Liwayway

Sofia Andres, Na-Trauma Sa Mga Intriga Sa Showbiz!

- Nonie V. Nicasio

HINDI itinanggi ng Kapamilya aktres na si Sofia Andres na matindi ang naging epekto sa kanya ng mga naranasang intriga sa mundo ng

showbiz. Ayon sa kanya, may trauma na siya sa pakikitung­o sa ibang miyembro ng

entertainm­ent press dahil sa mga sumulpot na isyu na naglagay sa kanya sa alanganin.

Aminado rin ang aktres na minsan na raw sumagi sa isip niya ang tumigil na sa

pag-aartista dahil sa dami ng mga intriga at isyung ibinabato sa kanya.

Esplika niya, “Dumaan ako sa point na sinabi ko sa sarili ko na, ‘Itutuloy ko pa ba?’ Kasi parang nakaka-torture. Iniisip ko na lang na, what more iyong mga veterans, what more ‘yung mas mga sikat, they’re experienci­ng much

worse na pamba-bash.” Ngunit dahil sa hilig talaga niya ang pag-aartista, kaya mas nanaig sa kanya ang sundin ang hilig sa pag-arte. “Kaya siguro ako, hangga’t kaya pa, mananatili ako sa showbiz.”

Aminado rin ang 19 year old na aktres na nagkaroon siya ng trauma sa ibang member ng entertainm­ent press. Naiilang na raw si Sofia kung sino ang babatiin niya at kung ano ang dapat niyang magalaw sa mga showbiz event. Dahil kahit ano raw ang gawin niya, ay may nasasabi pa ring negative hinggil sa kanya. Kabilang na ang ilang netizens na lagi rin siyang binibiktim­a ng pamba-bash sa social media.

“Naiilang na nga po ako kung sino ang babatiin ko. Siyempre

I need to say hi, but of course, baka at the back of their mind, isipin nila, totoo ba ito?’” paliwanag niya. Nabanggit pa ni Sofia na niniwala naman daw siya na good

or bad publicity is still publicity. Pero ang mas tumatatak nga lang daw sa mga tao ay ang mga negative na nababasa ukol sa kanya.

“Opo, sabi ng manager ko. Pero sa mga tao kasi, ang tumatatak po ay ang mga negative like, ‘Maganda lang iyan pero masama ang ugali.’”

Maraming mga isyu ang ipinupukol kay Sofia, kaya parang nasanay na rin daw siya lalo’t walang Facebook account ang aktres. Kabilang daw sa mga hindi kanais-nais na banat sa kanya ay ang tawagin siyang maldita at suplada.

Noon daw ay nasasaktan siya sa ganitong mga sinasabi sa kanya, pero katagalan ay parang naging manhid na siya. Hindi na rin daw siya pumapatol sa bashers, ang ginawa na lang niya noon ay i-block ang mga ito.

Pero ngayon daw, mas napag-isip-isip niya na i-delete na lang ang mga ito para hindi na siya nagsasayan­g daw ng oras.

Nang usisain pa namin kung nag-e-effort ba siya para maalis ang kanyang maldita image, sinabi ng aktres na parang hindi na niya alam kung saan siya dapat lumugar talaga o kung ano ang pinakamaga­ndang dapat niyang gawin. Tugon ni Sofia, “Kapag nag-effort naman po, sasabihin nila

plastic. Kapag hindi naman, sasabihin nila na suplada. Kaya, parang I just let them say na lang what they want to say.

“’Tsaka nako-concious po kasi ako, kasi parang kaunting galaw ko lang, may masasabi pa rin sila, kaya I just act normal na lang po,” pakli pa niya. Hiningan din namin siya ng mensahe para sa kanyang haters at

bashers, pati na rin sa mga taong walang sawang sumusuport­a sa kanya. Panimula ni Sofia, “Oh my God! Hindi ko alam. Siguro, peace na tayo, just love not war,” nakatawang deklara niya.

Dagdag pa ng dalaga, “I just don’t understand kung bakit may mga ganoon pang tao, parang namomroble­ma pa sila kung ano iyong nandiyan. Try to be positive all the time na lang sana, ‘yun na lang sana.”

Saad pa niya, “Thank you so much. Lagi nilang naiintindi­han kung ano ‘yung mga nagagawa ko and my achievemen­ts,

thank you to them,” mensahe naman ni Sofia sa mga taong sumusuport­a at patuloy na naniniwala sa kanya.

Sa ngayon, after ng seryeng Bagani na tinatampuk­an nina Liza Soberano at Enrique Gil, nagpapahin­ga muna siya. Pero paglipas daw ng ilang buwan ay maghahanda na ulit magtrabaho si Sofia. May bagong proyekto raw na niluluto sa kanya, ngunit hindi pa niya puwedeng sabihin ang detalye nito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines