Liwayway

Anne Curtis, Game Nang Magka-Baby!

- Maricris V. Nicasio

IPINAHAYAG ni Anne Curtis na hindi niya pini-pressure ang sarili para magbuntis na. Aminado ang Kapamilya aktres na hindi siya komportabl­eng pinag-uusapan ang ukol sa pagkakaroo­n niya ng anak, ngunit sinagot pa rin niya ang mga nag-uusisang mga miyembro ng press.

Aniya, hindi siya nape-pressure na mabuntis dahil naniniwala siyang kung ibibigay na iyon sa kanila ng mister niyang si Erwan Heussaff, darating at darating daw ang bagay na iyon.

Iginiit pa niyang sakaling dumating na nga ang kanilang magiging panganay ni Erwan, nakahanda naman daw siya. Ayon sa isa sa hosts ng It’s Showtime, “Darating iyan, mas nakaka-pressure siguro kapag tinatanong. Sa ngayon, hindi pa, pero if God gives it at the right time, isa siyang blessing, hindi ba?”

Idinagdag pa ng aktres na hindi rin daw niya binibigyan

ang sarili ng timeline kung kailan siya magbubunti­s. “Wala, I don’t think that something you should put a timeline to, or else, you will pressure your body. Hindi siya something na dapat pinag-uusapan, kasi baka ma-jinx or whatever,” pakli pa ni Anne.

Sinabi rin ni Anne na wala siyang gender preference. Babae man daw o lalaki ang ibigay sa kanila ng Diyos ay ayos lang sa kanya, dahil ang mas mahalaga ay maging okay at malusog daw ang kanilang magiging anak.

Sa ngayon, si Anne ay may pag-aaring KTV bar, na kasosyo niya ang It’s Showtime co-host na si Karylle. Mayroon din siyang sariling beauty line.

Ipinahayag nga ni Anne na ang kanyang pagnenegos­yo ay bahagi na rin ng preparasyo­n niya para sa pagiging isang ina sa hinaharap. “Yes, siyempre kasama lahat iyan. You have to prepare para, hindi ba, when you decide to become a mom or have a family, hindi ka lang mentally stable, you’re also financiall­y stable, kasama iyan lahat.

“I think it comes with age na rin. Instead of buying new shoes, clothes, whatever, iniisip mo, ‘Saan ko puwedeng i-invest?’ Hopefully, I’ll be able to inspire others also na huwag matakot to join different businesses, hindi ba?” esplika ng Kapamilya aktres. Dagdag pa ni Anne, “It’s also good to influence, kasi ‘yung mga fans ko, kasabay ko na ring tumanda ang mga iyan. Okay, aside from fashion-fashion side na mga ano ko, it’s also time for all of us, lahat ng followers ko, we start also taking life seriously and start investing in businesses.”

Ikinasal si Anne at ang mister niyang si Erwan Heussaff sa New Zealand noong November 12, 2017.

Hinggil naman sa kanyang showbiz career, patuloy sa paghataw ang karera ng tisay na aktres. Ang latest movie ni Anne na Sid and Aya (Not a Love Story) ay tumabo na sa takilya ng tumatagint­ing na P65 million pesos sa loob lang ng limang araw.

Ang naturang pelikula na mula sa Viva Films at N2 Production­s ay tinatampuk­an din ni Dingdong Dantes at mula sa pamamahala ni Direk Irene Villamor.

Nakatakda ring mapanood ang 33-year-old na aktres sa pelikulang Buy Bust very soon. Dito’y gumaganap si Anne bilang isang police woman na member ng elite anti-narcotic squad.

Mapapanood dito ang pagsabak niya sa nakagigila­las na mga action scenes.

Sumabak sa matinding preparasyo­n dito si Anne, para mas maging realistic ang pagganap niya bilang isang astig na police woman.

Matitindin­g action ang makikita sa pelikulang ito ni Direk Erik Matti na bukod kay Anne ay tatampukan din nina Brandon Vera, Joross Gamboa, Nonie Buencamino, Victor Neri, Mara Lopez, AJ Muhlach, at iba pa. Kaya hindi dapat palagpasin ang pelikulang ito ni Anne.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines