Ced Torrecarion, Mas Gusto Ang Kontrabida Role

Liwayway - - Mga Nilalaman - Nonie V. Nicasio

NAGSIMULA si Ced Torrecarion sa mundo ng showbiz bilang member ng Star Circle Batch-9, kasama niya rito sina Heart Evangelista, Alfred Vargas, Dennis Trillo, Rafael Rosell, at iba pa. Actually, bago siya naging Kapamilya artist noon ay sumabak muna si Ced bilang commercial model, at saka nalinya sa pagagawa ng pelikula at TV show.

Una siyang napanood sa youth oriented TV series ng Dos na Tabing Ilog na tinampukan nina Kaye Abad, John Lloyd Cruz, Patrick Garcia, Jodi Sta. Maria, Paula Peralejo, Baron Geisler, Paolo Contis, at iba pa.

Sumunod ay lumabas si Ced sa Labs ko si Babe nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, at sa iba pang TV shows. Nakagawa rin siya ng pelikula at sumabak sa ilang stage play. Recently ay gumanap si Ced bilang isang NBI agent sa seryeng Blood Sisters na pinagbibidahan ni Erich Gonzales.

Karamihan sa ka-batch niya sa Star Circle ay sikat na sikat na, dahil ang nangyari, nakatakda siya dapat itambal noon ng dati niyang manager na si Alfie Lorenzo kay Judy Ann Santos. Ngunit dahil sa nagkaroon siya ng anak out of wedlock, kaya nahinto ang kanyang showbiz career at nanirahan siya sa Amerika. Pero dahil hinahanap ng kanyang sistema ang showbiz, kaya bumalik siya pagkalipas ng pitong taon. Nagbalik-tanaw rin siya sa most memorable projects na kanyang nagawa.

Kuwento ni Ced, “Iyong movie was with Rico Yan, ‘yung Got To Believe. Naging close kami after that because he taught meeverything. Rico is a good guy, aside from coming from a good family, siya ‘yung taong hindi showbiz. Kaya hindi ko rin malimutan iyon, kasi after that movie nawala na siya eh, namatay na siya. Naging close rin kami dahil mayroon kaming grupo-‘yung sa youth.”

Dagdag pa niya, “Siguro ‘yung isa pang di ko makalimutang project was ‘yung Cali, ‘yung commercial, I was the first Cali Shandi boy and it was shown all over Asia. Doon din ako nakilala ni Boy Abunda, that was my stepping-stone into showbusiness.” Nabanggit din niya na mas nalinya siya noong simula as commercial model, pati sa international scene. Nag-aaral pa noon si Ced na eventually ay nag-graduate ng kursong Philosophy sa UP dahil dapat ay magpapari raw siya. Ayon pa kay Ced, noong panahong iyon ay naging varsity player din siya, naglaro siya sa UAAP, Team-B sa basketball at Team-A naman sa volleyball.

Sinabi rin ni Ced na masaya siya sa pangangalaga ng Powerhouse, Arte. “Ngayon, I’m with Powerhouse, Arte, ‘yung mga owners kasama si Ibyang, Ms. Sylvia Sanchez, sila Bobby Causela, Corie Criste, Smokey Manaloto, Tita Anna Goma... “Maganda kasi sa Powerhouse, they treat everybody equal, no superstars at they treat their artists as family. Kasi karamihan sa amin character actors, eh,” nakangiting saad pa niya.

Sa ngayon, bukod sa kanyang acting career ay abala si Ced sa kanyang mga business. Nakatakda rin niyang pagbidahan ang stage play na Parable of The Lost Sheep sa Baguio na gaganap siya bilang Jesus Christ.

Ipinahayag din ni Ced na mas gusto niyang gumanap ng mga kontrabida role. “I was trained to be lead character by ABS CBN, but then I wanted to be a character actor, just like one of my idols in the business na si Tito Joel Torre. Until now he’s still there and I wanted to be like that. I want to try every characters.

“I did a kontrabida several times. Tapos minsan paglabas mo nagagalit ‘yung ibang tao. Eh ‘di ibig sabihin, effective ka,” nakatawang saad pa ni Ced.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.