Liwayway

Paano Kita Mamahalin?

- Ni GILDA OLVIDADO

(IKA-86 NA LABAS)

EMOTIONAL na hinawakan ni Tristan ang mga kamay ni Lorea. “Napakabuti mo. Lorea,

I promise ... kahit iba ang pinakasala­n ko, hindi ko kayo pababayaan ni Anton.”

“Wala na namang problema sa amin, e. Buo ang pagmamahal ng ate at kuya mo kay Anton. At isinasali na nila ako sa buhay nila.”

“Tama. I’m truly happy. At ... ipapakilal­a ka na nila kay Anton bilang tunay na ina.”

Naiyak si Lorea, masayangma­saya. “Sinabi nga sa akin ni Ate Thelma. At iyan ang pinakamaha­lagang blessing sa akin ng Diyos, Tristan. Nawala ka man sa akin, masayangma­saya pa rin ako. Dahil hindi na nawawala sa akin ang anak ko.”

“I’m so happy for you,

Lorea.”

“Salamat, Tristan. Sana nandodoon ka habang ipinagtata­pat nina Ate Thelma at Kuya Dino ang tungkol sa amin ni Anton. Kasi isa ka sa dahilan kaya mangyayari ito.”

Tumango si Tristan. “Yes, Lorea. I’ll be there.”

Hindi man nagkatuluy­an ang pag-ibig, maligaya ang dalawa.

NAKAPAGSIM­BA na ang mag-anak, nakapa-lunch na rin. Saka nagtipon sa salas. Sina Thelma, Dino, Lorea, Tristan at Anton.

“Anak, may sasabihin kami sa iyo ng Daddy mo.” Si Thelma ang nagsimula. “Ano po ‘yon, Mommy?”

Excited si Anton. “Tungkol sa isa mo pang Mommy. Siya talaga ang naglabas sa iyo sa world natin. Siya ang biological mother mo.”

Namilog ang mga mata

Tanggap na tanggap na ni Lorea na hindi talaga sila para sa isa’t isa ni Tristan…

ni Anton. Hindi gaanong maunawaan ang narinig. Pero may natural na kasiyahang sumakop sa bata.

“Kasi ako, Mommy mo rin. Pero ako ang nagpalaki sa iyo hanggang sa lumaki kang ganyan. Kaya nga lang, nandidito na ang Mommy na naglabas sa iyo sa mundong ito, anak. At kailangang makilala mo siya. At malaman ang totoo.”

“Oo nga, Anton. Kasi mahal na mahal ka namin kaya ayaw naming magtago ng katotohana­n sa iyo.” Nagsalita na rin si Dino.

Tahimik lang sina Lorea at Tristan. Masaganang luha ang umaagos kay Lorea. May mga butil din ng luha sa sulok ng mga mata ni Tristan.

“Sige po, sabihin n’yo na po sa akin kung sino pa ang isang Mommy ko. Kasi po, gusto ko po ‘yon na may isa pa akong Mommy.” Nag-iilaw ang mga mata ng bata.

“Kilala mo na siya, anak. Matagal mo na siyang mahal. At mahal na mahal ka rin niya,” nakangitin­g sumagot si Thelma sabay sulyap kay Lorea.

Nag-isip sandali si Anton at biglang tumingin kay Lorea. “Teka lang po, si Tita Lorea po ba ang isa ko pang Mommy? Kaya po mahal na mahal niya ako at mahal na mahal ko naman po siya?”

Luhaang tumango si Thelma. “Siya nga. Wala nang iba. At nakakatuwa nga kasi mahal na mahal na ninyo ang isa’t isa.” Humarap si Anton sa kanyang tunay na ina. Lumuluhang tumatawa si Lorea. Walang mapagsidla­n ng kaligayaha­n. Niyakap niya kaagad ang anak at buong higpit ding yumakap sa kanya si Anton. “Mama Lorea!” “Oh, Anton! I promise anak, pakamamaha­lin kita buong buhay ko!”

Sina Tristan, Thelma at Dino, silang tatlo ay umiiyak. Very emotional ang mga sandali.

GALIT NA GALIT si Anne. Selos na selos. “Ako nga ang pakakasala­n niya pero lagi pa rin siya doon sa mag-inang ‘yon! Kailan ba matatangga­l ang koneksiyon ni Tristan kina Lorea at Anton? Lagi na lamang ba kaming maghihinta­y ng anak ko?” Nagsasalit­ang mag-isa, galit.

Lumapit ang maid. “Ma’m, malamig na po ang nakahaing dinner. Kumain na po kayo, Ma’m, masama po sa buntis ang nagpapagut­om.”

“Punyeta! Napakaatri­bida mo! Tsismosa pa! Paano ako kakain kung wala pa si Tristan? Dapat magkasalo kami sa dinner ng mapapangas­awa ko! Tanga ka! Hindi mo ba alam ‘yon? Itapon n’yo na ang mga pagkain!”

“Ho? Sayang ho! Ilalagay na lang namin sa ref tapos kung gusto po ninyo, iyon na lang ang kakainin namin bukas.”

“Hindi! Dahil atribida ka, hindi ko kayo pakakainin ng masarap kahit hindi na namin kakainin ni Tristan ‘yon!” “Ma’m naman ...” “Umalis ka na! Gawin mo na ang sinabi ko!” “Opo, Ma’m. Opo ...” Para pa ring baliw sa galit at selos si Anne. Tinawagan na naman ang numero ni Tristan. Pero hindi pa rin nagri-ring.

“I’m sure pinatay niya para hindi ko sila maistorbo ni Lorea! Nagpapaala­man pa siguro! Nagdadrama­han! Naghahalik­an! Pinagtatak­silan mo ako, Tristan!”

PINATAY nga ni Tristan ang kanyang celfone para hindi makatawag si Anne.

Dahil ayaw niyang masira ang mga sandali ng maginang Lorea at Anton. Para sa kanya, karapatan ng mag-ina ang magkaroon nang maayos na pag-uusap tungkol sa kanilang tunay na relasyon. Dapat igalang. Siya naman ay buo nang ibibigay ang sarili kay Anne at sa kanilang magiging anak. Kaya dapat lang na kahit man lamang sa mga sandaling ito ay ipahiram niya ang sarili kina Lorea at Anton. Bilang pamamaalam. Bilang huling pagbibigay ng sobrang halaga sa babaeng tunay niyang mahal at sa anak nito.

KINUHA ni Anne ang susi ng van.

“Puwes, susunduin ko siya! Alam kong nandodoon siya sa bahay na kinaroroon­an ni Lorea at ni Anton! Iuuwi ko siya sa aming mag-ina!”

Bumuhos ang malakas na ulan.

Kanina lang ay sobrang dilim lang ang langit.

Habol na naman ang nagmamalas­akit pero atribidang maid kay Anne. “Ma’m, saan kayo pupunta? Bakit n’yo po dala ang susi ng sasakyan?” “At ano na naman ang pakialam mo, ha? Maid ka lang dito!” “Alam ko po. Pero nagmamalas­akit lang naman ho. Grabe ang ulan sa labas, Ma’m, magpatila man lang kayo.”

“Hindi! Kailangang masundo si Tristan! Mga buwisit talaga kayong mga mahihirap, e! Nang-aagaw kayo ng hindi naman kayo karapat-dapat!”

“Ma’m, ano’ng ibig ninyong sabihin? Hindi ko po maintindih­an. Ako po kasi talaga ay nag-aalala lang sa inyo! Hintayin n’yo na lang ho kaya ninyo ang driver na nag-day off, Ma’m?”

“Hindi ako makapaghin­tay! Habang naghihinta­y ako kinakalant­ari ng tulad mong mahirap ang mapapangas­awa ko! At mawawalan ako kung hindi ako kikilos!” At sumugod na sa garahe si Anne. Hindi nagpapigil. Kinalabit ng kusinera ang maid. “Hayaan mo siya. Hindi mo talaga mapipigil ang babaeng selosa! Napakabait naman ni Sir Tristan bakit ayaw niyang pagkatiwal­aan?”

MALIGAYA ang buong pamilya. Lalo na si Lorea. “Kaya mula ngayon, dito ka na talaga sa amin, Lorea. Dahil hindi kayo puwedeng magkahiwal­ay na mag-ina. At hindi rin naman kami makakapaya­g na ilayo mo sa amin si Anton.”

sa inyo si Anton. Kayo rin po ay totoo niyang mga magulang. At mahal na mahal ho niya kayo. Palagay ko hindi talaga siya papayag na hindi lumaki sa inyo.”

“Matutunan natin ang magtulunga­n at magkasundo alang-alang kay Anton, Lorea.” Nagsalita si Dino. “Oho, Kuya Dino. Ganoon ho talaga ang dinadasal ko.”

“Thank you for this. Palagay ko, handa na akong harapin ang sarili kong buhay ngayon na nakikita kong buo na ang inyong pamilya,” sabi ni Tristan na nakangiti. “Tristan, you are still our family. Kayo ni Anne.” Nalungkot si Tristan. “Sana nga ho matanggap din ni Anne

na I can’t leave this family.”

“Just give her time, Tristan. Kung minsan, panahon lang talaga ang kailangan para maayos ang lahat,” sagot ni Dino. “Paglabas ng inyong anak, pusong-ina na si Anne. At ang pusong-ina ay laging marunong nang umunawa.” Nagbigay ng assurance si Thelma kay Tristan.

BLINDING ang lakas ng ulan. Pero walang pakialam si Anne. Nakakalimu­tang buntis siya. Walang pakialam sa kapakanan ng anak. Nanlalabo ang isip sa pagiging makasarili. Panay ang salita, ang pagmumura. “Mga walanghiya kayo! Kahit isang sandaling kaligayaha­n ay hindi kita bibigyan, Lorea! Hindi ako magpapatal­o sa ‘yo! Akin lang si Tristan! Hindi dapat na ang isang timawang tulad mo ay mamamayagp­ag! Makikita mo, ingungudng­od ko ang mahirap mong mukha sa semento para makayod ‘yan!”

May tatawid na matanda na sira-sira ang payong pero sinisikap na hindi siya mapapadapa ng ulan. Nakikita naman ni Lorea ang matanda. Pero ni hindi nagmenor. Wala sa isip ang takot na baka mabunggo niya ito at mamatay. Wala pa ring pakialam sa buhay ng iba. Nabundol ng van ni Anne ang matanda. Humagis ito sa tabing-daan. Dapat ay tumigil na si Anne. Makonsensi­ya. Pero tuloy lang siya sa pagmamaneh­o. Ni hindi natatakot. Sa lakas ng ulan kasi, naisip niyang walang nakakita.

“Gaga kang matanda ka kasi. Bakit di ka muna sumilong? Bakit lakas ng loob mong tumawid? Bakit di ka umatras at tumabi? Di bale na nga, konti na lang panahon mo sa mundo kaya hindi ka na kakulangan mamatay ka man!”

Obsessed kay Tristan. Nawala na sa matinong kaisipan si Anne. Hindi mahal ang anak sa kanyang sinapupuna­n. Ginagamit lang talaga niya ito para makuha si Tristan.

NAGPAALAM na si Tristan sa lahat.

“Doon uli ako matutulog kay Anne. Maselan ang kanyang lagay kasi pregnant. I have to be there for her and my child. Lalo na ngayon, bumabagyo yata. Lakas ng ulan at ang hangin.”

“The weather is really bad. Mag-ingat ka sa pagmamaneh­o, Tristan. It’s okay to be with Anne. Malapit na kayong ikasal at may anak na kayo sa sinapupuna­n niya. So kailangan ka niya,” sagot naman ni Dino.

“Sabihin mo kay Anne na mag-iingat, ha? Hinihintay na rin namin ang pinsan ng mga anak namin.”

“Thanks, Ate Thelma. I’ll tell her. Paano, Lorea, maiiwan ko na muna kayo ni Anton.”

Tanggap na tanggap na ni Lorea na hindi talaga sila para sa isa’t isa ni Tristan. “Maayos na maayos na kaming mag-ina dito, Tristan. Wala ka nang dapat alalahanin. Harapin mo na ang sarili mong buhay.”

(TATAPUSIN)

 ??  ?? “Anak, may sasabihin kami sa iyo ng Daddy mo.” Si Thelma ang nagsimula.
“Ano po ‘yon, Mommy?” Excited si Anton.
“Anak, may sasabihin kami sa iyo ng Daddy mo.” Si Thelma ang nagsimula. “Ano po ‘yon, Mommy?” Excited si Anton.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines