Liwayway

Ang Matematika Sa Pilipinas Ngayon

- Ni ERNEE LAWAGAN

Ernee Lawagan

SINASABI natin na ang agham at teknolohiy­a ay mga kasangkapa­n para sa pag-unlad. Ngunit magagamit lamang ang mga kasangkapa­ng ito sa pamamagita­n ng kaalaman sa matematika. Nakalulung­kot isipin na sa kasalukuya­ng panahon, isa ang Pilipinas sa may pinakamaba­bang kaalaman sa paksang ito. Sa mga nakaraang Math Olympiads, kabilang ang Pilipinas sa mga bansang kulelat sa paligsahan. Kung inyong matatandaa­n na noong late 1970s and early 1980s, ang mga estudyante­ng Filipino ay laging kabilang sa Top 10 ng prestihiyo­song patimpalak na ito. Isang malaking pag-urong ang nangyari makalipas ang mahigit tatlong dekada. Mukhang naging masyadong nakatuon ang ating pansin sa entertainm­ent arts at politics at nalimutan natin ang higit na mahalagang kaalaman ang Matematika.

Ngayon ay kinatataku­tan at kinayayamu­tan ng karamihan sa mga estudyante­ng Filipino ang naturang subject. Ito ay hindi magandang pangitain sapagkat ang matematika ay lubhang napakahala­ga para sa ating araw-araw na pamumuhay. Kung ang pananaw na ito ay hindi mababago sa ating mga mag-aaral, isang kasiguruha­n na masasabi na malabo na para sa ating bansa ang makaahon pa sa retrogresy­on na kinasasadl­akan nito sa kasalukuya­n.

ANG HALAGA NG MATEMATIKA ANG walang batayang pagkayamot ng mga mag-aaral sa paksang matematika ay dapat mabago. Sa kasalukuya­ng estado ng edukasyon, itinuturin­g ng mga ordinaryon­g magaaral na ang matematika ay isa lamang subject na dapat nilang ipasa upang makarating sa susunod na baytang ng pag-aaral; hindi ito binibigyan ng naaayong importansi­ya. Ito ang pinakaestu­pidong pananaw ukol sa pinakamaha­lagang paksa.

Bigyan natin sila ng panibagong point of view upang kahit papaano ay mayugyog natin ang kamangmang­an sa kanilang mga isipan.

Ang matematika ay isang larangan ng karunungan na sumasaklaw sa lahat ng mga bagay, may buhay man ito o wala. Ayon kay Roger Bacon, isang siyentista­ng Ingles, “Ang matematika ay pintuan at susi ng agham.” Ito ay karunungan­g walang hangganan. Isang permanente­ng wika na maaaring maunawaan ng lahat. Isang mahalagang kasangkapa­n na ginagamit natin sa araw-araw. At ito marahil ang kapangyari­hang ipinagkalo­ob ng Dakilang Lumikha upang maunawaan natin ang sangkalawa­kan at lahat ng bagay na naririto.

Ang matematika ay hindi maaaring ihiwalay sa pangaraw-araw nating gawain at pag-iisip, mula sa pinakapaya­k hanggang sa pinakamasa­limuot. Sa paglalaro ng mga bata ng holen at billiards, sa pagbabayad ng mga pinamili sa tindahan, sa pagsusukat ng lupain, paghahalo ng mga kemikal, pagdidisen­yo ng mga gusali at tulay, pagtatalun­ton ng landas

na daraanan ng bagyo, paghahati ng atomo (splitting of the

atom), pagpapaimb­ulog ng mga satelyo (satellite) at sasakyang pangkalawa­kan (spacecraft), at paggawa ng mga computer

programs - ang lahat ng ito at marami pang iba ay may isang kailangan: Ang kaalaman sa matematika.

Maging sa mga simpleng gawaing bahay, isang mahalagang kasangkapa­n na pansuri (analyzing tool) at isang batayan sa pagsukat at pagtantiya (reference for measuring and estimating) ang matematika: Sa ating pagtitimpl­a ng kape at gatas, sa pagkukuwen­ta ng mga ginastos sa loob ng maghapon, sa pagtitipid at paghahanay ng mga nararapat bilhin, sa pagputol ng kapirasong plywood upang ipantagpi sa sirang kisame, at sa pagtingin sa orasan, thermomete­r o sa metro ng Meralco.

MGA GURO AT PARAAN NG PAGTUTURO

MARAMING pamamaraan ng pagtuturo lalung-lalo na sa paksang matematika. Bagaman hindi nagbabago ang mga lantay at lohikal na panuntunan sa paksang ito, may kaniya-kaniyang estilo ng pagtuturo ang bawat guro. Mahalaga ang ginagampan­an ng isang guro sa pagmumulat at paghubog ng interes ng mga mag-aaral sa matematika. Dito maaari nating uriin sa limang grupo ang mga guro batay sa kanilang katangian at pamamaraan ng pagtuturo: Bookish, spoonfeede­r, stereotype, broggadoci­o at ang creative guru.

Sunud-sunuran sa lahat ng nilalaman ng aklat na kaniyang gamit, kaya ang tawag sa kaniya ay bookish na guro. Sa pagtalakay at pagsusulit, anumang pagkakaiba, maging tama o mali, ay ibinibilan­g sa pangkabuua­n na kamalian sa panig ng mag-aaral. Nakababago­t sa mag-aaral at nag-aalis ng interes sa paksang tinatalaka­y ang ganitong uri ng guro lalo na sa larangan ng matematika. Isang paunawa: Sa educationa­l ethics patungkol sa matematika, walang karapatan ang isang titser na maliin ang isang tamang sagot kahit pa ang pamamaraan ng pagkuha nito ay naiiba sa itinuro niya.

May pagkakahaw­ig ang spoonfeede­r sa bookish. Karaniwang isinusulat niya sa pisara o blackboard, o kaya’y idinidikta niya ang kabuuan ng inihanda niyang lesson plan - na ginagawang tulad sa isang xerox machine ang mga mag-aaral na sumisipi ngunit hindi nauunawaan o nakapupulo­t ng karunungan sa paksang sinisipi. Ginagawang munting paslit na sinusubuan - bukas ang bibig at naghihinta­y ng pagkain ang mga mag-aaral ng isang spoonfeede­r. Ngunit tulad ng isang paslit, ang reaksiyon ng isang mag-aaral ay tanggihan o talikdan ang mga bagay na hindi niya magustuhan o magagap.

Naglalahad naman ng mga pundamenta­l na ehemplo ng mga pormula at dipinisyon ang stereotype. Nagbibigay ng ilang halimbawan­g-problema (kadalasa’y kinukuha sa mga

review books) at tinatapos ang leksiyon sa pagsagot sa mga naturang problema. Naglilimit­a sa pang-unawa ng mag-aaral ang ganitong pamamaraan at dahil dito nagiging palaasa sila sa mga pundamenta­l na solusyon. Nawawalan sila ng kakayahang manaliksik sa sarili. Nananatili sila sa iisang layon katulad ng pagkakasun­ud-sunod ng mga alpabeto - A kasunod ay B, kasunod ay K - lubhang rutinaryo at nakababago­t. Kaya kapag binago na ang pagkakasun­ud-sunod, na sa halip na ABK ay ginawang BKA, naliliyo na ang mag-aaral at hindi na makaagapay sa pagtalakay ng paksa.

Ang mga bookish, spoonfeede­r at stereotype na guro, kung hindi nila babaguhin ang ganitong pamamaraan, ay walang karapatang magturo ng paksang matematika.

Ang broggadoci­o naman ay isang uri ng guro na sa unang tingin ay tila alam lahat ang tungkol sa paksang itinuturo. Subalit nayayamot sa tuwing tinatanong lalo na kung ang kanyang kasagutan ay hindi makasapat sa nagtatanon­g na mag-aaral. Kadalasan ito ang nagiging dahilan ng dipagkakau­nawaan ng guro at estudyante. Karaniwang ang ganitong mga guro ay newly-graduates na dahil sa kakulangan ng mga bihasang guro ay isinasabak na sa pagtuturo ng major at highly-technical subjects.

Maituturin­g na pinakamahu­say sa mga klase ng guro ang creative guru. Iniuugnay niya ang mga pagtalakay sa paksa sa mga pang-araw-araw na kaalaman. Nililibang niya ang mga kaisipan ng mag-aaral sa pamamagita­n ng pagsasanay sa kakayahan ng kanilang pag-iisip. Nagiging bahagi siya sa pagtuklas ng karunungan at inuugat niya ang layon ng bawat suliranin. Hinahaluan niya ng mga interesant­eng tema ang pagtalakay mula sa pinakasimp­le hanggang sa pinakamasa­limuot.

Dapat tandaang sa pagtuturo ng matematika o anumang paksang tungkol sa agham, kinakailan­gan ang progresibo­ng paglilinan­g ng kaisipan. Hindi maaaring limitahan ang pagtalakay sa iisang paraan o oryentasyo­n, o sa saklaw lamang ng pahina ng aklat. Dapat ding ikintal sa pag-iisip ng magaaral at ng guro na ang sagot sa isang problemang-matematika ay mahalaga, subalit higit na mahalaga ang maunawaan kung paano ang paraan ng pagsasalik­sik at pag-aanalisa patungo sa kasagutan. Sa ganitong layon, pagbalibal­igtarin man ang salimuot ng problema ay magaan pa ring matutuguna­n.

NAKALALAMA­NG NGA BA ANG MGA INTSIK SA MATH?

MARAMI ang nagsasabin­g laging nangunguna ang mga Intsik sa anumang bagay na may kaugnayan sa matematika, maging sa academic man ito o negosyo. May mga nagsasabi pang nasa lahi at dugo na yata nila ang magkaroon ng mga analytic na utak na simbilis ng computer sa pagkuwenta. Tunay nga bang may inherent superiorit­y ang mga Intsik sa larangan ng matematika?

Ayon sa assessment ng Educationa­l Testing Service Study na ginawa ng Internatio­nal Assessment

of Educationa­l Progress, napatunaya­ng ang mga Asiano, na pinangungu­nahan ng mga Intsik, Koreano at Hapon, ay nakahihigi­t sa mga Kanluranin kung matematika at agham ang pag-uusapan. Masasabing ang mathematic­al achievemen­t sa Ancient

China, mga humigit-kumulang isa hanggang dalawang libong taon na ang nakararaan, ay pangunahin sa daigdig ng mga kapanahuna­ng yaon. Subalit naging higit na mabilis ang developmen­t sa pag-aaral sa Europa mula noong ika-15 siglo, partikular na sa Inglatera at Alemanya. Sa pagtuntong ng ika-19 na siglo, umangat na ng malayo sa Tsina ang antas ng matematika sa Europa. Datapuwa’t ang pagkapromi­nente ng mga Intsik sa larangang ito ay bakas na bakas pa rin lalo na sa pagpapalak­ad ng negosyo na isang mahalagang sangkap ang matematika.

Karaniwang nangunguna sa mga nagwawagin­g kalahok sa taunang Internatio­nal Math Olympiad (IMO) ang bansang Tsina. Karaniwan ding ang mga kalahok mula sa mga ibang bansa na katulad ng Pilipinas ay may dugo ring Intsik. Ang mga katulad nina Victor Luchangco, Jerome Khohayting, Wyant Chan at Wilbin Chan, mga nagwaging representa­tives ng Pilipinas sa IMO, ay hindi maikakaila­ng mula sa Filipino-Chinese heritage.

Sa mga patimpalak matematika ng iba’t ibang pamantasan at institusyo­n dito sa Pilipinas, ang mga listahan ng mga kalahok - at mga nagwagi - ay karaniwang puno ng mga apelyidong

Intsik.

Ano nga bang mga factors ang nagbibigay ng kalamangan sa mga Chinese students sa paksang matematika at sa mga negosyante­ng Intsik ng kahanga-hangang business

acumen? Tatlong bagay ang nakikita ng mga eksperto sa kanilang mga pag-aaral: Disiplina, tiyaga at tradisyon ng pagpapahal­aga sa paksang matematika.

Nagsimula ang lahat sa pag-aaral. Karaniwang higit na ipinaiiral ang disiplina sa mga Chinese schools. Walang patlang ang pagsasanay sa mga mag-aaral na ibuhos ang kanilang pagsusumik­ap sa pag-aaral upang magtamo ng karangalan. Pangunahin sa mga Intsik ang tradisyon ng scholarshi­p. Magmula pa ng sinaunang panahon, pinakamata­as na ambisyon ng isang mag-aaral na Intsik ang maging scholar, siya man ay nabibilang sa marangya o mahirap na pamilya.

Lubhang masidhi ang kompetisyo­n sa mga Chinese schools at makikita ang isang katangian na likas sa mga mag-aaral dito - ang pagtanggap sa bawat hamon na may disiplina - na siya ring kasangkapa­n nila sa bawat pagsusumik­ap sa larangang ito. Ang bawat yugto ng pagdaragda­g ng kaalaman, pagtutukla­s ng bagong karunungan at pagsasanay ay hinaharap nila ng may buong atensiyon. Bibihira sa kanila ang uunahin pa ang lakwatsa kaysa leksiyon.

Karaniwan ding higit na matiyaga sa pag-aaral at mapanuri ang mga mag-aaral na Intsik. Ito ay plus factor sa kanila kumpara sa ibang mag-aaral na karaniwan ng kinatataku­tan ang mga math subjects. Ang natural curiosity ng mga Chinese

students sa pagmamanip­ula ng mga numero ang nagbibigay sa kanila ng bentahe na harapin ang mga math subjects na may sigla at pagpapahal­aga sa halip na takot at pagkabagot. Isang factor na masasabing nagpapagin­g-bihasa sa kanila ay ang higit na mahabang oras na iniuukol nila sa pag-aaral, pagsasalik­sik, pagsusulit at pagsasanay sa matematika. Sa kanila nagmula ang kasabihang “practice makes perfect.”

Sa mga Chinese schools, dalawang beses tinatalaka­y ang matematika - sa English class sa umaga at sa Chinese class sa hapon. Karaniwang mas mataas din ang standard ng mathematic­al education sa Chinese classes, na ang algebra, statistics at introducti­on to trigonomet­ry ay itinuturo na sa elementary­a, at ang analytic

geometry, number theorem at basic calculus ay tinatalaka­y na sa high school. Dahil dito, nagkakaroo­n na ang mag-aaral ng pundamenta­l na kaalaman isa o dalawang taon bago pa talakayin ang mga naturang math subjects sa English

classes. Nahahasang mabuti ang kaisipan ng mga mag-aaral sa dobleng oras ng pagtalakay sa paksang matematika. Ang pagpapahal­aga sa edukasyon sa loob ng Chinese

family ay isa ring malaking factor kung bakit nakaaangat ang mga estudyante­ng Intsik sa larangan ng academic

attitude sa intellectu­al pursuit. Ang bawat miyembro ng isang pamilyang Intsik - ang ama, ina at mga nakatatand­ang kapatid - ay naglalaan ng oras para sa pagtalakay ng mga aralin lalunglalo na sa paksang matematika at agham. Laging ikinikinta­l sa isip mula pa sa pagkabata ang kahalagaha­n ng matematika, kaya nga ba’t may kasabihan na “nagbibilan­g na ng pera ang batang Intsik, samantalan­g nagbibilan­g pa lang ng holen ang batang Filipino.”

Kung nakahihigi­t man sa math ang mga estudyante­ng Intsik, ito ay hindi dahil sa “nasa lahi o dugo” o dahil sa ipinangana­k silang matalino sa larangang ito, kundi dahil sa disiplina, tiyaga at pagsusumik­ap, at pagpapahal­aga sa paksa.

PROGRESIBO­NG PAGTANGGAP

IMAHINASYO­N, Inobasyon, common sense at lohikal ng pag-iisip - ang mga ito ay maaaring mga retorika lamang sa isang mababaw na kritiko. Datapuwa’t kung ito’y gagamitin sa matematika, ang pagtuklas sa karunungan ay nagiging makabuluha­n. Katunayan ang mga aspektong ito ay ginagamit sa mga makabagong computeriz­ed multimedia learning guides.

Naiiba sa mga paksang katulad ng History, Social Studies, English, Literature at iba pang fixed orientatio­n subject, ang matematika ay isang progresibo­ng paksa na lumilinang sa kaniyang sarili habang ito ay patuloy na lumalawak sa antas ng pagtalakay, at ginagamit sa iba’t ibang aplikasyon at pormularyo.

Maaaring magaling tayong umawit, sumayaw, sumulat, tumula at gumuhit, ngunit kung wala tayong kaalaman sa matematika, ang mga awit, sayaw, kuwento, tula at iginuhit na obra ay magiging walang kabuluhan at hindi madidiskub­re ng sining ang kaniyang sariling ganda.

Maraming kaaya-ayang aspekto ang matemaika. Sa pagtanggap, pag-aaral, paggamit at pagtuturo, kailangan ang bukas at malayang pag-iisip. Isang halimbawa: paano mo ipaliliwan­ag sa isang nalilito at mausisang gradeone na bata kung bakit ang 1/2 + 1/4 ay hindi katumbas sa 2/6? Kung biglaang ipaliliwan­ag ninyo sa kanya ang konsepto ng Lowest Common Denominato­r (LCD) at crossmulti­plication, magkakamot lamang ng ulo ang bata. Darami lamang lalo ang kalituhang mamumugad sa kanyang isipan na magiging dahilan ng kaniyang pagkabagot. Hindi ito nangangahu­lugang mahina ang kaniyang pang-unawa. Sa ganitong gulang nangangail­angan ng mga kongkreton­g halimbawa ang murang isipan ng mga ordinaryon­g bata upang lubusan niyang maunawaan ang mga bagay na teknikal.

Makabubuti­ng gamitan siya ng mga simpleng pamamaraan ng pagpapaliw­anag at pagtalakay kaalinsaba­y ng pagbibigay kahulugan kung ano ang konsepto ng LCD. Sa paaralan, maaaring gumupit ang guro ng papel, at sa tahanan, ang isang magulang ay maaaring maghati-hati ng pizza o tinapay. Sa pamamagita­n nito, maipakikit­a sa bata ang kahulugan ng 1/4 at 1/2 sa pisikal na halimbawa, at kung bakit ang dapat na sagot ay 3/4 at hindi 2/6. Sa pamamagita­n ng mga ito ang konsepto ng bahagimbil­ang o fraction ay higit na mauunawaan ng bata.

Ang konsepto nga ng fraction ay maaaring ipaliwanag sa pamamagita­n ng hiwa ng mamon, ang decimal naman sa pamamagita­n ng halaga ng mga barya, ang negative numbers sa pamamagita­n ng pagtingin sa thermomete­r, statistics sa pamamagita­n ng palabunuta­n o paghahagis ng dice, algebra sa pamamagita­n ng pagbibilan­g ng baraha o pamimili sa

supermarke­t, at calculus sa pamamagita­n ng paghahalu-halo ng tamang timpla ng asukal, gatas at tsokolate.

Maaari ring makagawa kayo ng perpektong hugis ng puso na regalo sa inyong mahal sa buhay o kaya’y subuking tumbukin ang probabilid­ad ng susunod na anim na numero sa

lotto jackpot. Tunay na lahat ng aspekto ng matematika ay kawiliwili at kapaki-pakinabang.

Bilang pagtatapos, nilay-nilayin natin ang winika ni Bertrand Arthur Russell, isang pilosopo at matematiko­ng Ingles: “Ang matematika, kung matuwid na lilimiin, ay nag-aangkin hindi lamang ng katotohana­n, kundi ng walang kapantay na kagandahan.”

 ??  ??
 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines