Loisa Andalio, Umiiwas Aminin Ang Tunay Na Relasyon Kay Ronnie Alonte

Liwayway - - Mga Nilalaman - Maricris V. Nicasio

AMINADO man si Loisa Andalio na masaya siya kapag kasama ang Hashtag member na si Ronnie Alonte, tikom naman ang bibig niya kapag tinatanong kung boyfriend na ba niya ang aktor.

Napupuna nga sina Loisa at Ronnie ng madla lalo na ang millennials na mas aktibo sa social media dahil maraming young stars daw ngayon ang hindi umaaming may karelasyon sila pero nagsasabihan naman ng ‘I love you’ sa taong nali-link sa kanila.

Plus, kadalasan din kasi na nabubuking lang ang relasyon ng maraming taga-showbiz kapag nag-split o naghiwalay na sila.

Magandang example ang dalawa na hindi pa raw umaaming may relasyon sila pero araw-araw silang nagsasabihan ng ‘mahal kita’ at ang term of endearment nila ay ‘Beh’ na short term for Babe. Sa isang panayam nang maging panauhin siya sa Magandang Buhay ay nabanggit ito ng Kapamilya young actress, “Masasabi ko na ngayon ko lang na-experience iyong ganito kasaya, na walang problema, iyong sobrang tiwala mo sa lalaki, first time.”

Pero kung may mga kinilig sa mga ganitong pahayag sa panig ni Loisa, mayroon din namang ilan na nagsabi ng pagkadismaya sa ginagawang pagde-deny ng dalawa sa tunay nilang relasyon gayong kitang-kita naman daw na may namamagitan sa kanila.

Patuloy nga ang espekulasyon ng marami, lalo na ang fans ng dalawa at mahilig sumubaybay sa love life ng mga artista. Nag-uusisa sila kung may relasyon na nga ba ang naturang Kapamilya stars. Lalo na nang a couple of weeks ago ay may Instagram post si Ronnie ng ganito: “Ang akin habang buhay na.”

Na ang naging reaction naman ni Loisa ay ang pagbabahagi ng photo nila ni Ronnie sa Instagram na tinawag niyang “Bebeh of my life.”

Matagal nang inaabangan ng marami kung kailan finally aamin sina Loisa at Ronnie, subalit sa latest interview sa kanila ay sinabi nilang ‘mutual understanding’ lang ang estado ng kanilang relasyon ngayon.

Napupuna man at minsan ay tuluyang nababatikos, pinanindigan naman ni Loisa ang bitin niyang sagot sa mga nag-uusisa kung sila na nga ba ni Ronnie.

“Actually, napanood ko ang GGV (Gandang Gabi Vice), pero ako, noong pinanood ko bilang faney din naman ako rati, enjoy naman ako.

“Parang tama lang kasi hindi naman lahat ino-all out mo. Parang siyempre, kailangan mo ring magtira ng mystery para sa amin,” pahayag ng aktres.

Sa naturang panayam din, ito ang naging tugon ni Ronnie sa pag-uusisa ni Vice Ganda kung ano ba ang tunay nilang relasyon ni Loisa: “Mag-iipon muna kami. Napag-uusapan na rin naman namin iyang mga ganoong sinasabi mo, pero sabi ko sa kanya na mag-ipon muna kaming dalawa,” anang aktor.

“Sabi ko nga, hindi kami nagmamadali, na sa mga ganoong bagay, dyowa-dyowa kaagad. Wala muna,” saad pa niya na idinagdag pang kapag daw siya ay nagkaroon ng girlfriend ay panghabambuhay na raw.

Sa isang panayam pa kay Loisa, ipinahayag niyang ini-enjoy lang daw nila ni Ronnie ang isa’t isa pero mas naka-focus daw talaga sila sa kanilang respective showbiz career.

“Basta kami ini-enjoy lang namin ang isa’t isa, na masaya lang kami, walang problema. At focus kami sa trabaho namin dahil iniingatan namin ‘yung future namin,” wika pa ng aktres.

Sa ngayon, maraming nagsasabi na gumaganda lalo si Loisa at iisa ang konklusyon ng mga taong nasa paligid ng aktres, dahil daw masaya si Loisa at dahil alagang-alaga ni Ronnie ang dalaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.