Ella Cruz, Binabansagan Bilang Horror Princess!

Liwayway - - Mga Nilalaman - Maricris V. Nicasio

KAKAIBANG Ella Cruz ang mapapanood sa pelikulang idinirehe ni Richard V. Somes, ang Cry No Fear, isang suspense-thriller na handog ng Viva Films at ipapalabas na sa June 20. Kabituin dito ni Ella si Donnalyn Bartolome.

Impressive ang trailer ng pelikulang ito kaya may potensiyal talaga na pasukin ito ng moviegoers.

Base sa tunay na pangyayari ang kuwento ng Cry No Fear na si Direk Richard Somes din ang nagsulat.

Kilala si Direk Somes sa paggawa ng mga pelikulang nakagugulantang tulad ng Shake, Rattle & Roll, kaya tiyak na kakaiba na naman ang bago niyang handog na ito. Bukod sa matinding takot na ipinakita nina Ella at Donnalyn sa horror movie na Darkroom noong nakaraang taon, magpapakita ang dalawa ng matinding kamalditahan. Ito ay malayong-malayo sa karakter ni Ella sa Fangirl, Fanboy at mga karakter ni Donnalyn sa mga pelikula at TV series.

Sina Ella at Donnalyn ay gumaganap bilang sina Wendy at Kaycee, half-sisters na kinamumuhian ang isa’t isa. Hindi sila magkasundo kaya laging nag-aaway na puwedeng humantong pa sa patayan. Naiwan ang dalawa sa bahay kasama ang yaya dahil may out of town work ang tatay nilang si Lito Pimentel na mahigpit silang binilinan na huwag aalis.

Sa gitna ng matinding bagyo, nabulabog ang magkapatid sa pagkatok ng ilang taong humihingi ng pagkain at gamot. Itinaboy nila ang mga ito, ngunit mas lalo nilang nailagay ang mga sarili sa panganib. Pinasok sila ng masasamang loob (Lander Vera Perez, Christopher Roxas, Patricia Javier) na hindi magdadalawang-isip na patayin sila.

Ngayon na ang panahon para magkaisa ang magkapatid para sa kanilang kaligtasan.

Base sa kuwento nina Ella at Donnalyn, talagang nahirapan sila sa shooting ng pelikulang ito dahil umuulan at nasa labas sila ng bahay.

Si Ella na pinatalon ni direk Richard mula sa mataas na palapag na ang babagsakan ay swimming pool ay kinapos ng hininga kaya nag-panic sila. Good thing may dalang emergency

oxygen si direk Richard at siya mismo ang nagbigay ng first-aid kay Ella na labis siyang pinasalamatan.

Kuwento nga ni Ella, “Kaya umuuwi po talaga kami ni Donnalyn na puro pasa talaga kasi buong pelikula bumabagyo

as in seven shooting days po, umuulan. Kaya sobrang challenge talaga ang mga eksena namin dito dahil hindi lang emotional ang kinailangan namin kundi pati physical. Dumating po sa punto na kapag umuuwi na ako ng bahay ay nagchi-chill ako dahil babad kami sa basa at talagang nilalagnat kami.”

Nagulat din daw si Ella dahil tina-tag siyang Horror Princess ngayon. Reaction ng aktres, “Horror Princess? Siguro po kasi marami lang akong nagagawang horror films. Pero ang target ko po talaga, hindi lang makilala as Millennial Dance Queen pero maging isang mahusay na aktres.”

Samantala, naging mas malapit sa isa’t isa ang dalawang aktres dahil sa pelikulang ito. Kuwento ni Donnalyn sa Anong Ganap sa VIVA TV, “Para kaming magkapatid, minus the away.”

Ayon naman kay Ella, “Mas nagkaroon kami ng bonding and sharing ng mga bagay-bagay.”

Isa sa pinagkakasunduan nila ay ang interes at talento sa pagsayaw at pagkanta. Nag-trending ang mga YouTube

dance videos ni Ella, na ngayo’y tinatawag na Millennial Dance Princess. Bago naman pinasok ang showbiz, nagsimula si Donnalyn bilang internet sensation dahil sa mga awiting siya mismo ang sumulat, kaya naman bagay sa kanya ang titulong Social Media Sweetheart.

Bilang Wendy at Kaycee sa Cry No Fear hindi sila matatawag na “sweetheart” pero hindi malayong—ituring silang mga prinsesa ng kilabot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.