Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

Liwayway - - Mga Nilalaman - Boy A. Silverio

KILALA niyo ba kung sino ang Pinoy na heneral na kasamang nag-aklas laban sa pananakop ng mga dayuhan sa Pilipinas na naging gobernador ng isang lalawigan matapos ang digmaan?

Isinilang sa lalawigan ng Camarines Norte noong 1860, si Heneral Vicente Lukban, ay naging gobernador ng lalawigan ng Tayabas, (Quezon na ngayon) noong 1912. Muli siyang kumandidato at nahalal na gobernador noong 1916 pero hindi na niya natapos ang ikalawang termino dahil binawian na siya ng buhay sanhi ng karamdaman.

At sa kanyang pagpanaw, ipinangalan sa kanya ang isang bayan sa Quezon (ang Lukban) dahil sa kanyang kabayanihan at katapangan para sa kalayaan ng bayan.

KAY Gen. Paulino Torres Santos ipinangalan ang Gen. Santos City na matatagpuan sa lalawigan ng South Cotabato. Naging Commanding General siya ng Philippine Army subalit nito’y sa loob lamang ng ilang buwan noong 1936.

Nang magretiro si Gen. Santos ay naging civilian administrator siya sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Manuel L. Quezon.

Sa utos na rin ni pangulong Quezon, pinangunahan ni Gen. Santos ang isang grupo ng mga residente mula sa Luzon at

Visayas na nagtungo sa Lagao area ng Koronadal Valley at sila ang mga unang nanirahan dito.

PINAGTIBAY ni Governor -General Camilo Polavieja ang hatol na kamatayan para kay Dr. Jose Rizal dahil sa matinding udyok ng mga prayle o parinig ng Kastila. Mabilis ang naging paglilitis kay Rizal na sinimulan noong Disyembre 6, 1896 dahil sa mga kasalanang sedisyon, pakikipagsabwatan at paghihimagsik. Iginawad ang parusa sa pamamagitan ng firing squad noong umaga ng Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan (ngayon ay Luneta) bukod kay Rizal. 24 na iba pa ang kasabay na pinatay nang araw ding iyon sa utos ni Polavieja.

Nagbabala ang Philvocs sa mga residenteng nagsibalikan sa kanilang tahanan sa loob ng 4-km danger zone na huwag silang sisihin sakaling magkaroon ng pagsabog ang Mt. Bulusan sa Sorsogon. Sinabi ni Elmer Gabinete ng Volcanologist ng Philvocs. Bagama’t nananahimik ngayon ang bulkan, hindi ito garantiya na walang dalang panganib dahil karaniwan kapag ang isang bulkan ay nananahimik, may nakaamba itong pagsabog. Sinabi ni Gabinete na tanging ang mga residenteng nakatira sa labas ng 4-km ang maaaring makabalik sa kanilang mga bahay.

Governor-General Camilo Polavieja

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.