Andi Eigenmann At Matt Evans, Tampok Sa Pelikulang The Maid In London

Liwayway - - Mga Nilalaman - Ni NONIE V. NICASIO

Nonie V. Nicasio

BAGONG kombinasyon ang tambalan nina Andi Eigenmann at Matt Evans sa pelikulang The Maid in

London ni Direk Danni Ugali. Although natunghayan sina Matt at Andi sa matagumpay na ABS CBN teleseryeng The

Greatest Love na pinagbidahan ni Ms. Sylvia Sanchez, gumanap silang magkapatid dito unlike sa movie na mapapanood sila bilang mag-asawa.

Ang pelikula ay tumatalakay sa mga TNT o Tago Nang Tago sa London at isa nga rito si Margo (Andi), isang mapagmahal na anak na handang gawin ang lahat para sa magandang kinabukasan ng kanyang mga mahal sa buhay. Napilitan siyang magtrabaho sa abroad, matapos ang kanyang mga pangarap sa buhay ay mawasak ng lalaking kanyang minamahal.

Nagkuwento sina Andi at Matt ng kanilang respective roles sa pelikulang ito. “My role in the movie is, ako po si Margo, isa pong tindera sa palengke na gustong tulungan ang kanyang pamilya para mas gumanda at mapasarap kahit papaano ang buhay niya at ng kanyang pamilya. So, she was offered an opportunity to go

to London and work there as an OFW pero TNT. So, malalaman

natin ‘yung story of Margo and what happens to her when she builds a new life there,” saad ni Andi. Pahayag naman ni Matt, “Ito ay isang pelikula na punongpuno ng pangarap at pag-asa. Sobrang lapit sa reyalidad ng pelikulang ito. Ako po rito si Ben Santiago. Ako po ang gumanap na asawa ni Margo na pinagbidahan ni Andi.” Sina Andi at Matt ay kapwa nagpamalas ng galing sa

showbiz, base sa kanilang mga nagawang proyekto. Galing sa matagumpay na reality television show na Pinoy Big

Brother: Teen Edition 1, pinatunayan ni Matt ang kanyang halaga sa ating industriya at naging kapansin-pansin sa mga sumunod na TV show na kanyang ginawa after PBB. Siya ang naging bida sa Komiks Presents: Da Adventures of

Pedro Penduko. Gumanap siyang Francis, isang miyembro ng Presidential Security Group sa Tanging Yaman, gumanap din siyang Aries sa Rosalka. Noong 2014, nagkaroon siya ng dimalilimutang pagganap sa seryeng Pure Love bilang si Jake Espiritu, the Scheduler. Huling napananood sa Dos si Matt via The Greatest Love sa markadong role bilang bading na anak ni Ms. Sylvia at kapatid ni Andi. Nang lumipat si Matt sa GMA Network, gumanap siya bilang Dindo Carazo sa seryeng Sherlock Jr. at kasalukuyang ginagampanan ang karakter na Elmer sa The Cure na pinagbibidahan ni Jennylyn Mercado.

Si Andi naman, kahit kilala bilang anak ng mga premyadong artistang sina Jaclyn Jose at ng namayapang si Mark Gil, napatunayan niyang sa kanyang sariling kakayahan na maaaring magningning ang kanyang bituin bilang aktres. Nagmarka ang kanyang pagganap sa pinagbidahang drama

series na Agua Bendita at Galema, Anak ni Zuma na kapwa napanaood sa ABS CBN. Ang huling TV series niya sa Kapamilya network ay ang top rating na The Greatest Love na muli siyang nagpamalas ng husay sa pag-arte. Sa pelikula naman, si Andi ay napanood sa A Secret

Affair bilang isa sa bida sa naturang pelikula na tinampukan nina Anne Curtis at Derek Ramsay. Pagkalipas ng tatlong taon, tinampukan niya ang remake ng Hilda Koronel movie na Angela

Markado. Matapos naman maging isa sa bida sa blockbuster film na Camp Sawi, muli ngang matutunghayan si Andi sa The Maid in London bilang si Margo.

Pinuri naman ni Direk Danni ang dalawa sa magaling nilang pagganap. “Sobrang masaya ako, kasi more than my expectations ‘yung ginawa ni Andi, eh. Kasi naibigay niya ‘yung role na hinihingi ko, tapos nagampanan niya nang maayos ‘yung pagiging Margo, simula sa umpisa hanggang sa napunta sa London, nadala niya, hindi niya binitawan ‘yung character niya as Margo. “Sobrang satisfied ako hindi lang kay Andi, pati kay Matt. Si Matt, nakikita ko siya bilang komedyante, rito kasi iba ‘yung

role niya, bida-kontrabida, eh. So ayun, nakita ko na kaya naman pala ni Matt, eh,” esplika ni Direk Danni.

Ang The Maid in London ay mapapanood na sa July 4. Ito’y sa screenplay ni Direk Danni at base sa librong Tago Nang Tago ni BL Pangasinan. Tampok din dito sina Polo Ravales, Janice Jurado, Joshua de Guzman, Alexis Navarro, at iba pa. Ito’y mula sa Cinemanila.UK at Viva Films. Ang producers ay sina BL Panganiban, Beth Rees, Steve Rees, Mark O’driscoll, Nhing O’driscoll, at Danni Ugali.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.