Liwayway

Da Best Ka Talaga! (2)

- Armando T. Javier

(HULING BAHAGI)

TUMATANAW ng utang na loob sa kanya si Julie, naisaloob ni Miyo. Natutukso man, pinigilan niya ang sarili, muling nagpaalam kay Julie. Nasa likod ng isip niya na kung doon siya matutulog, baka malaman ng pamilya ni Architect Timbang na hindi siya umuwi kagabi at maghinala na naman. May atraso pa siya sa pamilya ng arkitekto nang mag-eskandalo si Flora, ang misis niya, dahil nahuli siyang may kasamang babae sa tinutuluya­n niyang silid sa compound.

“Wala ba ‘kong gud nayt kis?” sabi niya kay Julie nang magpaalam.

Humarot ang mga mata ni Julie, nagpalinga-linga kahit sila lamang namang dalawa ang nasa loob ng apartment. “Sige.” Inialok nito ang pisngi. Dinukwang ni Miyo, kinudlitan ng halik sa sulok ng labi.

Muling humarot ang mga mata ni Julie. Pinisil niya ang palad ng saleslady bago lumabas sa pinto. “Sa uulitin…” “Oo, ba!” Nakainom man, tila tinedyer na sinagot ng nililigawa­n ang pakiramdam ni Miyo.

Iyon ang simula. Kung nakakalibr­e siya sa mga obligasyon niya sa among arkitekto, sa mall na ang tuloy niya, hihintayin­g lumabas si Julie o kundi man ay sasabayan ito sa pagmemerye­nda o sa paghahapun­an. Tumatagal ay natutuklas­an niyang walang boyfriend si Julie. Bakit wala siyang nakakasaba­y na sumusundo rito kung uwian? O wala siyang dinadatnan na naghihinta­y o dumadalaw rito sa apartment? Ikinasiya ni Miyo na wala siyang karibal kay Julie.

Kung paano naging sila, nangyari isang gabi. Sinundo niya sa supermarke­t si Julie, at habang naghahapun­an, patinginti­ngin sa kanya si Julie, pangiti-ngiti.

Naasiwa siya. “Bakit? Me dumi ba ‘ko sa mukha?” “Wala. M-Me sorpresa ako sa ‘yo…” “S-Sorpresa? Ano?” “Mam’ya na. Kaya nga sorpresa…” Nagkunot-noo siya. Habang pauwi sa apartment nito, nanghuhula pa rin siya kung anong sorpresa ang tinutukoy ni Julie. Apartment. Bukas ang ilaw sa loob, agad na napansin ni Miyo. Ikinagulat niya

 ??  ?? Naglunoy sila, naghabulan sa tubig. Parang batang nagtititil­i si Julie tuwing bubuhatin niya at ihahagis sa tubig.
Naglunoy sila, naghabulan sa tubig. Parang batang nagtititil­i si Julie tuwing bubuhatin niya at ihahagis sa tubig.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines