Janice Jurado, Mas Lumalakas Ang Pananalig Sa Diyos Kahit Ilang Beses Nagka-Cancer

Liwayway - - Mga Nilalaman - Ni MARICRIS VALDEZ-NICASIO

Maricris V. Nicasio

TATLONG beses nagkaroon ng cancer ang aktres na si Janice Jurado. Unang cancer na dumapo sa kanya ay sa colon. Matapos maoperahan at putulin ang kanyang bituka ay naging okay siya. Ngunit sumunod ay nagkaroon naman siya ng ikalawang

cancer, sa breast naman, at ang ikatlo ay cervical cancer. Ayon sa aktres, ilang beses siyang naoperahan ngunit ayaw raw niya ang magpa-chemotherapy.

Pahayag niya, “Iyong sa breast ko, puro opera, pero hindi ako nagche-chemo, nine times na akong naoperahan,” esplika ni Janice.

Kamakailan ay muling humaharap sa bagong pagsubok si Janice nang ma-diagnose siyang nagbalik ang kanyang breast cancer.

“Every year ang check-up ko, kahapon, nagpa-checkup ulit ako at stage-3 daw ulit sa breast. Pero hindi ako naniniwala, hindi ako naniniwala…

“Sabi… sabi ay mag-chemo raw ako. Eh no, hindi ako magche-chemo, magpapaopera ako, pero hindi ako magpapa-chemo. Kasi iyong operation, mas trust ko iyong doctor ko sa East Avenue Medical Center, kaysa sa

chemo,” paliwanag niya na idinagdag pang kaya ayaw niyang magpa-chemo ay dahil naniniwala raw siyang kapag ginawa ito, pati mga good cells ay naaapektuhan.

Nang nalaman ni Janice na bumalik ang breast cancer niya, nanghina raw siya at tinanong ang kanyang sarili kung ano na naman daw kaya ang kakaharapin niyang pagsubok at problema.

Pero hindi raw siya nawawalan ng pag-asa. Kung noon ay muntik na siyang mag-suicide nang dumating ang sunod-sunod na dagok sa kanyang buhay, ngayon ay hindi na mangyayari ito dahil sa kanyang mga anak.

“Dahil sabi nila na huwag akong bibitaw, dahil kapag bumitaw ako ay wala na, bibitaw na rin sila. Na

survive ko nga iyong ibang cancer, hindi ba? Kaya wala na sa isip ko ngayon iyang suicide,” pakli pa niya.

Nabanggit pa ni Ms. Janice na imbes panghinaan siya ng loob ay mas lumakas daw ang pananalig niya sa Diyos.

Bulalas niya, “Well, siguro it’s a part ng trial na naman ni God. Pero kapag ganyan na may trials si God, may maganda Siyang ibinibigay sa akin. Kaya kailangan ko itong ma-survive. Kaya kailangan kong lakasan ang loob ko, ng tulong ng mga kaibigan, sa mga taga-East Avenue, lagi nila akong sinasabihan na, ‘Relax, kaya mo iyan.’

“At saka siyempre iyong faith kay God, lalong lumalakas, lalong-lalong-lalong lumalakas ang faith ko kay God sa mga ganitong sitwasyon,” diin pa ng aktres. Si Janice ay nagsimula sa mundo ng showbiz noong 1982 sa

comedy show na Duplex sa RPN-9. Ang isa sa naka-discover sa kanya ay ang yumaong writer-direktor-comedian na si Ading Fernando. Ito rin ang nagbigay kay Janice ng kanyang screen name.

Nauna rito, si Janice ay naging stand-up comedienne/sexy model sa Taxco Bar. Mula rito ay nakagawa siya ng maraming pelikula at pinakamemorable sa kanya ang Bagwis ng Lawin, dahil isa siya sa lead role rito at leading lady ni Lito Lapid. Pati na ang Fernando Poe Jr. starrer na Umpisahan Mo, Tatapusin ko. Naging TV host din si Janice ng kontrobersiyal na showbiz

talk show na Rumors, Facts And Humor. Nang nauso ang mga indie films, mas naging aktibo si Janice at napanood sa pelikulang Bubog ni Direk Arlyn dela Cruz. Mula rito, nagsunod-sunod muli ang kanyang pelikula.

Mapapanood ngayon si Janice sa The Maid In London nina Andi Eigenmann at Matt Evans. Ito’y sa direksiyon ni Danni Ugali at showing na sa July 4.

Ang susunod niyang pelikula ay kapwa true to life story, kabilang na ang kanyang talambuhay, kaya excited na si Janice sa mga kaganapang ito. Sa kanyang trabaho raw ang niya at hindi sa mga karamdamang nararanasan niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.