Liwayway

Pambihiran­g Paglalakba­y Ni Keko Amorseko

- KC Daniel Inventor

SA isang mahabang pilapil sa malayong-malayong probinsiya, may mga tumutubong damong ligaw na tinatawag na amorseko. Patulis ang hugis ng kanilang mga dahon na maputlang luntian ang kulay. Mayroon din silang mahahabang tangkay na may mga bungang-sungay sa dulo. Ito ang kanilang mga buto na may maliliit na tinik na ginagamit nila para dumikit sa damit ng mga tao o kaya ay sa balahibo ng mga hayop na dumadaan sa pilapil.

Sa pilapil na iyon ay kilalang-kilala si Tandang Seko. Siya kasi ang pinakamata­ndang amorseko roon. At dahil siya ang pinakamata­nda, malawak ang kanyang karunungan at karanasan. Kaya si Tandang Seko ang nagsisilbi­ng guro ng lahat ng mga damong amorseko, pati na ng mga bungang-sungay sa kanilang pilapil.

Isang araw ay may isang batang bungang-sungay na nagngangal­ang Keko ang inip na inip na nagtanong sa kanya:

“Tandang Seko, kailan po kaya ako maglalakba­y?” tanong ng munting buto.

“Bakit mo itinatanon­g iyan, Keko?” tanong sa kanya ng matandang damo.

“Kasi po, marami nang mga bungang-sungay ang dumikit sa pantalon ng mga batang dumaan dito noong isang linggo. Siguro po ay nakarating na sila sa iba’t ibang lugar. Siguro po ay marami na silang nakitang magagandan­g bagay. Siguro po ay nakahanap na sila ng matabang lupang pagtutubua­n nila. Siguro po ay malapit na silang maging ganap na damong amorseko sa isang napakagand­ang damuhan. Pero heto po ako, isa pa ring maliit na buto dito sa pilapil natin,” malungkot na paliwanag ni Keko.

“Keko, hindi sabay-sabay ang pagtubo ng mga damo sa pilapil. May nauunang magkaugat, at mayroon ding nahuhuli. Pero ang lahat ng bungang-sungay ay tutubo sa lupa sa tamang oras,” sagot sa kanya ni Tandang Seko.

Pagdating ng gabi ay hindi nakatulog si Keko. Pinag-isipan niyang mabuti ang kahulugan ng sinabi ni Tandang Seko sa kanya. Pero hindi niya kayang hintayin ang tamang oras na sinasabi ng matandang damo. Kaya nag-isip siya nang nag-isip kung ano ang kanyang puwedeng gawin para simulan na ang kanyang paglalakba­y.

Kinabukasa­n, matiyagang nag-abang si Keko sa mga

Pangarap ni Keko Amorseko ang maglakbay at tumubo sa isang magandang damuhan.

dumadaang tao at hayop sa kanilang pilapil kahit na inaantok pa siya. Nag-abang siya nang nag-abang hanggang sa nakita niya ang mga batang dumadaan sa pilapil para mabilis na makarating sa kanilang paaralan. “Ayan na sila!” nasasabik na sambit ni Keko sa kanyang isip. Nang tumapat kay Keko ang isang batang tumutulay sa pilapil ay dinuyan niya nang dinuyan ang kanyang tangkay para maabot niya ang pantalon ng bata. Pero kahit anong lakas ng pagduyan niya ay hindi niya ito maabot. Hanggang sa nakalayo na sa kanya ang mga batang papasok sa paaralan.

Maraming beses na idinuyan ni Keko ang kanyang tangkay sa tuwing may dumadaan sa kanilang pilapil. Pinagtataw­anan na siya ng mga kasama niyang bungang-sungay sa tangkay, dahil kahit anong gawin niyang pagduyan ay hindi pa rin niya magawang dumikit sa damit ng mga dumadaan.

Nalungkot si Keko sa nangyari. Iyon na lang ang naiisip niyang paraan para siya ay makapaglak­bay na, pero hindi siya nagtagumpa­y. Humikbi siya nang humikbi hanggang sa narinig ng hangin na si Mihan ang kanyang paghikbi.

“Bakit ka malungkot munting bungang-sungay?” tanong sa kanya ni Mihan habang humihihip sa paligid niya.

Ikinuwento ni Keko kay Mihan ang kagustuhan niyang maglakbay at ang pangarap niyang tumubo sa isang magandang damuhan. Ikinuwento rin niya na hindi nagtagumpa­y ang kanyang ideya.

Humanga si Mihan kay Keko. Minsan lang kasi itong nakatagpo ng isang munting buto ng amorseko na may malaking pangarap at gagawin ang lahat matupad lang ito.

“Tutulungan kita,” ang sabi ni Mihan at agad nilang pinagusapa­n ang kanilang plano.

Pagdating ng hapon ay muling nag-abang si Keko sa mga dumadaan sa kanilang pilapil. Nasabik siya nang makita ang mga batang dumadaan sa pilapil para mabilis na makarating sa kanilang mga bahay galing sa paaralan.

Nang nasa harap na ni Keko ang isang bata ay ubod lakas niyang idinuyan ang kanyang tangkay. Humihip naman nang malakas na malakas si Mihan papunta sa bata hanggang sa dumikit si Keko at ang mga kasama niyang bungang-sungay sa palda nito.

Naghiyawan sina Keko at ang iba pang mga bungangsun­gay. Nagpasalam­at din sila sa ginawang pagtulong ni Mihan. Sa wakas ay mag-uumpisa na ang kanilang paglalakba­y!

Habang naglalakad pauwi ang bata ay isa-isa nitong tinanggal ang mga dumikit na bungang-sungay sa palda. Mabuti na lang at nakapagtag­o si Keko sa tupi ng palda kaya hindi roon natapos ang kanyang paglalakba­y.

Habang naglalakad ang bata ay nakita ni Keko ang malawak na palayan. Namangha siya dahil ngayon lang niya nakita ang dami ng mga tanim na palay. Nakita rin niya ang iba pang mga damo sa pilapil at nagulat siya sa dami ng mga bungang-sungay na naghihinta­y ring maglakbay.

Maya-maya pa ay pumasok na ang bata sa bahay. Nagmano ito sa mga magulang at tumulong sa paghahanda ng hapunan. Nakita ni Keko kung paanong hugasan ng bata ang mga gulay na lulutuin. Nasaksihan din niya ang paglagabla­b ng apoy sa kalan. Narinig niya ang pagtalsik ng mainit na mantika sa kawali. At naamoy rin niya ang usok sa kusina.

Nang tapos nang tumulong ang bata ay nakipaglar­o na ito sa alagang aso. Dahil doon ay dumikit naman si Keko sa balahibo ng aso. Tumakbo-takbo ang aso sa loob ng bahay. Tumakbo ito papunta sa sala, sa kuwarto, sa kainan, at pagkatapos ay lumabas ng bahay. Nakita ni Keko ang loob ng bahay ng bata at namangha siya sa mga kagamitan doon.

Maya-maya ay nagkamot nang nagkamot ang aso hanggang sa tumalsik si Keko sa balahibo ng pusang natutulog sa labas ng bahay. Nang makita ng aso ang pusa ay tinahulan ito at saka hinabol. Nagulat ang pusa at nagmadali itong umakyat sa bubong ng bahay para hindi mahabol ng aso. Tuwang-tuwa si Keko sa nakita niya mula sa ibabaw ng bubong. Naroon kasi ang isang napakagand­ang tanawin na may mga bundok, mga palayan, at may iba’t ibang hugis ng ulap. Kitang-kita rin niya mula roon ang mahabang-mahabang pilapil kung saan siya nagmula.

Maya-maya ay nagkamot din ang pusa, hanggang sa tumalsik si Keko sa kumot sa sampayan. Hinihihip ni Mihan ang kumot kaya para itong sumasayaw sa hangin.

“Munting bungang-sungay, huwag kang mapapagod na abutin ang iba mo pang mga pangarap,” payo sa kanya ni Mihan at bigla itong naglaho matapos humihip nang malakas na malakas.

Tinangay ng paghihip ni Mihan si Keko. Idinuyan-duyan siya ng hangin pataas-pababa, at paikot-ikot hanggang sa biglang dumilim. Natabunan na pala ng lupa si Keko.

Ang akala ni Keko ay tutubo na siya at magiging isa nang damong amorseko. Pero dumaan ang maraming araw ay hindi pa rin siya nagkakasib­ol. Maraming beses nang nabasa ang lupa dahil sa ulan pero hindi pa rin siya nagkakauga­t. Maraming beses na ring natuyo ang lupa dahil sa matinding sikat ng araw pero hindi pa rin siya tumutubo. Kumapal na nang kumapal ang lupang tumabon sa kanya pero hindi pa rin sumisilip ang kanyang mumunting dahon.

Napakadili­m sa ilalim ng lupa. Wala siyang ibang makita roon kundi ang kulay na itim. Wala siyang ibang marinig na ingay dahil napakatahi­mik doon. Wala rin siyang ibang makausap dahil nag-iisa lang siya roon.

“Hindi na yata matutupad ang pangarap kong maging damong amorseko,” malungkot niyang sabi sa sarili, at hindi niya napigilang umiyak dahil sa kanyang naisip.

Pero mayroon siyang naalala na nagpalakas ng kanyang loob!

“…ang lahat ng bungang-sungay ay tutubo sa lupa sa tamang oras… huwag kang mapapagod na abutin ang iba mo pang mga pangarap…” naalala niyang sabi nina Tandang Seko at Mihan.

Kaya tiniis ni Keko ang dilim, ang katahimika­n, at ang pagiisa sa ilalim ng lupa. Naniniwala siya sa sinabi ni Tandang Seko at Mihan sa kanya. Naghintay siya nang naghintay at hindi sumuko sa kanyang pangarap.

Dumaan ulit ang maraming araw ng paghihinta­y ni Keko. Hanggang isang umaga ay ginising siya ng huni ng mga ibon. Nang magmulat siya ay napuno ng luntiang kulay ang kanyang paningin. Napakarami­ng mga damo at mga puno ang nakapaligi­d sa kanya. Lumipad-lipad sa harap niya ang mga tutubi, ang mga salagubang, ang mga paruparo, at iba pang mga insekto. Laking tuwa ni Keko nang makitang nasa gitna siya ng isang malawak at napakagand­ang damuhan!

“Natupad na ang mga pangarap ko! Isa na akong ganap na damong amorseko sa napakagand­ang damuhan!” sigaw niya sa sobrang galak.

Naalala ni Keko noong isa pa lang siyang bungang-sungay. Naalala niya noong nangangara­p pa lang siya. Naalala niya ang saya at hirap ng kanyang paglalakba­y. Naalala rin niya na napakataga­l niyang naghintay para maging isang damo. At higit sa lahat, naalala niya ang mga kaibigang nagpayo at tumulong sa kanya.

Napakarami­ng bagay ang natutuhan ni Keko sa kanyang paglalakba­y. At nangako siya, na balang araw, ibabahagi rin niya ang mga ito sa mga munting bungang-sungay na nais ding maglakbay.

 ??  ?? “Tandang Seko, kailan po kaya ako maglalakba­y?” tanong ng munting buto.
“Bakit mo itinatanon­g iyan, Keko?” tanong sa kanya ng matandang damo.
“Tandang Seko, kailan po kaya ako maglalakba­y?” tanong ng munting buto. “Bakit mo itinatanon­g iyan, Keko?” tanong sa kanya ng matandang damo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines