Liwayway

Astrolohiy­a

- Ni MADAME SHARONA

Madame Sharona

HAPPY BIRTHDAY:

Magpakumba­ba at huwag hayaang umiral ang kayabangan. Magiging mataas ang iyong pride at kapag walang disiplina sa sarili ay mapapasubo at mapapahiya sa karamihan.

CANCER (Hun. 21-Hul. 22)

Mawawala ang iyong sipag, tiyaga at hirap dahil ang makikita sa iyo ay isang taong parang hindi na maghihirap pa at hindi takot na maubos ang kabuhayan. Lucky days: Monday & Tuesday. Lucky nos. 14-16 & 18.

LEO (Hul. 21-Agos. 20)

Kahit di mo gaanong naunawaan ang motibo ng iyong mahal, sumunod ka lang sa kanya dahil higit na mapapagand­a ang iyong kapalaran. Lucky days: Saturday & Monday. Lucky nos. 11-13 & 17.

VIRGO (Agos. 21-Set. 22)

Nasa todong lakas ang iyong buwenas. Nakamamang­ha ang mga magagandan­g kapalaran na darapo sa iyong buhay. Lucky days: Wednesday & Friday. Lucky nos. 17-21 & 29.

LIBRA (Set. 23-Okt. 22)

Huwag mong salungatin ang mga kagustuhan ng iyong mahal. Nahihirapa­n ka man, habaan mo naman ang iyong pasensiya dahil hindi mo naman kaya pa na mabuhay mag-isa. Lucky days: Thursday & Tuesday. Lucky nos. 09-12 & 34.

SCORPIO (Okt. 23-Nob. 22)

Dadalawin ka ngayon ng mga alaala ng kabiguan. Huwag kang pumayag na tangayin ka nila sa lungkot. Tandaan mo, ang nakaraan ay nakaraan na. Lucky days: Tuesday & Thursday. Lucky nos. 37-40 & 24.

SAGITTARIU­S (Nob. 23-Dis. 22)

May takip ang dalawang mata ng kabayo nang sa gayon ay hindi siya malito at para maging diretso ang kanyang takbo. Lucky days: Wednesday & Monday. Lucky nos. 11-24 & 35.

CAPRICORN (Dis. 23-Ene. 19)

Madali lang naman ang pormula ng tagumpay na nagsasabin­g bawat oportunida­d na ilalagay sa iyong harapan ay dapat mong sunggaban. Lucky days: Friday & Sunday. Lucky nos. 06-17 & 20.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 19)

Ang lumalabas kapag umuulan, sila ang nababasa, kaya kapag nakipaglar­o ka sa tukso, puwede ka ring matukso. Mas mabuti nang lumayo sa mga ito. Lucky days: Thursday & Saturday. Lucky nos. 21-29 & 23.

PISCES (Peb. 19-Mar. 19)

Sabi nila, ang kahirapan ay hindi hadlang para makuha ang pangarap, ikaw ngayon ay nag-aalinlanga­n. Lucky days: Monday & Tuesday. Lucky nos. 09-11 & 12.

ARIES (Mar. 20-Abr. 19)

Aminin mo sa sarili mo ang iyong mga pagkukulan­g sa minamahal. Ito ang dahilan kung bakit madalas siya ngayong nagtatampo sa iyo. Lucky days: Wednesday & Saturday. Lucky nos. 7-16 & 29.

TAURUS (Abr. 20-Mayo 20)

Hindi tama ang pagpupumil­it mong matupad ang mga gusto mo mangyari. Lucky days: Tuesday & Thurday. Lucky no. 12-15 & 29.

GEMINI (Mayo 21-Hun. 20)

Ngayon ka na kailangan magpasya kung papayag ka sa udyok ng iyong kapalaran na maghanapbu­hay sa ibang bansa? Dapat kang maging matapang para sa iyong kinabukasa­n. Lucky days: Thursday & Sunday. Lucky no. 25-38 & 22.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines