirap gapiin!

Sa isang aklat naman ni Napoleon Hill, ang “Think and Grow Rich” bumanggit din siya ng mga bagay na kinatataku­tan ng tao sa mundo. Sa anim niyang binanggit, apat ang tumutugma sa listahan ni Sylvia Browne, tulad ng sakit, pagtanda, pagkawala

(loss) at kamatayan. Dalawa ang wala sa listahan ni Browne, ang poverty (kahirapan) at criticism (pagpuna) na nagbubuyo ng pagkatakot.

Kay Hill, ang mga kinatataku­tan ng tao ay walang iniwan sa mga multo na namamahay sa ating mga isipan at maaaring burahin ano mang oras. Kay Browne, imbes na katakutan ang kanyang mga nabanggit, kailangang harapin ang mga ito ng buong tapang. Dapat din taglayin ang akmang karunungan o kaalaman ukol dito upang di pamahayan ng takot. “Overcoming

fear,” sabi pa ni Browne, “makes the difference between a life fully lived and a life spent living in the dark where the sun cannot reach you.”

 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines