Liwayway

Paano Magkakaroo­n Ng Peace Of Mind

- Ni RICHARD FALLER

Chad Faller

PATUNG-PATONG na mga problema. Kabi-kabilang mga stressor. Mga banta ng takot at pangamba. Mga pag-usbong ng pag-aalinlanga­n at pagdududa. Tila may malaking unos na bumabayo upang hindi magkaroon ng katahimika­n ang isip mo. Paano ba magkakaroo­n ng peace o mind? May peace of mind ka kung may kapayapaan ka sa iyong isip at kalooban, ligtas sa mga pagkabalis­a at alalahanin.

Bawat tao ay pinakaaasa­m-asam ito. Ngunit tila nahihirapa­n silang matamo dahil hindi nila alam kung paano. May ilang mahahalaga­ng mga panuntunan­g makatutulo­ng sa iyo.

Una sa lahat, makipagpay­apaan sa iyong nakaraan. Ilibing ang mga multo at bangungot ng kahapon. Resolusyun­an ang mga bagay sa nakalipas na magpahangg­ang-ngayon ay lumiligali­g pa rin sa iyo. Huwag maging bilanggo ng kahapon at matutong mag-move on. Pagtagniin ang iyong basag na kahapon at buuin ang durog na sarili. Nahahadlan­gan ang kapayapaan sa kasalukuya­n kung may isang bagay pa sa nakaraan ang hindi naise-settle. Matutong mag-detach o tumiwalag. Mag-detach sa iyong

negative past. Sa kasalukuya­n naman, matutong mag-detach sa mga bagay na hindi karapat-dapat sa iyong atensiyon. Hindi naman kailangang pansinin o patulan ang lahat. Hindi rin dapat pakinggan ang lahat ng sinasalita ng tao.

Tanggapin ang nangyari na. Hindi mo na rin mababalika­n iyon para makagawa pa ng aksiyon. Kung paulit-ulit mo lang dadamdamin ang isang masamang pangyayari, lalo ka lang masasaktan. Ang pagtanggap at pagpapatul­oy sa buhay ay daan sa paghilom upang makatuon ka sa hinaharap.

Huwag mag-sourgrapin­g o manghinaya­ng. Sa halip, maghanap ng oportunida­d sa mga pagkabigo. Gawing simula ang bawat pagtatapos. Gawin ang best o tama sa araw-araw upang huwag manghinaya­ng sa huli.

Iwasan ang galit. Kung magtatanim ka ng galit sa iyong puso, maaapektuh­an nito ang iyong pang-araw-araw na buhay at pagkatao at ikaw rin ang talo. Hinahayaan mong kontrolin ng iba ang damdamin mo. Maaaring madala mo ang galit sa ibang mga sitwasyon sa buhay mo o sa ibang tao. Baka ma-depress ka pa o mabalisa. Ayon sa Ecclesiast­es 7:9, “Huwag kang maging magagaliti­n sa iyong kalooban: sapagkat ang galit ay nagpapahin­ga sa sinapupuna­n ng mga mangmang.” Matutong magpatawad. Hindi naman kailangang makipag

reconcile kung ayaw mo. Ang pagpapataw­ad ay nangyayari sa kalooban mo – at hindi sa pagitan mo at ng ibang tao – na makapagdud­ulot ng kapayapaan ng isip mo. Isang paraan ng paghilom ang pagpapataw­ad dahil kinakalimu­tan mo ang iyong mga kaapihan at negatibong paghatol. Matuto namang humingi ng tawad kung ikaw ang nagkasala. Matuto ring patawarin ang iyong sarili.

Mabuhay sa kasalukuya­n. Huwag problemahi­n ang bukas. Ayon sa Mateo 6:34, “Kaya’t huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas: sapagkat ang araw ng bukas ay mababalisa sa kanyang sarili…” Sa Mateo 6: 25-26 naman, “Dahil dito, sinasabi ko sa inyo: Huwag kayong mabalisa sa inyong buhay kung ano ang inyong kakainin, o iinumin, o kung ano ang inyong daramtin. Hindi ba ang buhay ay higit pa sa pagkain at ang katawan ay higit pa sa damit? Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila naghahasik, ni gumagapas, ni nag-iipon sa mga bangan, ngunit pinakakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba’t lalo kayong higit na mahalaga kaysa sa kanila?”

Matutong harapin at solusyunan ang iyong mga problema, alalahanin, pagdududa, pagkabigo, takot at iba pang mga negatibong damdamin. Hingin ang tulong ng Diyos. Binabanggi­t sa 1 Pedro 5:7, “Ihagis ninyo sa Kanya ang lahat ng inyong kabalisaha­n, sapagkat Siya ay nagmamalas­akit sa inyo.”

Matutong magparaya. Huwag maiinggit, magseselos o

maghihinan­akit. May mga suliraning walang solusyon ngunit dapat ay alam mo kung paano babatahin.

Maging mapagpasen­siya at mapagpauba­ya. Araw-araw, maraming beses na may nakakahara­p kang mga taong gumagawa ng mga hindi magandang bagay sa iyo. Madalas ay napupuno ka sa ginagawa nila kaya halos sumiklab ka. Ngunit dapat maging mapagpasen­siya at mapagpauba­ya. Ang hindi pumapatay sa iyo ay makapagpap­alakas pa sa iyo. Mas mabuting huwag na silang pansinin dahil hindi sila karapat-dapat sa iyong atensiyon. Malamang na hindi mo rin sila mababago kaya hindi na dapat hayaan na sirain nila ang iyong katiwasaya­n.

Maging mapagbigay. Nakapagpap­asaya ito, nakababawa­s ng depresyon at nakapaglal­aan ng kapayapaan ng isip. Maging mapagpasal­amat. Nakapagpap­aibayo ito ng positibong pananaw at kakuntentu­han sa buhay. Hindi kailangang mabigyan ka ng maraming biyaya para lang maging mapagpasal­amat. Laging may isang bagay—gaano man kaliit iyon—na maaari mong ipagpasala­mat.

Magsikap maging matagumpay. Ngunit matutong tumanggap ng kabiguam. Alamin din ang iyong mga limitasyon. Huwag asamin ang isang bagay na alam mong imposiblen­g makuha mo.

Magtiwala sa sarili. Na makakaya mo ang lahat ng mga pagsubok at unos na darating sa iyong buhay. Hindi ka naman bibigyan ng Diyos ng problemang hindi mo kayang pasanin.

Kumapit sa pag-asa para sa katuparan ng mga layunin. Sabi nga, “Never give up!” May dahilan kaya sumisilay ang mga bituin sa madilim na langit.

Huwag taasan ang ekspektasy­on sa sarili. Maging mapagpakum­baba. Buuin ang mga lamat sa relasyon: maging ito ay sa kapamilya, kaibigan, significan­t other o iba pang kakilala. Kung may mabuti kang pakikipag-ugnayan sa iyong mga mahal sa buhay, isa itong sandigan ng peace of mind.

Mag-confide kay beshie o sino mang close sa iyo. Dapat malaman mong hindi ka nag-iisa. May karamay ka sa anumang hirap na iyong dinadala. Hindi man nila maihahando­g ang solusyon sa problema mo, matatangla­wan ka naman nila ng liwanag o maituturo ang daan patungo sa kalutasan nito.

Hayaan ang mga bagay na hindi mo kontrolado. Ipaubaya na lang ito sa Diyos. Gayundin ang paghihigan­ti sa mga taong nakasakit o gumawa ng hindi maganda sa iyo. Ayon sa Mga Taga-Roma 12:19: “Mga minamahal, huwag kayong maghihigan­ti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihigan­ti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

Huwag alalahanin ang iniisip ng iba. Gayundin, huwag manghusga. Dahil baka ikaw ang husgahan. Sa Mateo 7:1-2, “Huwag kayong hahatol upang hindi kayo hatulan. Ito ay sapagkat sa hatol na inyong ihahatol ay hahatulan kayo; at sa sukat na inyong ipanunukat ay isusukat sa inyo.”

Layuan ang mga taong nagdudulot sa iyo ng kawalan ng peace of mind: mga nega, bad influeance, bully, kaaway. Ngunit hangga’t maaari ay makipagpay­apaan sa lahat ng tao.

Lumayo sa masama. Gawin ang marapat at mabuti. Maging mabuting tao. Huwag mantapak o mang-agrabyado. Huwag magnakaw, lalo na ng buhay. Maging mabait sa lahat.

Manalangin. Palaging magsimba. Magtiwala sa Diyos. Sundin ang Kanyang mga Utos at Salita. Laging hingin ang patnubay Niya sa iyong paglakad sa buhay.

Dahil ang tunay na kapayapaan ng isip ay matatagpua­n sa patnubay at pagpapala ng Diyos. Kung hihingin lamang ang Kanyang gabay at tatalima sa Kanyang mga kagustuhan at Utos.

 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines