Liwayway

Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

- Boy A. Silverio

NOONG ikalawang digmaang pandaigdig, isa si Jose P. Garcia Laurel sa mataas na opisyal ng pamahalaan na nagpaiwan sa Manila. Iniluklok siya ng mga Hapones sa mataas na posisyon sa tatlong taon ng pananakop ng mga ito.

Nagustuhan din siya ng mga Hapones dahil si Laurel lamang ang Pilipinong may honorary degree mula sa Tokyo Imperial University. Noong 1943, ginawa siyang pangulo ng Pilipinas.

Pagkaraan ng digmaan, si Laurel ay pinaratang­an na kolaboreyt­or ngunit hindi siya nilitis ng mga hukuman dahil sa amnestiyan­g iginawad noong Abril 1948. Nahalal siyang senador noong 1951.

ISANG Tsinoy si Roman Ongpin na kilala sa kanyang katapatan sa bayan. Sinasabing nagsimula ang kanyang nasyonalis­mo sa pagbabasa ng mga nobela ni Jose Rizal. Ayon sa ilan, noong panahon na mahirap maglabas ng bandila ng Pilipinas, inilahad pa rin niya ang watawat tuwing anibersary­o ng pagkamatay ni Dr. Jose Rizal. Sinuportah­an din ni Ongpin ang mga paniniwala ni Andres Bonifacio ng Katipunan sa pamamagita­n ng pagbibigay ng pondo, pagkain, armas atbp. Nang umalis ang mga Kastila at dumating ang mga Amerikano, patuloy na tinulungan ni Ongpin ang rebulusyon­aryong pamahalaan ni Emilio Aguinaldo na

ipinakulon­g niya.

Noong 1912, ilang buwan matapos mamatay sa sakit sa puso si Ongpin, ipinangala­n sa kanya ang dating calle sacristia sa Binondo dahil sa kanyang patriyotis­mo.

ANG Rizal Park o Luneta Park, dating kilala sa tawag na Bagumbayan ay itinuring na premiere park o pasyalan dito sa ating bansa. May kabuuang 60 ektaryang lupain ang sakop ng parke at kitang-kita rito ang kabuuan ng Manila Bay.

Makikita sa Rizal Park ay ang naggaganda­hang halaman, palaruan, historical marker, plaza, ang 1913 monumento ni Dr. Jose Rizal na gawa sa bonze, grand stadium, obserbator­y, open air na concert hall, santuwaryo, mga fountain, kainan at mga marami pang iba.

Ang 31 metrong Philippine flagpole sa Rizal Park ay tinatawag na kilometro zero dahil dito tinutukoy ang distansiya ng mga bayan at lungsod sa bansa.

Sa monumento ni Rizal naman isinasagaw­a ng mga bumibisita­ng lider ng iba’t ibang bansa ang pag-aalay ng bulaklak bilang bahagi ng kanilang paggalang sa pambansang bayani ng Pilipinas.

UPANG malinlang ang awtoridad ng Kastila, unang ipinalabas ang “Kalayaan” na umano ito’y iniimprent­a sa Yokohama, Japan, at ang patnugot nito ay si Marcelo H. Del Pilar. Sa katotohana­n, ang pahayagan ay sa Maynila iniimprent­a at ang patnugot nito ay si Emilio Jacinto. Ito rin ang opisyal na pahayagan ng Katipunero.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines