Haraya

(IKAANIM NALABAS)

Liwayway - - Mga Nilalaman - Dr. Michael M. Coroza

IPAKIKILALA naman ngayon sa mga mambabasá ng Liwayway si Connie Jan Maraan, na nagkamit ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas 2018 para sa Kathang Ingles mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL). Ipinagkakaloob ang gawad na ito sa isang indibidwal na buong búhay na nag-alay at patúloy na nag-aalay ng panahon, talino, at tagumpay sa paglikha at pagsusulong ng pambansang panitikan sa alinman sa mga wikang umiiral at may nasusulat na literatura sa Filipinas. Ginanap ang seremonya ng pagpaparangal bilang pinakatampok na bahagi ng ika-44 Pambansang Kongreso ng mga Manunulat ng UMPILna idinaos sa Gerry Roxas Training and Convention Center sa Lungsod Roxas, Capiz noong 28 Abril 2018. Panauhing pandangal at nag-abot ng tropeo sa mga nagwagi si Dr. Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan at kasalukuyang Tagapangulo ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (National Commission for Culture and the Arts, NCCA) at ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Si Dr. John Iremil E. Teodoro, kawaksing propesor sa Departamento ng Literatura ng De La Salle University Manila at kasalukuyang Sekretaryo Heneral ng UMPIL, ang naging pangkalahatang tagapangasiwa ng programa.

Maikling Talambuhay

ISINILANG noong 8 Enero 1959 Estados Unidos ng America, si Connie Jan Maraan ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Communication at Master of Arts in Language and Literature sa De la Salle University Manila. Kasalukuyan siyang koordineytor ng Research Dissemination and Publication sa Social Development Research Center ng College of Liberal Arts ng DLSU. Ginawaran siya ng Henry Lee Irwin Chair sa Creative Writing ng Ateneo de Manila University at naging fellow ng Bienvenido N. Santos Creative Writing Center, UP National Writers’ Workshop, at Siliman National Writers’ Worskhop.

Awtor siya ng dalawang koleksiyon ng maikling katha, Better Homes and Other Fictions na inilathala ng University of Santo Tomas Publishing House noong 2011 at nagkamit ng National Book Awards Cirilo F. Bautista Prize para sa maikling katha, at Transient: Stories 1977-1994 na inilathala ng De La Salle University Press noong 1995, na naging finalist sa National Book Award para sa maikling katha.

Editorial consultant at patnugot siya sa University of the Philippines Press, Development Academy of the Philippines, Department of Science and Technology, United Nations Development Program, Philippine Sociological Society, Instituto Cervantes, at Stairway Foundation, Inc. Sa mga panahong nalilibre siya sa maraming kaabalahan, tinatangka niyang magsulat sa isang di-gaanong pamilyar na anyo, ang travel narrative.

Pagpapahalaga

PARA sa kaniyang mga kuwentong mumunting paglalarawan ng pagkatao sa lahat nitong rupok at tatag; para sa kaniyang pagtutudla na mga maparikalang paglalahad ng karahasan ng lipunan at ng kadakilaan ng tao na makahulagpos sa daigdig ng sákit at panganib; para sa kaniyang prosang meta-pagninilay sa pagsasabuhay sa panulat; at para sa nakagigilalas na kapayakan ng kaniyang wika na nagpapabalik sa mambabása sa dalisay na kapangyarihan ng salita, waring doble-talim na tumatarak sa pinakakaibuturan. Malugod na ipinagkakaloob ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas ang Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas kay Connie Jan Maraan.

Halimbawang Akda

From DAMUONG, a novel-in-progress It had come as a bit of a surprise to me when I learned that Evangelina had looked forward to my visits. We had made each other’s acquaintance by chance—and now chance seemed to be the path I was choosing.

On my last visit, she told me that I was one of the few people who had made reading a pleasure for her. “You have a sincere heart,” she had told me early on—an assessment I assumed was made easy by the roundness of my face, the sadness of my eyes, or the hesitance in my voice. I, in turn, had also formed an early impression of Evangelina—as a romantic even in her later years, and one whose earnestness shone through in the pains she took to prepare vegetarian lunches for me.

I sometimes thought that perhaps it was the cards I chose that endeared me to her—the swords and the sorrow, the anguished faces that frequently appeared each time I sat before her. More than once, I had picked the Nine of Swords, on which appeared a young woman sitting up in bed, her face buried in her hands. It was a dark card, and the sight of it always made her distraught. She would plead with me, “Do not worry so much, my child,” though her own worry for me was apparent. “God knows what is in your heart. You should not suffer needlessly.” I would force a smile upon my lips, curious about the vision that unfolded in her head, and at the same time moved by the knowledge that she recognized my fears. At that point, my faith in whatever she would tell me could not waver. Because my cards had always been so turbulent, we were quick to welcome what we saw when she turned over the final card. “Oh!” Evangelina exclaimed, pleased to find that here was a card without

swords, or sorrow, or anguish. It was filled with bright colors, and had never appeared until that moment. On it was a young man with a wand in one hand, and two sphinxes at his feet.

Immediately, I knew I had chosen a card that would deliver me from my darkness.

Mula sa Damuong, isang nobelang tinatapos

Bahagyang ikinagulat ko nang malaman kong inaasahan ni Evangelina ang aking mga pagdalaw. Di-sinasadyang nagkakilala kami—at ngayon, parang landas na hindi rin sinasadya ang pinipili ko.

Noong huling pagdalaw ko, sinabi niya sa akin na isa ako sa iilang tao na nagawang maging kalugod-lugod ang pagbasa para sa kaniya. “May tapat kang puso,” nauna niyang sinabi sa akin—isang pagtayàng ipinalalagay kong pinadali ng kabilugan ng mukha ko, kalungkutan ng mata ko, o ng pag-aatubili sa tinig ko. Ako man ay nakabuo ng panimulang impresyon kay Evangelina—bilang isang romantiko kahit sa kaniyang katandaan, at may sigasig na pangitang-pangita sa pagsisikap niyang maghanda ng mga pananghaliang pang

vegetarian para sa akin. Minsan naiisip ko na baka ang mga barahang nabubunot ko ang sanhi kung bakit ako napalapit sa kaniya—ang mga espada at kalungkutan, ang mga mukhang nagdadalamhati na karaniwang lumilitaw sa bawat pag-upo ko sa harap niya. Hindi miminsan, nabunot ko ang Siyam na Espada, na kinaguguhitan ng isang dalagitang nakaupo sa kama, nakasubsob ang mukha sa kaniyang mga kamay. Madilim na baraha iyon, at ang matanaw iyon ay lagi niyang ikinababahala. Isinasamo niya sa akin, “Huwag kang labis na magalala, anak,” bagaman higit na halata ang pag-aalala niya para sa akin. “Alam ng Diyos kung ano ang nasa puso mo. Hindi ka dapat magdusa nang walang anuman.” Pinipilit kong ngumiti, gusto kong malaman kung ano ang nakita niya sa isip, at naaantig din ako sa pagkabatid na nababakás niya ang aking mga tákot. Sa pagkakataong iyon, hindi magbabago ang pananalig ko sa anumang sasabihin niya.

Dahil palaging maligalig ang aking mga baraha, mabilis naming tinatanggap ang nakikita namin kapag inilalatag niya ang huling baraha. “Ay!” hiyaw ni Evangelina, na ang nabuklat na baraha ay walang mga espada, o lungkot, o dalamhati. Tigib iyon sa masasayáng kulay, at sadyang noon lamang nahugot. May nakaguhit ditong isang baguntaong may batón sa isang kamay, at may dalawang espinghe sa kaniyang paanan.

Agad-agad, sumaisip kong nakabunot na ako ng baraha nahahango sa akin sa sariling dilim.

CONNIE JAN MARAAN Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas Katha sa Ingles

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.