Liwayway

Agrikultur­a

- Zac B. Sarian

NADISMAYA kami noong Mayo 26 nang marinig namin sa radyo na ang kamatis ay ibinebenta sa merkado sa Maynila sa halagang P80 bawat kilo. At lalo na nang pumunta kami sa supermarke­t at nakita namin na ang 5 piraso na nasa maliit na plastik ay may presyong P8.

Bakit kami nadismaya? Kasi noong Mayo 24, namasyal kami sa bulubunduk­ing bahagi ng Liliw, Laguna na maraming gulay ay itinatanim doon. Maganda ang produksiyo­n doon sapagkat medyo malamig ang temperatur­a. Hindi man sinlamig ng Baguio pero napakagand­a sa pagtatanim ng mga gulay.

Labis talaga ang pagkadisma­ya namin noong makita namin ang presyo ng kamatis na ibinebenta sa supermarke­t. Doon kasi sa farm sa Liliw, marami ang magaganda pang bunga ang itinatapon. Maliliit nga lamang, siguro 30 hanggang 40 gramo ang isa pero mahusay pang

gamitin sa pagluluto.

Nakakadism­aya ang nakita namin doon sapagkat ang katumbas ng ibinebenta ng P80 sa Kamaynilaa­n ay binibili lamang ng mga biyahero ng P6 hanggang P8 ang isang kilo. Ito ang mga tumitimban­g ng 50 hanggang 60 gramo ang isa. Ang mas maliliit ay binibili lamang ng mga biyahero ng P4 bawat isang kilo. Ang siste, hindi naman nabibili ang karamihan kaya itinatapon na lamang.

Nalulugi ang marami sa mga magsasaka ngayon sapagkat mahal ang gastos sa pagtatanim ng kamatis. Mahal ang binhi ng mga hybrid kagaya ng Diamante Max ng East-West. Kailangan pang pantukod (trellis) sa mga halaman sapagkat tumataas ang mga tanim. Mahal din ang mga pamuksa sa mga insekto, ang mga pataba at pati rin ang trabahador. Noong araw, P200 lamang ang pasuweldo sa isang araw. Ngayon ang suwelduhan ay tig-P300 na ang isang araw o mahigit pa.

Ang paghahakot ng mga pinitas na kamatis ay magastos din. Karamihan na ginagamit panghakot ay kabayo na may sakay na dalawang kaing na naglalaman ng 80 kilo bawat isa. Kumikita ang may mga kabayong panghakot sapagkat sila ay binabayara­n ng piso bawat kilo. Ang isang magkakabay­o ay maaari raw bumiyahe ng walo hanggang sampung beses sa isang araw.

Totoo naman daw na hindi naman laging nalulugi ang mga nagtatanim ng kamatis. May mga panahon na ang isang kilo ng kamatis ay umaabot sa isang daan piso o mahigit pa. Nangyayari ito kung ang mga suplay mula sa ibang lugar kagaya sa Benguet o di kaya sa Mindanao ay kakaunti dahil sa iba’t ibang dahilan kagaya ng masamang panahon, pagatake ng peste at sakit, at iba pa.

Ang mga kumikita sa pagtatanim ng kamatis ay iyong nakapagpap­alusot sa panahon ng tag-ulan at naibebenta nila ang kanilang ani sa buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre. Mula sa katapusan ng Enero hanggang Mayo, marami na ang suplay at karaniwang bumabagsak ang presyo.

Mayroon naman kaming nakilala sa pagbisita namin sa Liliw na marunong umiwas sa pagkalugi sa paggugulay. Kagaya halimbawa ni Victor Arvisu ng Brgy. Luquin. Pagkatapos malugi sa dalawang magkasunod na taon, iba na ang kanyang itinatanim sa inuupahang lupa. Ayon sa kanya, mas sigurado ang kita niya sa pagtatanim ng labanos, repolyo, pipino at ampalaya. Sa isang ektaryang tinamnan niya ng ampalaya noong nakaraang Nobyembre, nakapitas siya ng 8,000 kilo na naibenta niya sa halagang P25 hanggang P55 ang bawat kilo. Malaki ang kanyang ganansiya sapagkat P140,000 lamang ang kabuuang ginastos niya sa pagtatanim hanggang pag-aani.

Buweno, dapat matuto rin ang iba pang nalulugi sa pagtatanim ng kamatis. Isipin nila kung ano pa ang maaari nilang pagkakitaa­n.

 ??  ?? Kabayo ang ginagamit na panghakot ng kamatis sa kabundukan na hindi maabot ng sasakyan. Ang mga hinog na kamatis ay itinatapon na lang dahil hindi binibili ng mga biyahero. Bumibili sila ng tig-P4 bawat kilo pero dahil hindi nila kayang bilhin lahat kaya itinatapon na lang.
Kabayo ang ginagamit na panghakot ng kamatis sa kabundukan na hindi maabot ng sasakyan. Ang mga hinog na kamatis ay itinatapon na lang dahil hindi binibili ng mga biyahero. Bumibili sila ng tig-P4 bawat kilo pero dahil hindi nila kayang bilhin lahat kaya itinatapon na lang.
 ??  ?? Si Sac B. Sarian kasama ang magasawang nagkaklasi­pika ng kanilang mga aning kamatis.
Si Sac B. Sarian kasama ang magasawang nagkaklasi­pika ng kanilang mga aning kamatis.
 ??  ?? Ang mga hindi mabiling bunga dahil maliit pero puwede pang pagkain ay itinatapon na lamang.
Ang mga hindi mabiling bunga dahil maliit pero puwede pang pagkain ay itinatapon na lamang.
 ??  ?? Matataas ang mga kamatis sa Liliw dahil sa maganda ang klima.
Matataas ang mga kamatis sa Liliw dahil sa maganda ang klima.
 ??  ?? Ang malawak na taniman ng kamatis sa Liliw, Laguna. Sa tatlong barangay ay may 360 ektaryang tinatamnan ng iba’t ibang gulay.
Ang malawak na taniman ng kamatis sa Liliw, Laguna. Sa tatlong barangay ay may 360 ektaryang tinatamnan ng iba’t ibang gulay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines