Magluto Tayo

Liwayway - - Mga Nilalaman - Mareng Lena

SINASABING pinakamayaman sa protina ang karne ng baka (beef). May mga umiiwas sa pagkain nito. Nagdudulot daw ng karamdaman, nagpapalala sa ganito at ganyang sakit. Ngunit kung anumang pagkain ay nakasasama sa kalusugan kung labis ang kakainin. “In moderation”, wika nga, ang pagkain. Ang kalabisan sa anumang bagay ay nakapipinsala. Mga beef recipes naman ang ating lutuin. Tara na sa kusina!

ESTOPADONG DILA MGA SANGKAP:

1 dila ng baka, bahagyang pakuluan, maingat na kayurin ang puting animo lamad 3 sibuyas, hiwain nang maninipis 5 kamatis, hiwain nang maliliit 1 sachet ng tomato sauce (medium size) 2 kutsarang pamintang buo 2 dahong laurel Asin, toyo at paminta, ayon sa panlasa ang dami 1 kutsaritang pampasarap mix 1 patatas, balatan at hiwain nang manipis at pabilog; iprito 1 puswelong tubig

PARAAN NG PAGLULUTO:

ILAGAY ang mga sangkap sa kaldero. Ilahok ang dila. Pakuluan hanggang lumambot. Baligtarin. Maaaring tubigan kapag matigas pa. Sa paghahain, hiwain nang manipis ang dila. Isama ang mga sangkap na kasahog ng dila sa pagluluto. Palamutian ng piniritong patatas.

BEEF WITH BURONG MUSTASA MGA SANGKAP:

½ kilong karneng baka, hiwain nang bite-size 2 puswelong burong mustasa, hiwa-hiwain nang 1 pulgada ang laki (Buruhin ang mustasa isang araw bago lutuin ang putaheng ito)

PARAAN NG PAGLULUTO:

PRITUHIN ang karne matapos ibabad sa toyo. Bago lutuin nang kalahok ang burong mustasa. Maisasahog din ang pinagbabarang toyo.

HAMBURGER MGA SANGKAP:

½ kilong giniling na karne ng baka 3 itlog, batihin 2 sibuyas, hiwain nang maliliit 2/3 puswelong arina, lusawin sa kaunting tubig Pamintang durog at asin, ayon sa panlasa ang dami

PARAAN NG PAGLULUTO:

PAGHALUIN ang mga sangkap. Lamasing mabuti. Hulmahin nang pabilog at manipis. Prituhin, iwasang lumutong. Kung ipapalaman na sa tinapay, samahan ng sibuyas na hiniwa nang manipis at pabilog. Tara nang kumain!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.