Liwayway

Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

- Ni BOY A. SILVERIO

Boy A. Silverio

MAGKAIBA ang pala-palagay ng mga istoryador tungkol sa alamat o maaaring pinagmulan ng pangalan ng lalawigang Bulacan na ang matandang pangalan ay “May-Yi”

Ayon sa ilang istoryador, nagmula ang “Bulacan” sa salitang ugat na “Bulae” o “Bulak” (kapok) na noon ay pangunahin­g produkto ng rehiyong ito. Sa ibang salita, laganap noon dito ang mga punong kapok na pinanggali­ngan ng bulak.

Sinasabi naman ng mga ibang istoryador na nanggaling ang pangalang “Bulacan” dahil sa pangyayari­ng ang buong nasasakupa­n ng lalawing ito’y totoong napakarami­ng tanim na mga halamang bulaklakin o namumulakl­ak at magpahangg­ang ngayon ay napakainam pagtamnan ng anumang halaman. Noong mga panahon ng mga Kastila, kung tawagin pa nga ang pook na ito ay “Hardin ng Pilipinas.”

ILANG minuto pa lamang na sumasapit ang Agosto 16, 1976 nang biglang umurong ang tubig sa baybayin ng Moro Gulf ng Celebes Sea na sumakop sa ilang lalawigan ng Mindanao. Kasunod nito ay ang may 30 minutong pananalasa ng tsunami na kumitil sa buhay ng mahigit 5,000 katao. Bago ang tsunami, nagkaroon din ng paglindol sa Mindanao na naramdaman partikular sa Region 9 at 12. Batay sa

testimonya ng ilang nakaligtas, napansin na umurong ang tubig sa baybayin sa kalupaan na umabot ang layo ng hanggang 700 kilometro.

Kabilang din sa lugar na naapektuha­n ng tsunami ay ang South Cotabato, Sultan Kudarat, Maguindana­o, Lanao Del Sur, Zamboanga City.

Sa nabanggit na lugar, pinakamara­ming nasawi sa Zamboanga del sur na umabot ang bilang sa halos 600 katao ang nasawi sa Pagdian City at mahigit 200 ang nawala.

Bukod sa bilang ng mga nasawi at nawala, mahigit 9,000 tao pa ang nasaktan at mahigit 90,000 ang nawalan ng tirahan. Pinaniniwa­laan na kaya marami ang nasawi sa naturang trahedya dahil naganap ito sa hatinggabi na mahimbing nang natutulog ang mga naging biktima.

 ??  ?? Moro gulf
Moro gulf

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines