Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

Liwayway - - Mga Nilalaman - Ni BOY A. SILVERIO

Boy A. Silverio

NANG ang mga Kastila ay dumating sa Manila Bay noong 1570, natagpuan nila na maraming mamamayan ang naninirahan sa Pampanga na dating sumasakop sa Bataan at Bulacan. Lumaban sila sa mga dayuhan hanggang sila’y payapain ni Martin de Goite noong 1571. Ang bayan ng Bacolor ay naging pansamantalang kabisera ng Pilipinas nang sakupin ng mga Ingles ang Maynila noong 1761.

Ang Pampanga ay naging sentro ng himagsikan noong Panahon ng mga Kastila. Isa ito sa mga lalawigang nagsipagalsa noong 1896.

NAGTAGAL ng walong taon bago nabuo ni Padre Diego Ciera ang bamboo organ, mula 1816 hanggang 1824. Noong 1880’s sinira ng bagyo at lindol ang bubong ng simbahan kaya nahulog ang mga bato at tubig sa loob ng sisidlan ng organ at hindi mapatugtog sa loob ng ilang taon. Itinago ang mga tubo sa lumang sacristy ng simbahan hanggang noong 1917 nang matuklasan ng mga turista ang kakaibang bighani nito.

ANG Katipunan ay itinatag ni Andres Bonifacio noong Hulyo 7, 1892, pero sa loob ng apat na taon ay nanatili itong isang lihim na samahan na binubuo ng karamihan ay uring manggagawa. Ang layunin nito ay palayain ang mga Pilipino sa dominasyon ng pamahalaang kolonyal ng Kastila.

Ipinagkanulo sa mga prayle, ang mga Katipunero ay ipinaaresto ng mga awtoridad. Nalaman ni Bonifacio ang kataksilan at tumakas siya kasama ang kanyang kapatid na si Procorpio, Emilio Jacinto, Todoro Plata, at Aguedo del Rosario patungong Balintawak. Tinawag niya ang lahat ng mga lider ng Katipunan sa isang pangkalahatang pulong na ginanap sa Balintawak noong Agosto 24.

NOONG nag-aaral pa si Emilio Jacinto sa Colegio de San Juan de Letran at Unibersidad de Santo Tomas, ang kanyang mga sandali’y iginugol niyang lahat halos sa pag-aaral. Siya’y walang panahon sa pag-ibig. Ito’y hanggang sa makilala niya nang di-sinasadya ang magandang si Magdalena de la Cruz noong Agosto 1896 sa tahanan ng amain nito sa San Felipe Nery (ngayo’y Mandaluyong, Metro Manila).

Si Magdalena na isang Pampanggenya, ang unang nakapagpatibok sa batang puso ni Jacinto. Siya ang babaeng naging inspirasyon ng “Utak ng Katipunan” sa ikapagtatagumpay ng layunin ng himagsikang Pilipino

SI Stephanie de Vega Mercado ay anak ng sprint queen na si Lydia de Vega na noong 1980s ay nagbigay ng pride and honor sa bansa nang magwagi mga gold medals sa track and field events sa New Delhi at Seoul Asian Games. Ang mga accomplishments niyang ito ay naging dahilan para mabansagan siyang Asia’s Sprint Queen. Matapos ang dalawang dekada, nagsimula na mang sumikat sa daigdig ng volleyball ang anak na si Stephanie. Bago naglaro ng volleyball, naunang maglaro ng tennis, badminton at swimming si Stephanie sa kanyang bagong edad. Naging miyembro rin siya ng Philippine Youth Team at dito niya nakuha ang atensiyon ni De La Salle University Lady spikers coach Ramil de Jesus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.