Liwayway

Ria Atayde, Mas Nacha-Challenge...

- Ni NONIE V. NICASIO

Nonie V. Nicasio

A

MINADO ang Kapamilya aktres na si Ria Atayde na may kakaibang challenge siyang nararamdam­an kapag sumasabak sa kontrabida roles.

Isa si Ria sa mapapanood sa kasalukuya­ng handog ng Wansapanat­aym Presents: Ofishially Yours na pinamahala­an ni Direk Jon Villarin at umeere na nang ilang linggo. Tampok dito si Elisse Joson bilang si Stella, isang dalagang tinitingal­a para sa kanyang ganda ngunit kinaiinisa­n naman dahil sa kanyang ugali.

Si Ria naman ay gumaganap dito bilang si Merlina na anak ni Giselle Sanchez.

“Isa akong supladang sirena po rito,” pahayag ni Ria. “Physically exhausting po pala ang gumanap bilang sirena,” dagdag pa ng aktres nang usisain kung mahirap bang gampanan ang papel ng isang sirena.

Pahabol pa ni Ria. “Super-enjoy po ako sa pagganap na sirena. It’s every girl’s dream, I think.”

Inamin din ng magandang anak ni Ms. Sylvia Sanchez na kakaibang challenge para sa kanya kapag gumaganap siya bilang kontrabida. “Of course po, kasi I’m a very bubbly person! Kaya mas matagal po na mahugot ‘yung anger on my part,” nakatawang saad pa niya.

Incidental­ly, masaya ang casts ng Wansapanat­aym Presents na bukod kina Ria, Elisse, at Giselle ay kasama rin ang BoyBand PH (na binubuo nina Joao Constancia, Niel Murillo, Tristan Ramirez, Russell Reyes, at Ford Valencia), Janice de Belen, Jeric Raval, Raphael Robes, Sam Rimando, Nico Antonio, at iba pa, dahil sa magandang national TV ratings nito matapos tutukan ng mas maraming Filipino ang pag-uumpisa nito last May 20.

Samantala, nabanggit din ni Ria na malaking inspirasyo­n sa kanya bilang aktres ang inang si Ms. Sylvia. Si Ria ang naging representa­tive ng kanyang

award winning mom sa award’s night sa Pasado Awards para sa muling pagkilala kay Ms. Sylvia bilang Pinakapasa­dong Aktres sa Teleserye (Hanggang Saan). Nasa Hongkong kasi that time si Ms. Sylvia. Ipinahayag ni Ria na nakaramdam siya ng pagka

awkward nang tanggapin ang tropeo ng kanyang ina. Ngunit idinagdag niyang nagsilbing inspirasyo­n ito sa kanya para mangarap din na magkaroon ng kanyang sariling acting trophy someday.

“Nakakahiya po kasi ang laki ng award at mag-isa lang ako!

And inspiring, kasi sana someday ako rin po ay magkaroon ng ganoong award,” pakli ng aktres. Dagdag pa niya, “Opo, mas na-feel ko kung gaano kagaling siyang aktres. Happy for her and I can only hope to receive the same award in the future.”

Pero nilinaw ni Ria na wala namang pressure sa kanyang parte dahil baka maikumpara siya sa kanyang ina at kuyang si Arjo Atayde. Kapwa kasi nakakarami na ng acting awards ang dalawa.

“Wala naman pong pressure. But of course, it would be nice to receive that too. Nagsisilbi­ng inspiratio­n po sa akin ang mga acting awards ni Mommy, it’s something to work for. But not naman a main goal,” nakangitin­g esplika pa ng aktres. Nabanggit din ni Ria na nami-miss na niyang gumawa ng TV series na tulad ng Ningning na pinagbidah­an ng child star na si Jana Agoncillo. Wish din daw niyang magkaroon ng mas maraming project para sa taong 2018. Kasalukuya­ng may niluluto raw na bagong TV series ang ABS CBN na magiging parte si Ria, ngunit hindi pa raw ito puwedeng banggitin. “This new series of ABS, it’s a new concept and it’s very millennial pero hindi pa po puwedeng sabihin, eh. Ang wish ko po for showbiz would have to be… more projects that’ll challenge and help me improve my craft,” wika pa ni Ria.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines