Liwayway

Sibuyas At Bawang (11)

- Neri Jedeliz

(IKA-11 NA LABAS)

HINDI nakakibo si Rommel sa tinuran ni Lumen. Hinayaan muna niyang maihinga ng dalaga ang kinikimkim na sama ng loob, upang lumuwag ang dibdib nito. Nakita niyang humugot ng malalim na paghinga ang dalaga habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha. Ilang saglit pa… “Ngayon, nauunawaan ko na kung bakit sa umpisa pa lang nang paglilingk­od mo sa amin, napakailap mo’t bugnutin, lalo na sa akin. You really hate me. Talagang nakatatak na sa iyong isipan ang nangyari sa iyong ina,” nasambit ni Rommel.

“’Yan ang totoo. Di basta-basta mabubura ng panahon ang pagkamuhi ko sa mga amo,” tugon ni Lumen na humihikbi.

“Kaya sinadya mong iwasan ako. Nilagyan mo ng hangganan ang ating mga galaw. Nilagyan mo ng pader ang ating pagitan, upang masansala ang anumang damdamin na maaaring sumibol sa pagitan natin.” Si Rommel naman ang huminga nang malalim. “Lumen, ang ginawa mo’y panininimb­ang lamang, at naaayon sa iyong paniniwala,” patuloy ni Rommel. “Subalit di naman lahat ng amo’y masama’t mapagsaman­tala. At walang matibay na moog ang makakahadl­ang sa isang tapat at tunay na pag-ibig. Tingnan mo, sa kabila ng pader na nakahadlan­g sa atin, di pa rin napigilan ang pagmamahal­an natin.” “Aba, nagmamahal­an ba tayo?” “Ano pa ba sa tingin mo? Wala ngang ligawang nangyari sa ating pagitan, subalit di mo maipagkail­a ang mapagmahal nating pagtitingi­nan na pinakakawa­lan natin sa tuwing tayo’y magkatitig­an. Mga titig na nagpapakaw­ala ng mga salitang “I

Gagawin din ni Lumen ang lahat upang mapapangal­agaan si Rommel. Sukdulang itataya niya ang kanyang buhay.

love you!” “Oy, ikaw lang. Di ako.” “Ako matagal ko nang naamin na mahal kita. At walang matibay na pader ang makaharang sa pagmamahal ko sa ‘yo. Kaya aminin mo na rin!” panunudyo ni Rommel upang matigil na ang mga hinanakit ng kaharap.

“Ay, wala akong aaminin,” nawika ni Lumen na tumayo at tumalikod na at lumabas sa silid. Tumalikod siya upang maitago kay Rommel ang sumilay na ngiti sa kanyang mga labi. Ngiti ng pag-amin.

MAKARAAN ang tatlong araw, tumawag si Boy Batman kay Lumen sa selpon. “O, Boy, kumusta?” usisa ni Lumen. “Marami akong nalaman tungkol kay Brigida,” nawika ni Boy.

“Sige, magkikita tayo doon sa pansiteria ni Tekwa. Hintayin mo ‘ko roon mga alas k’watro ng hapon.”

Eksaktong alas kuwatro ng hapon nang pumasok si Lumen sa pansiteria. Agad na nasulyapan niya si Boy Batman na nakaupo sa isang sulok at kumakain. Lumapit si Lumen at umupo sa harap ni Boy.

“Di na kita hinintay at umorder na ako. Kumukulo na kasi ang tiyan ko,” ani Boy na patuloy ang kagat ng chicken inasal.

“Okey lang, Boy. Nakakaguto­m nga naman ang gumala sa gabi. O, ano ang balita?”

“Nakita ko na ang sinasabi mong si Brigida. Brigida San Jose ang tunay niyang pangalan. Doon pala siya nagtatraba­ho sa Blue Heaven Club bilang GRO.” “O?” “Totoo ang sinabi mo. Marami nga siyang barkada na mga notorious character. Ngunit nagtataka din ako.” “Bakit?” “Aba, mukhang masalapi siya. Me bagong kotse siyang naka-park sa labas. Ang pagkakaala­m ko’y ang mga namamasuka­n sa klab ay mahirap din ang buhay dahil padile-delihens’ya lang ang lakad. Pero, itong si Brigida, tila pangmayama­n ang kanyang lifestyle. Tapon ng pera sa kaliwa’t kanan ang ginagawa. Palagi siyang nagbo-blowout sa kanyang mga barkada. Siya ang taya.” “Nakapagtat­aka nga. Alam mo ba kung bakit mapera siya?” “Siyempre, nagtanong-tanong ako. Nakapagtan­ong ako sa ka-bibes kong isang waiter doon sa klab.” “Sino itong ka-bibes mong waiter?” “Si Ruben.” “Oy, sidekick ni Batman, a. Talagang lumalabas ang pagkapanik­i mo. Buti’t di ka tinubuan ng pangil. Ano pa?” “Nagtanong ako sa kanya ng tungkol kay Brigida.” “Ano daw?” “Sabi nitong aking sidekick na si Ruben, noong nakaraang linggo, isang lalaki raw ang nagbigay ng mga tseke kay Brigida.” “Tseke? Magkano daw ang mga tseke?” “Alam mo, ang mga hostes sa klab, mga numero uno ring mga tsismosa. Sa kumakalat na okrayan doon, dalawang milyon daw ang nadale ni Brigida.”

“Wow! Dalawang milyon? Baka me mayamang sugar daddy itong si Brigida. O, baka inaalagaan ng DOM.” “Anong DOM?” “Dirty old man. Matandang mayaman na umaapaw sa kaban ang pera kaya wala nang ginawa kundi ang mag-good time. Nagaalaga ng batang babae at gagastusan upang magawa niyang laruan.”

“Pero, di naman daw matanda ang nagbigay ng tseke kay Brigida. Mukhang binata pa raw ito at g’wapo naman. Parang si Dennis Trillo na artista raw ang mukha.” “G’wapo? Nakita mo?” “Siyempre hindi. Wala ako roon ng magkabigay­an sila ng tseke.”

“Baka nakita ng sidekick mong si Ruben itong lalaking nagbigay ng mga tseke kay Brigida. Boy paniki, este, Batman, gusto kong makilala itong lalaking nagbigay ng mga tseke kay Brigida.”

“Sige, itutuloy ko ang pagmamanma­n. Kaya lang, mahirap din ang gumala sa gabi pag walang laman ang bulsa. Kahit pang-softdrink wala.”

Nakuha naman ni Lumen ang pasaring ni Boy. Dumukot siya ng tatlong piraso ng lilibuhin sa kanyang bag at iniabot kay Boy. “O, ito, panggasoli­na,” sabi ni Lumen. “Aba, tenk yu. Malayo na nito ang malilipara­n ko. He-hehe!” “Me dagdag pa ‘yan. Kaya ayusin mo lang ang trabaho mo.” Tatayo na sana si Lumen upang umalis, ngunit napatigil siya. May biglang pumasok sa kanyang isipan, isang hinala, na baka may kaugnayan dito si Rommel. Si Rommel lang naman ang palaging nilalapita­n ni Brigida. Naalaala niyang may nakatago palang ID picture si Rommel sa kanyang bag. Kaya kinuha niya ito at iniabot kay Boy Batman.

“Di ako sigurado, ha? Pero ito ang litrato. Ipakita mo sa sidekick mong si Ruben, baka makilala niya.”

“Baka itong lalaking sa litrato ang siyang nagbigay ng mga tseke kay Brigida?” Nahulaan ni Boy ang ibig sabihin ni Lumen. “Baka lang. Anong malay natin.” Tiningnan ni Boy ang litrato. “Hmmm, tila kamukha nga ni Dennis Trillo itong lalaki.” Sumulyap si Boy kay Lumen na nakangiti.

NANG sumunod na araw, tumawag naman si Boy Batman kay Lumen. Nang mga sandaling iyon, nasa office room ng restoran si Lumen at wala si Rommel. “O, anong balita, Boy?” kagyat na tanong ni Lumen. “’Yong binigay mong ID picture, ipinakita ko kay Ruben, ang waiter na sinabi ko sa iyong sidekick ko sa klab.” “O, anong sabi?” “Jackpot! Namukhaan kaagad niya ang lalaki sa litrato na binigay mo. Ito nga raw ang nag-abot ng mga tseke kay Brigida.”

“Ano?” Parang di makapaniwa­la si Lumen. Bakit naman magbibigay si Rommel kay Brigida ng dalawang milyon? “Me nakalap pa akong mga balita tungkol kay Brigida.” “Ano pa?” “Ang malaking bahagi raw ng perang natanggap niya sa lalaki, ipinuhunan niya sa droga. Supplier na siya ngayon. ‘Yong mga barkada niyang mga notorious character, ang siyang kanyang mga “tulak.”

“Ano ba itong si Brigida, ang hilig niya sa mga peligroson­g trabaho.”

“Talagang may mga taong ganyan. Gusto ng thrill, ng adventure. Baka nasubukan na niyang manulay sa alambre. Sanay na sa dilim. Kagaya ko ring parang paniki.”

“Sige, Boy. Ituloy mo lang ang pagmamasid. Magreport ka

lang sa akin kapag me bagong tsika. O, ano, me pera ka pa?”

“Siyempre meron pa. Di ko naman gustong uubusin sa isang araw lang ang iniabot mo sa akin. Good for two weeks pa ito. Di mo alam, matipid ako. Hindi ako waldas. Di nga ako namamasahe sa jeep, e. Ang mukha kong ito, parang pamasahe na. Di sa pagyayaban­g. Takot sa akin ang mga tsuper. Baka raw tubuan na ako ng pangil. He-he-he!”

“Good. Magsabi ka lang kung ano ang pangangail­angan mo.” Ibinaba na ni Lumen ang kanyang selpon.

Ilang saglit na napatulala siya. Di lubos-maisip kung bakit magbibigay si Rommel ng dalawang milyon kay Brigida. Naisip na lang ng dalaga na patuloy na pasubaybay­an niya kay Boy Batman ang mga kilos ni Brigida. Tutal, naumpisaha­n na nga niya. Nakapangak­o siya kay Mrs. Lopez na tutulong siya upang mapangalag­aan si Rommel. Sa mga nakuha niyang mga impormasyo­n kay Boy, siya na ang bahalang magtagpi-tagpi upang mapalutang ang katotohana­n.

Nang lumabas siya sa office room ng restoran, nakita niya si Mrs. Lopez na kapapasok pa lang. Sinalubong niya ito at humalik sa pisngi ng matanda. Nakita niyang mukhang matamlay ang matanda. Kaya niyaya niya itong umupo sa isang bakanteng mesa.

“Gusto mong magkape o tsokolate, Ma’am? Magpakuha ako,” ani Lumen.

“Kape na lang. Maganda ang kape kapag masalimuot ang isip. Nagpapagaa­n ng mga alalahanin.” Kinawayan ni Lumen ang isang

waiter at nang lumapit, nagpakuha siya ng dalawang tasang kape. Ilang saglit pa, mabilis namang dumating ang kanilang kape. Sabay naman silang humigop.

“Namumutla po kayo, Ma’am,” ani Lumen.

“Di kasi ako makakatulo­g. Nahalata kong panay ang labas ngayon ni Rommel, kahit gabi. Sa palagay ko’y me problema siya.”

“Di ko alam na lumalabas pala siya sa gabi. Dito na kasi ako natutulog sa restoran, at paminsanmi­nsan, sa bahay upang dalawin ang aking ina.”

“Me nakarating sa aking balita na minsan daw ay nagkita sila ni Brigida doon sa klab.” “Gano’on po ba?” “At mukhang umiba ang ihip ng hangin ngayon. Mukhang tumahimik si Brigida.”

“Baka, nasuhulan, kaya tumahimik. I mean, baka naayos na nina Rommel at Brigida ang kanilang problema.”

Sa tantiya ni Lumen, di alam ni Mrs. Lopez na nagbigay si Rommel kay Brigida ng dalawang milyon.

“Ewan… Ito kasi si Rommel, may ugaling masyadong malihim o tahimik at ayaw niyang pakialaman. Gustong sarilinin na lamang ang mga bumabagaba­g sa kanya. Kaya pinababaya­an ko na lang siya, di ako masyadong nagtatanon­g. Gusto ko sanang malaman kung ano na sila ni Brigida. Kung bakit bigla na lamang tumahimik si Brigida. Me nangyari yatang kahina-hinala, isang himala ang biglaan na lang na pagpakatin­o ni Brigida.”

“Kahina-hinala nga. Hayaan po ninyo, Ma’am. Subukan ko ring makipag-usap kay Rommel. Baka me dapat siyang ipagtapat sa atin. Naniniwala akong isang matalino at matapang na lalaki ang inyong anak. Natitiyak kong di niya pahihintul­utang aapihin siya ng ibang tao. Baka nananahimi­k lang siya sapagkat me sarili siyang binabalak. Kagaya ng panahon, tahimik at maaliwalas muna ang langit bago mananalasa ang bagyo.”

“Parang bagyo nga kapag nagalit si Rommel. Bihira lang siya kung magalit, ngunit dumadagund­ong.”

Napangiti si Lumen. Sa kanya lang yata takot si Rommel. Kaya pinababaya­an lang siya kahit anong kamalditah­an ang gagawin niya.

“Ubusin na po ninyo ang inyong kape at magpahinga na po kayo. Ako ang bahala kay Rommel,” pagtatapos ni Lumen sa kanilang usapan.

Isang hakbang ang naisip gawin ni Lumen. Isang marahas na hakbang. Tumindi ang kanyang nais na matuklasan kung ano ba talaga ang nangyayari ngayon sa pagitan nina Rommel at Brigida. Para sa ikabubuti ni Rommel, wala siyang di kayang gawin. Ibang klase nga naman pala siya kapag umiibig. Sa umpisa’y dadabog-dabog. Ngayo’y hahabol-habol.

NANG magsara ang restoran ng mga alas diyes ang gabi’y tinawagan sa selpon ni Lumen si Boy Batman. Maaga sila nagsasara kapag araw ng Linggo. “Boy, maghanda ka, magkikita tayo ngayon din,” ani Lumen. “Aba, nakakagula­t ka, a. Doon ba sa pansiteria ni Tekwa?” usisa ni Boy.

“Hindi.” “E, saan?” “Doon sa Blue Heaven Club. Nais kong makausap si Brigida, face to face.”

“Ano? Aba, delikado para sa ‘yo. Isa ka pa namang babae.”

“Mahina pala ang tingin mo sa akin. Marami na rin akon tinadtad na laman.” “Laman ng ano, ng tao?” “Laman ng baka at baboy. Di ba kusinera ako? Huwag kang magalala, Boy. Ako ang bahala. Tumabi ka lang at maghanda. Huwag kang magpahalat­ang magkakilal­a tayo. Magbantay ka lang, baka magwawala si Brigida.” “Bakit siya magwawala?” “Sapagkat kapag di ko magustuhan ang mga isasagot niya sa mga itatanong ko’y baka malamukot ko ang kanyang pagmumukha.”

Pinawisan din si Boy Batman sa kanyang narinig mula kay Lumen. Bigla nga yatang tumapang itong kanyang bossing. Dahil ba sa lalaking nasa ID picture na kamukha ni Dennis Trillo? May hinala nga siyang may relasyon ang dalawa. Ang pag-ibig nga naman, malaki ang magagawa upang magbago ang isang tao.

“Sige, Bossing. Mauna na ako roon. Ngunit magdadala ako ng mapagkatiw­alaan kong tao. Mahirap nang walang kasangga kapag nagkarambu­lan.” “Sinong isasama mo?” “Si Boy bak-ap.” “Ah, akala ko si Boy takbo. Sige.”

MGA alas onse na ng gabi nang tumigil ang taksi na sinakyan ni Lumen sa harap ng The Blue Heaven Club. Kaagad na binayaran niya ang driver at lumabas sa sasakyan. Di muna siya kaagad na pumasok. Tumayo muna siya sa intrada ng klab. Nagpalinga­linga. Mukhang marami ang mga customer. Mukhang magulo.

At lumakad na si Lumen papasok sa klab.

(ITUTULOY)

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines