Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

Liwayway - - Mga Nilalaman - Boy A. Silverio

ITINATAG ni Ka Luis Taruc ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP) noong Marso 29, 1942. Ang organisasyon ni Taruc ang itinuring na pinakamatagumpay na guerilla unit noong ikalawang digmaang pandaigdig. Nasa 30,000 ang miyembro ng HUKBALAHAP. Matapos ang digmaan, ipinagpatuloy ni Taruc ang pakikipaglaban para sa usaping agraryo. Noong 1946, kumandidato si Taruc sa house of representatives at nanalo subalit hindi nakaupo dahil sa pagtutol ng gobyerno ni Pangulong Manuel Roxas. Muli siyang nag-underground dahil dito. Noong 1948, sa panahon ni President Elpidio Quirino, muling nabigo ang pagnenegosayon. Nagbaba ng armas sina Taruc sa panahon ni President Ramon Magsaysay. Sumuko si Taruc noong Mayo 17, 1954. Namayapa sa edad na 91 noong Mayo 4, 2005.

SI Leon Kilat o Pantaleon Villegas, nagtrabaho sa Botica Antigua sa kanto ng Calle del Palacio at Calle Legaspi. Sikat itong bilihan ng mga gamot noon. Mga Cebuano ang kasama niya noon na sina Cirico Murillo at Eulogio – Duque. Sa halip na Panteloen ang kanyang gamitin sa pangalan, ang kanyang ginagamit sa drugstore ay Eulogio. Dahil dalawa ang Eulogio roon, tinawag siya ng may-ari na isang German Leon. Hindi naman malinaw kung bakit Eulogio ang kanyang piniling palayaw.

Hindi nagtagal sa store si Villegas at lumipat sa isang bakery sa Fagina. Mula noon ay namasukan siya sa isang circus na patungong Maynila.

Ang circus ay pagmamay-ari nga mga Katipunero at dito siya na-recruit na maging bahagi ng Kataas-Taasang Kagalanggalang Katipunan.

ANG pangalan ng bayan ng Antipolo, Rizal ay isinunod sa pangalan ng isang punongkahoy na tinatawag na “Antipolo” o “Tipolo”. Diumano’y maraming ganitong uri ng punongkahoy sa naturang bayan noong unang panahon. Ngunit kaya nanatili ang pangalang Antipolo sa nabanggit na bayan ay dahil sa mga mahimalang pangyayari na naganap dito na may kaugnayan sa imahen ng “Nuestra Senora de la Paz y Buen Viaje” na lalong kilala sa tawag na “Nuestra Senore De Antipolo”

Ayon sa kasaysayan, ang mahimalang imahen ng Birhen ng Antipolo ay dinala sa Pilipinas ni Don Juan Nino de Tabora noong Marso 25, 1624 mula sa Acapulco Mexico na sakay ng isang Bapor-Kastila na ang pangalan ay “Almirante”.

Samantalang naglalakbay sa karagatan ang bapor na kinalululanan ng imahen, natuklasan ng mga pasahero sa unang pagkakataon ang mahimalang kapangyarihan ng imahen. diumano, may kargamentong mga pulbura ang naturang bapor. Nagkaroon ng isang maliit na sunog dito. Dinilaan ng apoy ang pulbura, ngunit himala ng himala! Hindi sumabog ang mga pulbura. At dahil sa pangyayaring ito, tinawag nila ang imahen ng Birhen na “Nuestra Senora De La Paz Y Buen Viaje” mula noon ay naging patron na ito ng mga manlalakbay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.