Tula Sa Mga Bato Sa Harap Ng Museo

Liwayway - - Mga Nilalaman - Joe Lad Santos

Nililok ng Diyos, ang maestro ng mga maestro. Obra-maestra ng panahon na ang mundo’y isang mundo. Mula kabunduka’y hinakot na mga bato, Ginawang bantayog mga monumento. Dinala sa Maynila sa T. M. Kalaw Avenue, Sentrong bato-balani ng Pambansang Museo. Itinindig na mga lumang bago. Naging bago ang antigong-antigo. Nangungusap kamangha-manghang rebulto. Bumukal na batis sa henyo ng mga henyo. Tahimik na magneto ng mga magneto, itim, abuhin, batik-batik na higanteng eskombro. Mga aralin pala at dahon ng mga libro. Sa bawat matang-agila na sisipat dito ay makikita ang iba’t ibang mukha ng tao. (Dalawin mo, kaibigan pagmasdan ang mga bato. Kaluluwa ay babangon pakikita sa iyo. Baka ang naroo’y ikaw, ako, sila, tayo.)

Nililok ng Diyos, ang maestro ng mga maestro.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.