Liwayway

Astrolohiy­a

- Madame Sharona

H APPY BIRTHDAY: Samantalah­in mo ang pagkakatao­ng dumarating sa iyo. Maging higit kang masikap upang makamit mo ang lahat ng ninanais mo. C ANCER (Hun. 21-Hul. 20) Tinitingna­n munang mabuti ng matinong tsuper ang buong sasakyan bago gamitin. Huwag kang magmadali sa ngayon pag aralan mo muna ang iyong mga plano. Lucky days: Wednesday & firday. Lucky nos. 11-29 & 08. L EO (Hul. 21-Agos. 20) Nahulog sa lupa ang unggoy dahil hindi niya pinili ang matibay na sangga. Ikaw ay pinapayuha­n na ang dapat mong mahalin ay ang yaong handa kang ipaglaban habambuhay. Lucky days: Thursday & Sunday. Lucky nos. 35-10 & 22. V IRGO (Agos. 21-Set. 22) Hindi problema ng daga ang malaking pader na nakaharang sa kanyang daraanan. Ikaw ngayon ay isang daga, walang suliranin na hindi mo kayang lusutan. Lucky days: Saturday & Tuesday. Lucky nos. 15-30 & 07. L IBRA (Set. 23-Okt. 22) Anuman ang tumataaas, bumababa rin . suriin mo ang buhay mo ngayon. Totoo ba ang sabi ng iba na sobrang mataas ka na? Kung oo, magbago ka! Lucky days: Monday & Friday. Lucky nos. 09-13 & 19. S CORPIO (Okt. 23-Nob. 22) Hangga’t maaari sa magandang sasakyan sumasakay ang mga estudyante. Dapat ay ganoon ka rin, kung ano ang maganda, iyon din ang piliin mo para mabuhay ka. Lucky days: Wednesday & Saturday. Lucky nos. 10-11 & 14. S AGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 22) Huli na bago mo maalala na ikaw rin pala ay nangangail­angan. Ibig sabihin, uunahin mo ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa iyong sarili. Lucky days: Monday & Thursday. Lucky nos. 31-35 & 32. C APRICORN (Dis. 23-Ene. 19) Tatakas sa iyong harapan ang mga problemang hindi naman ikaw talaga ang may gawa. Pero ang mga aral sa buhay na iyong nakuha ay panatilihi­n mo sa iyong alaala. Lucky days: Sunday & Fiday. Lucky nos: 16-30 & 21. A QUARIUS (Ene. 20-Peb. 19) Talo ka kahit na iyong napasunod ang isang tao. Panalo ka kapag hinayaan mo lang siya na sumunod sa iyong mga kagustuhan. Lucky days: Monday & Wednesday. Lucky nos. 20-27 & 39. P ISCES (Peb. 20-Mar. 19) Malulungko­t ka ngayon pero panandalia­n lang dahil ang mismong mahal mo ay gagawa ng espesyal na paraan upang maglaho ang iyong kalungkuta­n. Lucky days: Thursday & Tuesday. Lucky nos. 26-33 & 39. A RIES (Mar. 20-Abr. 19) Hindi mo na maaari pang ibalik ang nakaraan. Kung may pinagsisih­an ka man sa mga nagawa mo noon ay ang pagpapabut­i sa mga gawain mo sa kasalukuya­n ang siyang pinakamain­am na hakbang. Lucky days: Monday & Wednesday. Lucky nos. 06-19 & 23. T AURUS (Abr. 20-Mayo 20) Sa umaga kapag sobrang mainit ang panahon ay malakas ang ulan sa hapon. Huwag magtiwala sa mga taong sobrang nagpapakit­a sa iyo ng maganda, pupuwerhuw­isyuhin ka lang nila. Lucky days: Friday & Sunday. Lucky nos. 33-11 & 29. G EMINI (Mayo 21-Hun. 20) Hinahamon ng kuneho ang buwan sa langit na ipakita kung sino ang tunay na nagmamahal sa kanya. Mula sa araw na ito ay mapapanagi­nipan mo ang taong itinakda para sa iyo. Lucky days: Thursday & Saturday. Lucky nos. 18-24 & 11.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines