Liwayway

TANGHALIAN

-

L UNCH BREAK, blockbuste­r na naman ang pila at pagkain sa cafeteria, at kaming mga guro ay nananatili na lamang sa kani-kanyang mga mesa at lugar. Madalas ang ilang mga guro ay nakikisuyo sa mga mag-aaral na dumadaan sa faculty room.

Habang kumakain at nagkukuwen­tuhan ang ilang mga guro, nangingiba­baw ang tinig ng isa sa mga propesor. Buong lakas at pabulalas sa kanyang mga sinasabi.

“Dahil healthy living ako, bilhan mo ako ng buko, at pakwan, ‘yung fresh buko, ha, tapos isang laing at isang adobong manok, ‘yung breast part at half rice, pakibilis,” utos niya sa dalawang mag-aaral.

Agad namang sumunod ang mga binata.

Makalipas ang limang minuto …

Sampung minuto …

Labinliman­g minuto…

Trenta minuto minuto…

Ang kanyang matagal na paghihinta­y at pagsimango­t ay napalitan ng ngiti at pag-asang makakakain na siya nang matiwasay at buong kalayaan.

“Pasens’ya na po, ma’am, medyo mahaba po kasi ang pila sa buko at sa ulam sa canteen,” tugon ng binatang kanyang inutusan.

“Bakit ganito?!” masamang tugon ng guro, galit at nakasimang­ot muli.

“Ang sabi ko fresh buko, hindi ganito, ibinigay mo sa akin ‘yung naka-cup, dapat ‘yung buko talaga na bubutasan nila sa ibabaw tas’ lalagyan ng straw. ‘Yun ang

fresh buko,” dadag pa niya. “Ay? ‘Yun po ba ‘yun, ma’am? Sorry po. Pasens’ya na po. Balik na lang po namin,” ang nasagot na lamang ng magaaral sa sobrang pagkadisma­ya.

“Okey na ‘to! Antatanga naman!”

Biglang tumahimik ang silid.

Mga binata.

Mga guro.

Mesa.

Salamin.

Ako…

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines