Liwayway

Magluto Tayo

- Mareng Lena

MAGLUTO TAYO

BAHAGI ng menu ang panghimaga­s (dessert). Magluto o maghanda na tayo ng ilang recipe na magagamit nating pag-alis ng umay.

BANANA CHIPS

MGA SANGKAP: 6 na saging (saba), balatan at hiwain nang maninipis 1 kutsaritan­g asin 2 kutsarang asukal

BPARAAN NG PAGLULUTO:

UDBURAN ng asin at asukal. Pagkatapos ay prituhin hanggang ang saging ay bahagyang lumutong. Ilang saglit lang ay ready to serve na!

BANANA SPECIAL

MGA SANGKAP: 8 latundang saging, balatan 1 pula ng itlog 1 maliit na lata ng pineapple chunks ½ puswelong gatas evaporada 5 kutsarang mantikilya 6 kutsaritan­g cornstarch, lusawin sa kaunting tubig Asukal, ayon sa kagustuhan­g tamis

PARAAN NG PAGLULUTO:

IBABAD ang saging sa pineapple juice. Sa paghahain, ayusin sa platito ang isang saging at pineapple chunks. Paibabawan ng cream. *Pagawa ng cream: Paghaluin ang lusaw na mantikilya, pula ng itlog at gatas. Palaputin sa pamamagita­n ng cornstarch.

GINATAANG KAMOTENG KAHOY

MGA SANGKAP: 1 kilong kamoteng kahoy, balatan at hiwain nang bite-size 2 niyog, kudkurin 1 puswelong pinipig, ibusa Asukal, ayon sa inyong panlasa

PARAAN NG PAGLULUTO:

TUBIGAN ang niyog (1 puswelong tubig). Gatain ito at salaing mabuti. Timplahan ng asukal ayon sa nais na tamis. Huling ilahok ang pinipig. Palamigin sa refrigerat­or bago i-serve. (Paalaala: Kailangang malinis ang kakanggata at iba pang sangkap. Pagkat hindi na ito dadaan sa apoy o lulutuin) Enjoy!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines