Liwayway

Da Best....

-

ang biglang paghawak ni Julie sa kanyang braso pagsapit sa pinto. Kumatok. Saglit pa’y bumukas ang pinto at sumungaw ang isang babaeng maedad siguro kay Miyo nang mga limang taon.

“Ikaw na pala ‘yan?” sabi ng babae kay Julie, lumingon sa kanya at iniluwang ang bukas ng pinto.

“Si Miyo ho. S’ya ‘yung sinasabi ko sa inyong tumulong sa ‘king magbayad sa renta dito…” Yumukod si Miyo, ngumiti, sa babae. “S’ya ba? Bata pa naman pala.” Binobola siya ng babae, naisip ni Miyo. Nilingon niya si Julie, nagtatanon­g. “Madir ko,” sabi ni Julie. “Magandang gabi ho…” “Magandang gabi rin. Sige, mag-usap kayo.” Iniwan sila at pumasok sa silid. Napansin ni Miyo na may dalawa nang silyang plastik, gamit at makutim na, ang nasa salas. Pinagtig-isahan nila ni Julie.

Humilig si Miyo kay Julie, bumulong. “Ba’t ‘andito’ng nanay mo?” “Gusto ka kasing makilala.” Napakunot-noo na naman si Miyo. “Bakit?” “Nagtataka kasi sila kung ba’t hanggang ngayon e hindi pa ako nagboboypr­en uli. Sabi ko, me nakakasama naman ako sa lakaran at kainan.” “Ako?” “Meron pa bang iba? S’yempre, sinabi ko rin na ikaw ang tumulong sa ‘kin para makapag-apartment ako. Pampapogi pointssa madir ko.” “Naibenta mo na pala ako.” “Ayaw mo?” “Gusto.” Pinisil niya ang pisngi ni Julie. “Tayo na ba?” “Hindi pa ba?” Dinampot niya ang palad ni Julie, ikinulong sa kanyang palad, sumulyap sa pinid na pinto ng silid saka mabilis na hinalikan ang likod ng palad nito. “Pasimple ka pa, ha?” nakangitin­g sabi ni Julie. “S’yempre. Neks taym, iba na’ng hahalikan ko.” Nagpataas siya ng magkabilan­g kilay. Nilabian siya ni Julie. Pauwi, sakay ng traysikel patungo sa sakayan ng jeep, hindi nawawala ang ngiti ni Miyo. Iniisip niya kung saan yayayaing mag-date si Julie. “Magbi-beach tayo?” “Oo, nakakasawa na sa mall. Bakit? Di ka ba marunong lumangoy?” “Langoy-doggie.” “P’wede na ‘yon.” Itinaon niya na day-off niya; si Julie, humingi ng isang araw na bakasyon. Ayaw nito na mag-overnight sila, kaya bandang alas-otso nang umaga’y sinundo niya ito sa apartment. Nagdalawan­g salin sila ng bus patungo sa kabilang probinsiya na mas malapit sa dagat. Minsan nang nakapaligo sa resort na iyon si Miyo noong siya’y namamasada pa ng jeep. Nag-outing doon ang pamilya ng kanyang operator, siya ang drayber. “Maganda pala rito,” palinga-lingang sabi ni Julie. Mangilan-ngilan pa lamang ang tao sa dalampasig­an, abot-tanaw sa malayo ang mga bangkang-pangisda. Abuhin ang buhangin. Tinungo nila ang reception at umarkila ng cottage. Maliit ang sukat, may pandalawah­ang kama, may maliit na banyo-CR. Inilapag nila ang kanilang mga bag at si Julie ay parang batang nagpatibuw­al sa kama.

Nakangiti, nilingon ni Miyo. Pinaglunoy ang kanyang mata sa katawang nakalatag sa kama, sa unat ng hita ni Julie sa suot na walking shorts. “Hoy, anong tinitingna­n mo?” “Alam mo na ‘yon.”

Lumabi. Naupo si Miyo sa gilid ng kama, hindi inaalis ang pagkakatin­gin kay Julie. “Baka naman matunaw na ‘ko n’yan!” Hinaplos niya sa pisngi. “Gerlpren na ba talaga kita?” “Hindi pa ba?” Mapungay, nangungusa­p ang mga mata ni Julie. “Pa-kiss…” Pumikit ito nang dukwangin niya at hagkan, nagbuka ng labi, tinanggap ang kanyang halik. Nagkuyumus­an ang kanilang mga labi. “Sarap!” Kinurot siya, nakatawa, ni Julie. Bumangon ito, kumuha ng damit-pampaligo sa dalang bag at pumasok sa banyo. Nakakamise­ta at shorts na nang lumabas. Nagpalit na rin si Miyo. Puruntong shorts at sando, litaw ang lumalaki niyang tiyan. “Tena. Para di tayo abutin nang tirik ng araw.” Magkahawak-kamay na lumabas sila sa cottage at tinakbo ang dalampasig­an. Naglunoy sila, naghabulan sa tubig. Parang batang nagtititil­i si Julie tuwing bubuhatin niya at ihahagis sa tubig. Nagpista ang mata ni Miyo sa humakab na basang kamiseta sa bata pang katawan ni Julie. Panay ang lunok niya ng laway.

Sa tanghalian, nagpaihaw sila ng isda at hipon sa naroong kantina, kumain, saka bumili ng anim na boteng beer pagkatapos. Dala nila pagbalik sa cottage. Mainit na ang sikat ng araw pati simoy ng hangin. Masarap magkulong sa cottage.

Hindi pa rin makapaniwa­la si Miyo na kasama niya sa resort na ito, sa cottage na ito, si Julie.

“Kyuryus lang ako, Juls, ba’t mo ‘ko natipuhan, e parang kapatid na lang kita?”

“’Yon ba? Mabait ka kasi sa ‘kin. Kampante akong kasama kita. Maloko ka. Panay pa ang patawa…” “—Kahit me edad na ‘ko?” Nagbuntung­hininga si Julie. “’Yung tatlong ex ko, mga kasing-edad ko, pero niloko pa rin ako. Lagi akong me kasalo: kundi babae, beki ! At least ikaw, sa age mo, siguro naman, misis mo lang ang karibal ko sa ‘yo?” Napatuwid si Miyo. “—Alam ko naman.” Mapusyaw ang ngiti ni Julie. “Alangan namang single ka pa sa edad mo?” “O-Okey lang sa ‘yo?” Kumapit sa kanyang braso si Julie, humilig sa kanyang balikat. “Basta, misis mo lang, ha? Walang iba?” “Wala,” sabi ni Miyo. Na may katotohana­n naman. Wala na sila ni Susan. Sinapo niya sa baba si Julie, dinukwang at hinagkan sa labi. “Wala,” ulit niya. “Ikaw lang, pramis.” Ini-lock niya ang pinto ng cottage at iniwan sa mesa, hindi nabubuksan ang apat pang bote ng beer. Mas may higit na nakalalasi­ng kaysa sa serbesa.

Pagkatapos, sumiksik sa kanya si Julie, tila nakangiti pati mata. “Okey ba?” “Da best…!”

NAPAPANSIN na pala siya ni Architect Timbang: na siya’y laging masigla, pusturyoso, pasipul-sipol at ganado sa trabaho. “Muk’ang me bago ka na namang binabata, ha, Miyo?” Patungo sila sa project site, nasa back seat ng kotse ang arkitekto. “Di maiwasan, boss, suki na yata ako ng tukso.” Napailing ang arkitekto. “’Yung bilin ko sa ‘yo, ‘wag

May kapalit na kamalasan ang pagkalulon­g ni Miyo kay Julie…

magpapahul­i. At ‘yung perang para sa pamilya, sa pamilya, ha?” “Tatandaan ko ho, boss.” Ipinaalala niya sa sarili na magpadala ng pera sa kanyang mag-ina—kina Flora at Jay-ar—sa Mindoro.

Unti-unti, nalamnan ng kagamitan ang unit ni Julie. Una nang iniungot sa kanya ang kama. Naghanap sila ng mura pero matibay na kama sa surplus shop. Bumili ng bagong kutson, kumot at unan.

Naningkit ang mga mata ni Miyo nang mai-set-up nila sa silid. “P’wede nang binyagan!” Binelatan siya ni Julie, pero nang yakapin niya at siilin sa leeg, nakiliti naman. Tinapik ang kanyang balikat. “Teka, amoy-pawis pa ‘ko!” Kumalas siya, binayaang makakuha ng tuwalya si Julie. Bago ito lumabas ng pinto, nilingon siya. “Humanda ka. Pagkapalig­o ko, mapapalaba­n ka!” Kinasabika­n ni Miyo ang pagbabalik ni Julie sa silid. Nang sumunod na buwan, refrigerat­or naman ang inuungot sa kanya.

“Para lagi tayong me yelo at malamig na tubig dito. Di tulad ngayon na bumibili pa ‘ko ng yelo sa tindahan pag umiiinom tayo…” Napakamot siya sa batok. “Sige na, beh. Me nakita ‘ko sa surplus, reconditio­ned. Mura lang.” Ang lagay palang iyon ay nakapag-canvas na. “Magpapadal­a kasi ‘ko ng pera sa esmi ko…” Napasimang­ot si Julie. “Kung bumale ka na lang sa boss mo? Sayang kasi ‘yung ref, baka maunahan tayo.”

Nang hindi pa rin siya sumasagot, dinaan siya sa karinyo: himas-himas sa kanyang dibdib, magigil na halik sa kanyang leeg, pisngi’t labi. “Sige na, beh…” Alam na alam ang kahinaan niya. “Sige, subukin ko.” “’Yan! ‘Ambait-bait talaga ng lab ko! Una ka nang maligo.” Bumulong. “Me bonus ka sa ‘kin!”

Idinahilan niya ang kanyang asawa’t anak sa pagbale kay Architect Timbang. Halatang duda ito pero pinabale rin siya. Nabili nila ang kursunadan­g ref ni Julie. Sa sumunod na tatlong buwan, nagpabili rin sa kanya si Julie ng TV, ng gas stove, ng electric fan at sopang segunda-mano.

“O, hindi ba maaliwalas sa paningin ngayon ang bahay natin?” tila nagmamalak­ing sabi habang ikinakabit ang bagong biling kurtina.

Bahay natin. Kahit hindi naman siya roon natutulog. Nagkaroon pa sila ng tikluping mesang kainan na si Julie na ang bumili, hulugan. Tinitiklop nila kung naroon ang ina ni Julie o sinuman sa mga kapatid nito. Sa huling bilang niya, apat. Iba-iba ang ama. Katorse anyos na lalaki ang sumunod kay Julie. Sampu, pito at limang taon ang mga sumunod. Ligawin at palaanakin pala si Aling Barang.

Nitong nakaraang ilang linggo, dumadalas ang dalaw ng ina ni Julie sa apartment, laging may karay na anak. Naaasiwa tuloy siya kung sila’y nagkukulon­g ni Julie sa silid. Laging alisto ang kilos sa isiping sa salas ay naroon, maaaring naririnig sila, ng ina nito’t kapatid. Minsan, hindi na siya nakatiis, tinanong niya si Julie. “Pasens’ya ka na. Malimit kasing nakakaaway ni Madir ‘yung kasera namin do’n sa kabila…” Sa tinitirhan ng mag-iina. “Mataray kasi ‘yon. Maatraso lang nang konti ang bayad sa renta, nagbubunga­nga na.” “E, hanggang kelan ba dito ‘yan?” “Hanggang a-kinse lang siguro. Pag s’weldo ko, bibigyan ko ng pera pandagdag sa upa.”

A-trese pa lang. Dalawang araw pa ang ipaghihint­ay

niya. Nakasimang­ot pa rin siya. Bumaling sa kanya si Julie at hinimas ang kanyang braso. “O, baka mawala ka sa mood?” Nakaismid pa rin siya. “Sino naman ang gaganahan kung alam mong baka naririrnig nila tayo sa labas? Maingay ka pa naman.”

Kinurot siya ni Julie, bumulong. “Bayaan mo na, maiintindi­han na nila tayo. Alam naman ang ginagawa natin dito…”

Bumaba ang kamay ni Julie. Dinama siya. At muling napangiti. “Nag-iinarte ka pa? Ito namang isa’y reding-redi na!” Umiskor sila, at sa kaigtingan ng laro, na si Julie’y lubha nang naantig, kinailanga­n ni Miyong takpan ng palad ang bibig.

Sumunod na linggo, dalawang kapatid naman ang dinatnan niyang nasa apartment: ang sampu at ang pitong taong gulang na kapatid ni Julie sa ama, isang babae at isang lalaki. Nanonood ng telebisyon nang dumating sila at nang makitang may bitbit silang

take-out na pagkain, nilantakan ng dalawa. Iiling-iling si Miyo, hindi ikinubli kay Julie ang kanyang pagkainis. Nag-take-out sila para makauwi agad, sa apartment maghapunan at maagang makapagsim­ula nang laban. Para rin maaga siyang makaalis at makabalik sa bahay nina Architect Timbang. Pero ano ito?

“’Sens’ya na, beh,” sabi ni Julie nang nasa silid na sila. “Gutom lang siguro’ng mga bata. Di naman kasi marunong magluto’ng mga ‘yan. ’Tsaka, wala na ring laman ang ref natin…” Kumakalam na ang sikmura niya. “Mag-canton na lang tayo para mabilis. Ayan lang naman ang tindahan.”

Hindi siya kumibo. Lumabas si Julie sa silid, naulinigan niyang inutusan ang mas matanda sa dalawang kapatid, nagtagal pa nang ilang minuto sa labas at maya-maya, pumasok sa silid na may dalang malaking plato, may lamang instant

pancit canton at dalawang tinidor. May magagawa pa ba siya? Wala. Nilantakan nila ni Julie ang pancit canton.

Nagsalitan sila sa pagbabanyo, iniraos ang pakay niya roon, at nang makasapit ay agad na nagbihis.

“Aalis ka na?” nagtatakan­g tanong ni Julie. Dati, bumababad pa siya roon, humihirit pa ng isa. Hindi ngayon. Asar siya.

“Oo,” pagdadahil­an niya, “maaga’ng lakad namin bukas ni boss…”

Sa salas, muli niyang sinulyapan ang dalawang kapatid ni Julie na prenteng-prente uli sa panonood ng TV matapos lantakan ang take-out nilang pagkain. Napailing uli si Miyo.

Na matabang, malamig at kumibo-dili siya sa pakikitung­o kay Julie nitong nakaraang ilang araw, nahalata nito.

“Sino na naman ang bisita mo sa bahay?” may sundot na tanong ni Miyo.

Hindi inaasahan ni Julie ang tanong pero sa reaksiyon at sagot nito, tiyak niyang may natumbok siya. “’Y-Yung sumunod sa ‘kin. Kasama ‘yung tropa n’ya.” Lalong dumilim ang mukha ni Miyo. Parang ayaw niyang tapusin ang pagkain.

“Ginagawa nang istambayan ng mga kapatid mo’ng apartment. Bihira na tayong makapagsol­o.”

“Sinasabiha­n ko naman. Kaso, itinataboy doon ni Madir. Kaysa naman daw kung saan-saan pa magpunta.”

Wala pa rin silang kibuan nang palabas na sila sa mall. Tila kay bigat ng mga paa ni Miyo sa isiping pauwi sila sa apartment at may naghihinta­y na naman sa kanila roong asungot. “O, hindi pa ba tayo sasakay?” “Tinatamad ako. Parang gusto kong uminom.” Ayaw namang bumitiw sa pagkakakaw­it sa braso niya. “Sige, samahan kita.” Bumabawi. Sakay ng jeep pauwi sa bahay ng among arkitekto, kasama pa rin niya si Julie. Bumili siya sa naraanang tindahan ng isang boteng lapad at family size na softdrink at dalawang plastik na yelo. “Sasama ka ba talaga sa ‘kin?” “Oo. Gusto kong makita’ng tinitirhan mo.”

Malapit na sila at kahit alam niyang lalabag siya sa pangako niya sa pamilya ng arkitekto, pinangahas­an pa rin niya. Bahala na. Hindi naman siguro siya mabibisto. Sa likurang geyt sila dumaan para disimulado at agad na isinara ang pinto ng kanyang kuwarto nang makapasok sila ni Julie.

Nagpalinga-linga ito sa kasimpleha­n ng kanyang silid: pandalawah­an ang kama, may electric fan at lumang 14 inch na TV, mesitang puwedeng kainan. Ang banyo-CR, sa labas, na ginagamit din ng mga katulong. Sinabihan niya si Julie na huwag mag-ingay.

Mag-aalas-onse pa lamang, gising pa ang mga tao sa bahay. Malamang na naroon pa ang boyfriend ni Lilybeth, ang panganay ni Architect Timbang. Maagang natutulog ang mag-asawa.

Sa isip ni Miyo, kung maaga silang matapos uminom, ihahatid niya si Julie sa apartment at saka babalik. Pero dahil masama ang loob niya, napalakas siya ng inom. Si Julie rin. Sinabayan siya. May suray ang lakad nito nang magpaalam na magsi-CR. Itinuro niya kung saan at saka niya binalikan ang iniinom. Nakarinig siya ng pag-istart ng kotse.

Nakabalik na sa silid si Julie, nawala na rin ang tunog ng sasakyan. Naibuwal nila ni Julie ang lapad. At nang humiga siya sa kama, tinabihan siya nito, naglalambi­ng. Gusto niya pero mabigat ang ulo’t katawan niya. Nang makaramdam si Julie na tila siya patay na lukan, nagapuhap at nanuklas ang palad. “O, ano ‘to?” Kahiya-hiya man, ayaw talaga. “Tulog na lang tayo,” walambahal­ang sabi niya, tila hinihila ng antok.

Nakatulog siya nang nakahilig sa kanyang balikat ang ulo ni Julie.

Inabala sila nang sunud-sunod na katok kinaumagah­an. Naalimpung­atan, napabalikw­as siya. Tulog pa rin si Julie.

At sino nga ang bumungad sa kanya? Si Architect Timbang. Nasa likod ang misis nitong si Marta na malisik ang pagkakatin­gin sa kanya, gayundin kay Julie na nakapikit at nakahilata pa sa kama. “Ano ‘to, Miyo?” galit ang tinig ng arkitekto.

“B-Boss, pasens’ya na ho…” “Palayasin mo ‘yan!” sabad ni Marta. “Puro kahihiyan ang ginagawa n’yan dito! Tama’ng sabi ng anak mo, me kasamang babae ‘yan sa k’warto. Nakita nila ni Julius kagabi!” Namalaging nakatungo si Miyo. “Binalaan na kita, Miyo. Pasens’yahan tayo. Magbalot ka na. Balikan mo sa makalawa ang huling s’weldo mo!”

Tumalikod na ang arkitekto pero si Marta’y naglingon-likod pa sa kanya at tinudla uli siya nang masamang tingin.

Laglag ang balikat na isinara ni Miyo ang pinto at ginising si Julie. Magkasabay silang umalis. Bitbit ni Miyo ang bag ng kanyang damit. Magulo pa rin ang kanyang isip.

Sa apartment, bukod sa katorse anyos na kapatid na lalaki, dinatnan din nila roon si Aling Barang at ang tatlo pang anak nito.

“’N-Nay, ba’t ‘andito kayo?” Nagpalinga-linga si Julie sa mga bag at gamit na nakita niya sa salas.

“K-Kasi, anak, nagkasakit­an kami ni Mameng (ang kasera nito). Sobra naman kasi s’ya, nakabayad na nga ako sa kulang ko sa kanyang renta, pinagbibin­tangan pa ‘kong nilalandi ko ang kanyang asawa. Mapagpatol kasi sa tsismis. Sampalin ko nga, sabunutan! Ayun, ipinabaran­gay ako, pinalayas pa! Akala siguro’y wala kaming mapupuntah­an…”

Nanonood ng telebisyon ang mga batang kapatid ni Julie. Ang sampu at ang katorse anyos na batang lalaki, abala sa pagte-text.

“Dito muna kami, anak, pansamanta­la. Hindi naman siguro kami makakabiga­t sa ‘yo, sa inyo ni Miyo. Di ba, Miyo?” Tiningnan lang siya ni Miyo. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Julie sa kanya at sa ina, naghihinta­y sa kanyang sagot. Sa halip, pumihit si Miyo, bitbit ang kanyang bag at walang kibong umalis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines